I FELL IN LOVE WITH A STRANGER 1.1

35 0 0
                                    

Lia's POV

"Anu bang problema mo!?!! Ha Jake!?!" grabe! Kainis 'tong si Jake... Anu na naman ba problema neto?

"Wala lang..." pacool cool niyang sabi at ngumisi pa, hindi naman siya cool... Ang hangin talaga.

"Lia! Halika na... Baka malate pa tayo sa first day of school dali!!!" sigaw ng friend and also bestfriend ko na si Izza. Hinatak niya ako palibot sa campus.

By the way, I'm Lia Martinez and this is my friend Izza Mirane Lozano. We're both 16 years old at pareho rin kaming papasok ngayon bilang freshmens sa college. We're taking the course tourism dito sa Hillary Campus o HILLCAM. Tinatanong niyo kung bakit? Ah... Nevermind...

"Grabe ka Izza, nakaka stress yang panghahatak mo huh. My head is so dizzy..." totoo naman ahh, pati paningin ko feel ko, umiikot. Wahh! Kahiya baka matumba ako dito.

"Lia, dalian mo... May live band dito ngayon sa school and as what I've heard, ang gugwapo nila!!!" pagtitili ni Izza. Sarry, hindi ako mahilig sa mga gwapo but... Live Band kamo? Wahhh... I want to watch!!!

"Live band? Wahh, nood tayo!!!" parang bata na sabi ko kay Izza habang hatak hatak ko ang sleeve ng long sleeves niya. May mga ilang tumingin sa amin dahil sa inasal ko pero, wa pakels nu kealam nila?

"Ang sabihin mo, gusto mo makakita rin ng gwapo! Haha!" badtrip 'tong si Izza oh... Alam naman niyang Live Band lang habol ko ehh... LIVE BAND... hirap ba ispelengin yun???

"Whatever." yun na lang ang sinabi ko at hinatak na naman niya ako.

Nakisiksik lang talaga kami sa mga tao. Kasi etong si Izza naman eh, hindi na nahiya. Kitang kita rin naman ang mukha nung mga nagbabanda sa pwesto namin kanina eh. Gusto pang makisiksik. Ako na lang ang nakikisorry para kay Izza. Kapal netong bff ko.

"Sorry, po... Pagpasensyahan niyo na po etong kasama ko, masyadong hyper..." sabi ko sa mga nadaanan namin na mukhang mga seniors ata yun. Ngumiti naman sila sa akin at tumango. Waaah! Ambait pala nila.

"Andito na tayo girl..." sabi ni Izza loka loka... Hahaha, wag niyo ako isumbong huh?

Nakita ko sa stage na may limang lalaki. Sila na siguro yung live band. Dito kaya sila nag aaral? Lia naman, anung pakialam mo kung dito sila nag aaral?

Well... Gwapo naman silang lahat, lalo na yung isa super gwapo pero mukhang super sungit naman. Ang apat na kasama niya ay may hawak na instruments habang siya naman ay ang vocalist siguro.

Yung lalaking naka eyeglasses, medyo blonde ang buhok at chinito ang may hawak ng electric guitar. Ang isang lalaki naman na may messy black hair, may EYELINER!???! at may hikaw sa right ear niya ang may hawak ng drums...

Ang kasama rin nila na may hawak ng organ ay gwapo rin, cute, mukhang mabait, medyo chinito, at may black hair na may style... Gwapo!!!

Yung isa naman ay may color black na buhok pero may highlight na color brown, mukhang nakakatakot, gwapo rin, mukhang adik... Wahahaha, totoo naman ehh... Siya naman ay may hawak rin na bass guitar.

Ang panghuling kasama nila ay yung vocalist nila na mukhang super sungit, may shiny black hair, may black na bonnet, naka sun glass, basta gwapo niya at ang astig niyang pumorma... May hawak rin siyang electric guitar at ang color ay favorite color ko pa!!! Red and Black!!!

"Good morning guys, we are CloudHill Band so... We're the live band for today... You know, every first day of school there are bands assigned to perform live in this school campus... Today, we're going to perform the "LOVESTRUCK" by the vamps..."

I Fell In Love With A Stranger(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon