One Shot

91 1 0
                                    

One Shot Anak

****

Nagkukumahog sa pag aayos ng gamit si Alice dahil tinanghali na ito ng gising. Tiyak na mahuhuli na ito sa unang klase niya ngayong umaga. Bakit kasi kailangan ngayong araw pa siyang kailangan tanghaliin? Ngayon pa kung kailan may long quiz sila sa Literature. Terror pa man din ang prof nila dun.

"Uh, ma.." Lumapit ito sa likod ng nanay niya. "Pwede po bang humingi ng bariya? Idadagdag ko lang po sa pamasahe ko." Magalang na tanong nito.

Pero kabaligtaran non ang isinagot sa kanya ng ina. Padaskol itong sumagot. "Pera nanaman?! Saan ba napupunta ang sinusweldo mo?! Kulang kulang na nga binibigay mo sakin, hihingi kapa?!" Mahaba pa ang sinabi ng nanay niya na hindi rin naman nag bigay ng bariya sa huli. Paniguradong late na siyang dadating sa eskwela pag tapos nitong mag litanya.

At hindi nga siya nag kamali. She's already late. Kinailangan niya pang puntahan sa faculty ang prof niya at kausapin para humingi ng pagkakataon na makakuha ng long quiz.

"I'm sorry to tell you Ms. Salazar, but I don't give second chances. If you're late, then better luck next time." Halata ang pagiging sopistikada at magandang diction sa pananalita nito. Karapat dapat sa propesyong English Literature Professor.

Hanggang sa matapos ang araw niya sa eskuwela, binabagabag parin ito ng quiz na nakaligtaan niya. She's afraid of having an incomplete. Her grades is a big deal to her because she's a scholar. She need to maintain her high grades. Besides, she's a 4th year college student already. Konting panahon na lang at makakatapos na siya ng kursong BSEd major in English. Hindi pwedeng ngayon pa siya bumagsak.

"Alice! Wash the dishes! Faster!"

"Y-yes, chef!" Nauutal na tugon nito sa head chef nila. Bukod sa pagiging estudyante ay isa rin siyang part-timer sa isang restaurant. Isa siyang assistant chef. In other words, dishwasher. Oo, tagahugas ng pinggan. Hindi naman talaga siya maalam sa pagluluto. Masyado pang dense. Masyadong aligaga sa ginagawa. Pasalamat na nga lang siya at mabait ang boss niya kundi, matagal na siyang napatalsik paalis ng restaurant sa dami ng mga plato at baso na nabasag niya.

"All of you did a good job, that's all for tonight. Bye." Yumuko si Alice para magbigay galang sa head chef nila o ang boss nila. Lima lang silang tauhan sa restaurant at siya ang natatanging babae. Siya lang ang naghuhugas ng pinggan and the rest are all licensed cook.

"Anong oras na bakit ngayon ka lang?! Wala pa kaming pagkain dito! Ano?! Lumandi ka nanaman ba sa labasan ha?!" Bungad ng kanyang nanay sa pag uwi niya. Gusto niyang sumagot at sabihing maski siya ay hindi parin kumakain pero mas pinili niyang kagatin ang ibabang labi niya at manahimik. Hindi niya naman masisi ang nanay niya sa inaasta nito. Hindi maitatangging hirap sila sa buhay dahil wala silang ama at mayroon siyang limang nakababatang kapatid na kailangan buhayin at pag aralin.

Kahit na pagod galing sa eskuwele at trabaho siya parin ang umaasikaso sa mga kapatid pag uwi. Nalulong narin kasi sa sugal ang nanay niya matapos silang iwanan ng ama nila. But she never talked back. She's still trying to understand her mom. After all, anak lang naman siya nito.

Araw araw, gabi gabi, ganoon ang routine niya. Papasok sa university sa umaga, didiretso sa trabaho tapos ay aasikasuhin ang pamilya pag uwi. Kahit pa pagod na pagod na ito, hindi parin nito magawang magpahinga. Kailangan niyang kumayod para sa pamilya niya.

Minsan nga naisip niya, what if she commit suicide? What if she kill herself? Would it change a thing? Would her mother change it's lifestyle? Would her father come back?

But no, kasalanan ang pag kitil sa sarili mong buhay. At kailangan niyang manatiling buhay para sa mga taong sakanya nakaasa ang buhay. Kahit pa hirap na hirap na siya, she still manage to do all the works. Because it's for her family. For her love ones. Hindi niya kayang ilagay sa alanganin ang mga ito.

Pero sadyang masasabi na may hangganan ang lahat ng bagay. Hindi panghabang buhay matitiis niya ang hirap na nararanasan niya. Hindi pwedeng lagi mo na lang sinasarili ang sakit at sama ng loob na nararamdaman mo. Hindi pwedeng palagi mo na lang kinikimkim.

