UPSIDE DOWN - Prologue

59 1 0
                                    

“ayoko na nito! Pagod na pagod na ako! Sawang sawa na ako sa paulit ulit mong pagkakamali.”

Tama ba talaga tong sinasabi ko? Nanginginig na ako sa takot. Halos kalahati ko ay ayoko pang iwanan siya. Mahal ko siya.

Pero pagod na pagod na ako. Ako nalang palagi yung nasasaktan.

“pero—“

Ayan nanaman. Yang PERO niya. Nakakapagod na ang mga PERO na ipinaglalaban niya…

Naramdaman ko nalang bigla na tumutulo na yung luha ko…

Sinusubukan kong pigilan pero hindi ko talaga kaya…

Ang hirap.

“PERO? PERO ANO?! HINDI NAMAN SIGURO AKO BULAG PARA HINDI MAKITA YUN ‘DI BA?! ALAM KO YANG GINAGAWA NIYO! ANO? ANO NAMAN NGAYON ANG EXCUSE MO?! HA?! NA… NA… MAY DUMI LANG SIYA SA LABI KAYA MO HINALIKAN? KAYA KAYO NAKAHUBAD?! AYOKO NA JHAKE!!! PAGOD NA PAGOD NA AKO! ANG SAKIT SAKIT NA… HINDI MO BA NAKIKITA KUNG GAANO NA AKO NASASAKTAN? HA?”

Umalis na ako.

Siguro naman eh malinaw na sakanya ang lahat.

Wala nang kami.

Mahirap mabuhay sa isang buhay na nahihirapan ka.

Kailangang bumitaw sa mabigat, kung kinakailangan.

Hindi dapat pinagpipilitan ang bawal.

Ang hindi dapat.

Ang mahirap.

Ang masakit.

Ang masaklap.

Ang…

Ang mahal mo.

Lasing na lasing.

Iyak ng iyak.

Nagkukulong sa kwarto.

Nakasara lahat ng ilaw at tanging ilaw lamang sa kwarto ay ang cellphone ko.

Tinitignan ang muhka niyang…

*SIGH*

“bakit mo kasi ako niloko? *hik* Gago ka din kasi eh! Di *hik* mo ba alam na *hik* mahal kita? Ikaw na bobo ka?! *hik*”

Bigla ko nalang nasabi sa kawalan.

Kinapa ko ang bote ng alak, sa tabi noo’y isang

Kutsilyong matalas.

“AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHCK!!!”

AUTHOR’S NOTE:

Hi po!!! First time ko lang gumawa ng story. Hehe. :D

Please support L

VOTE COMMENT FOLLOW :)

THANK YOU!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 12, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UPSIDE DOWNTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon