"Ram bakit nga pala napatawag ang lolo mo?" tanong ni chad kay ram habang nag aayos sila ng mga dadalhin para mamaya.
"Ewan ko nga don" takang tanong ni ram. "biglang bigla, tumawag kasi yon kay daddy last night at nalamang nandito ko kasama ang tropa,yon nagalit daw kay daddy bakit daw ako pinayagang magpunta dito" mahabang paliwanag nito.
"Ganon?" tanong ni randy. "bakit nagalit?, bawal ba tayo dito?" takang tanong ni chad.
"Wala namang sinabi si dad na bawal e, si lolo lang ang may ayaw, tinanong ko naman siya kung bakit bawal dito hindi naman sumagot" kibit balikat na sabi niyo.
"E ano pang sabi sayo?" usisa ni randy.
"Yon" si ram "pinababalik na tayo ng maynila" sabi pa nito.
"E anong sagot mo?" tanong uli.
"Sabi ko pagtapos ng bakasyon natin uuwi na din tayo, sabi ko one week lang tayo dito, lang days na lang at pauwi na rin tayo" kwento pa ni ram.
"Bakit kaya?" takang tanong ni chad. "si mang karding parang ayaw tayong patuluyin sa ilog, tapos ang lolo mo naman pinauuwi na tayo"kunot noong sabi nito
"Naku wag nyo na lang pansinin" sabi ni ram. "ganon lang siguro ang matatanda, killjoy sa mga kabataan" sabi ni ram sabay tawa.
"Pare akyat na muna ko ha" sabi ni randy.
"Sige pare, kami na muna ang bahala dito" sabi ni chad.
Sinundan pa ng tingin nina chad at ram si randy habang papasok ito sa bahay.
"Alam mo pare nagtataka ko diyan kay pareng randy" takang tanong ni chad.
Napakunot ng noo si ram sa tanong sinabi ni chad.
"Bakit?" tanong nito.
"Wala ka bang napapansin?" takong nito. "lagi na lang parang wala sa sarili si randy, kung minsan laging nakatulala" dagdag pa nito.
"Baka may problema siguro" sabi ni ram.
"Ewan ko lang, e di sana sinabi na sa atin yon" si chad.
"Pabayaan na lang natin yan, pag yan nalasing siguradong magsasabi din yan" natatawang sabi ni ram.
"Sabagay nga" nakangiting sabi ni chad. "pag lasing yan e wala ng preno ang bibig niyan e" sabay tawa sa kausap.
"Kringggggg. . . Kringggggg" tunong ng cellphone ni ram.
"O dad, napatawag kayo?" tanong nito sa kausap. "what!?" gulat na sabi nito.
"O sige dad, may magagawa pa ba ko, sige bye" pagtatapos ng usap ni ram sa kanyang ama."Problema pare?" tanong ni chad.
"Hindi ko alam kung problema bang maituturing" sabi nito. "nagbibiyahe na daw si lolo papunta dito,nung isang araw pa pala nakauwi ng pilipinas" dagdag na sabi pa nito.
"Bakit kaya?"tanong ni chad.
"Baka gusto lang mamasyal uli sa lumang bahay nila" ang nasabi na lang ni ram.
"Siguro nga" sang ayon ni chad.
Samantala sa bahay nina mang karding at manang delia. . .
"Maupo ka dito alyssa" paanyaya ni manang delia sa dalaga.
Umupo naman si alyssa sa tabi ng matandang babae habang pinakikiramdaman ang paligid, samantalang si mang karding naman ay parang aligaga na naka upo sa Harap nila.
"Karding" sabi ni manang delia. "Panahon na siguro para ilabas mo yang matagal mo ng kinikimkim sa iyong dibdib" sabi niyo sa asawa.
"Mang karding" sabi ni alyssa. "magtiwala po kayo sa akin, wala po akong pagsasabihan kung ano man po yang bumabagabag sa inyo" sabi pa uli nito.
"Siguro nga ay panahon na" malayo ang tingin ng matanda habang nagsasalita.
"Tutal naman ay matagal ng panahon ng mangyari ang isang bangungot sa buhay ko"pagsisimula nito. "Tama na siguro ang pagtatakip at ang pagiging makasarili ko" makahulugang nitong sabi.
Lalo tuloy naging interesado si alyssa sa mga susunod na sasabihin ni mang karding sa kanya, siguro ay masasagot nito ang kanyang mga tanong kanina kung ano ba talaga ang mga tinatago ng matandang lalaki sa kanila. Tahimik na nakatingin si alyssa kay mang karding habang nakikinig dito, bawat salita nito ay iniintindi niyang mabuti.
"Matagal na panahon na ng maganap ang isang pangyayaring nagpabago sa bayang ito, limangpung taon na ang nakakalipas, nasa edad bente pa ko noon ng makilala namin ni don ramon si . . .."
=============================
Hello po sa inyo eto na po ang kwento ni allenna kung bakit ba siya pumapatay at kung anong nangyari sa kanya, at alamin po natin kung anong kaugnayan niya sa ilog kung saan madalas siyang magpakita at kumuha ng buhay.
Salamat po uli sa mga nagbabasa at sa mga magbabasa pa, sa mga silent reader po, salamat din po, saka comment naman po kau at vote na rin po kau ^ _ ^v
Devo_0720
BINABASA MO ANG
Ang sumpa ni allenna (completed)
HorrorAllenna, ito daw ang pangalan ng sinsabi ng mga matatanda na nagsumpa sa ilog sa kanilang lugar, mula ng ito ay matagpuang patay sa may ilog ay nagsimula na ang mga tradheya sa mga taga baryo kaya ito ay pinaniniwalang isinumpa, kaya magmula noon ay...