"Ma naman, pano na yung pangbaon nila bunsoy bukas? Wala ng pambili ng bigas. Bakit naman ginamit niyo pa pang sugal yung pera. Yan na lang ang natitira sakin, sa makalawang lingo pa ulit ang sahod ko sa restaurant at hindi naman kalakihan 'yon. Kailangan ko rin ng panggastos sa school." Para na siyang maiiyak dahil hindi na niya alam kung paano pa ang gagawing diskarte para sa pera.

"Aba! Sinasagot mo na ko ha? Hoy, tandaan mo anak lang kita! Wala kang karapatan na sumagot sa nanay mo! Ako ang nagluwal sayo! Kung wala ako, walang ikaw sa mundo! At isa pa, kasalanan mo 'yan dahil masyado kang maluho!" Duro nito ang sentido niya. Hindi na niya napigil pang sumabay sa pagluha ng mga nakababatang kapatid niya. Frustrations swallowed her whole. Hindi na niya alam kung ano ang unang iisipin, ang pera ba, ang pag galang sa ina, o ang nararamdaman niya.

"Oo na, anak nyo lang ako! Pero ako parin ang kumakayod sa pamilya na 'to! Anak nyo lang ako pero ako parin ang bumubuhay sa pamilyang 'to! Anak nyo lang ako pero bakit ako ang gumagawa ng lahat ng responsibilidad nyo?! Sabihin niyo nga, ako ba ang anak dito o ako ang magulang?" Tuloy tuloy ang pagbagsak ng luha nito. "You can't call me a disgrace in this family for I am the one who's giving all your needs. Alam kong mali ang sumagot sayo, lalo na ang isumbat ang mga ito, but you left me with no choice! Anak mo lang ako but I still need to gain respect from you. Anak lang ako, but I still want to be respected." Isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang mukha. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang umiyak habang tumatakbo palabas ng bahay.

Patuloy sa pagtakbo na hindi alam ang patutunguhan. Patuloy sa pagluha na hindi alam kung may katapusan. Sobrang bigat na ng nararamdaman nito at ang tanging nasa isip niya lang ay mailabas ang lahat ng ito.

Nag palipas ito ng oras sa parke sa pag aakalang doon siya magkakaron ng katahimikan. Akala niya doon may kapayapaan. Pero hindi, mayroong mga bagay talaga sa mundo na mas lamang ang kasamaan. Tipong doon mo mararanasan ang mas malalang paghihirap.

"M-maawa po.. kayo. Ta..tama na po. P-arang awa niyo na." Patuloy ang pagmamakaawa niya pero nanatiling mahigpit ang pagkakahawak sakanya ng mga lalaki na animoy lasing at wala sa katinuan. Kahit anong pagsusumamo pa ang gawin niya, hindi siya nito pinakinggan.

At doon, sinamantala ang kanyang kahinaan. Wala na itong nagawa kung hindi ang umiyak kasabay ng paghingi niya ng tawad sa nagawa niyang pagsagot sagot sa kanyang ina. Kunsensya sa hindi niya pag respeto sa kanyang ina. Paghingi ng tawad na siya rong ibinubulong ng kanyang ina habang hinahanap siya sa malamig na gabing iyon.

Ngunit huli na ang lahat. Hindi na siya maririnig pa ng anak niya kahit ilang beses pang paghingi ng tawad ang isigaw niya. Hindi na ito muling didilat at titignan siya ng may pag respeto at pagmamahal sa mga mata. Hindi na ito kikilos para ipagtimpla manlang siya ng kape sa umaga. Wala na. Huli na ang lahat para sa mga pagsisiai niya.

"Jusko! A-ang anak ko! Bakit.. bakit niyo 'to ginawa sa anak ko. Sinong may gawa nito sa anak ko!" Paghihinagpis ang umibabaw sa kalooban ng ginang habang akap akap sa kanyang bisig ang malalamig na labi ng kanyang anak. Labi ng kanyang anak na siyang tumayong padre de pamilya sa kanila Ang kanyang anak na siyang nag sakripisyo para lang sa lahat ng kakulangan niua bilang ina. "Jusko.. ang a-anak ko! Patawarin mo ako. Parang awa mo na, pinagsisisihan na ni mama ang lahat. Patawarin mo ako, anak! Gumising ka! Hindi magandang biro ito."

Sa mga oras na 'yon, naisip niya, hindi lang basta isang anak ang nawala sakanya. Nawalan siya ng isang taong uunawa at magmamahal sakanya. Nawalan siya ng isang napakaespesyal na bagay na nangyari sa buhay niya. Hindi lang basta anak, kundi isang parte ng buhay niya.

AnakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon