ANO NGA BA ANG PAG IBIG? KAYA BANG IBALANSE ANG PAG AARAL AT ANG PAG IBIG NG SINO MAN MKAKARAMDAM NITO.
sabi nila, Sa kolehiyo mo mararanasan ang lahat . Dito mo mararanasan ang sobrang pagod , Paglalakwatsa at ang Pagibig . Hindi puppy love at hindi paghanga lamang . kundi isang PAGIBIG. Kaya dapat daw mag-enjoy sa kolehiyo. Dapat daw balanse ang lahat. Balanse lang ang pag-aaral, balanse ang paglalakwatsa at balanse din ang buhay pag-ibig. Pero sabi ng mga nakakatanda, saka na daw ang buhay pag-ibig. Dapat daw unahin ang pag-aaral dahil nakakasira lang daw sa pag-aaral ang pag-aatupag sa mga nobya at nobyo. Hindi ko alam kung alin ang paniniwalaan ko. Hindi ko alam kung kaya kong balansehin ang lahat ng ito. Dahil Hindi Ko pa nararanasan ang mga ito.
Bagong Uniporme bagong kaibigan . at higit sa lahat bagong paaralan . Mas Malawak Kesa Sa Dating Pinagaaralan. Nang Datiy Highschool lamang ngayoy isang malawak na UNIBERSIDAD .
guro lamang ngayoy isang proffesor ang bumungad. sunod sunod ang pasok ngayoy palaktaw laktaw .
Ayan Ang Kolehiyo isa sa pinakamahirap balansihin sa buhay ng tao minsay nakakalito ngunit kailangay dapat maging balanse ang bawat kilos . Mahirap nga daw ngunit napakasaya naman.buwan ay lumipas Hindi nag tagal nakilala lahat ng bagong kamagaral. ako ay naging kampante. na kahit karamihan sa kanilay isip bata pdin ang pag iisip.
Isang ginoo ang nakapukaw sa aking nakakulong na puso . ng unay akala ko ay paghanga lamang . di nag tgal siyay hinahanap hanap . Tumagal ang buwan PAGIBIG Aking nadama . akoy kanyang sinuyo at
syay aking Naging Iniirog.unay Napakasaya Ng Bawat Araw . Walang away na nararanasan . Matatamis na salitaay aking nararanasan . Dumating sa punto
nagsabay ang quiz at pag-aaway,
Ang aking isip at puso ay nangangalay.
Isip ay pagod sa pag-aaral,
Puso ay nangangatwiran sa pangaral. Hindi sa lahat ng pagkakataon,
Na ang puso ay nka kahon.
Dapat rin itong pakawalan,
At pakinggan paminsan minsan. Pero hindi lang puso ang may katwiran.
Dapat ring pahalagahan ang isipan.
Bigyan ng halaga ang pag-aaral,
At makinig sa mga magulang at kanilang pangaral. Mahirap mang balansehin,
Naniniwala akong ito'y makakaya din.
Gawing inspirasyon ang pag-ibig,
At ang edukasyon mo sa Kolehiyo ay mananaig. ikaw nabalanse mo ba ang pagibig at buhay kolehiyo ?