1.

5.2K 135 30
                                    

1.

 

 

 

 

Lei's POV

Nandito sa bahay si Tita Anne, nasa living area sila ni daddy, mukha ngang seryoso yung pinag-uusapan nila eh. Nandun rin sa living area si Kyungsoo, hindi ko naman alam yung pinaguusapan nila, ayoko rin makialam kasi syempre usapan nila yun.

Nandito lang ako sa kwarto ko, naghihintay na matapos sila. Pero di ko kasi maiwasan na hindi ma-bother eh, ewan ko ba baka paranoid lang ako. Palabas ako ng kwarto ko nung sakto namang papasok si Kyungsoo sa kwarto niya.

 

"Nandyan pa si tita?" Tanong ko.

Hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa akin. "Nasa baba." Tapos parang ang cold pa niya. Basta not the usual Kyungsoo.

"May problema ba?" Syempre bilang kapatid dapat concern ako sa kanya.

"Wala." Sabi niya sabay pasok sa kwarto niya. Maya-maya lumabas din siya. Ang dilim talaga ng aura na nakapaligid sa kanya.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

"Kay Yannie." Si Yannie yung gurlfriend niya. If I'm not mistaken 2 years na sila. Third year highschool kami nung naging sila. She's nice naman, pumupunta siya minsan dito sa bahay, pero ang madalas kasi si Kyungsoo ang pumupunta sa kanila.

Pagkaalis ni Kyungsoo, bumaba ako sa living area, nandun pa rin si daddy tsaka si Tita Anne. Hindi na rin gaanong seryoso yung itsura nila, I mean hindi ganun ka-intense unlike kanina. Pero si daddy mukhang galit, yung mukhang gustong manapak pero nagpipigil lang. Si tita Anne naman namumugto yung mata.

 

"Dad, Tita may problema po ba?"

 

 

 

 

"Sasabihin ko sayo mamaya, Lei. Makakaalis ka na Anne, nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin." Sabi ni dad while looking at his hand, ngayon ko lang napansin na naka-close fist siya. Hey! What's going on? Bakit parang galit na galit si daddy, tapos ganun din si Kyungsoo.

who will be tinkerbell's peter pan? :: exo [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon