Shin's POV
Bagong bahay.
Bagong school.
Kailangan ko na namang magadjust.
"Shin magready ka na for school." Sigaw sakin ni mama mula sa pinto.
"Opo mama. *yawn*"
Tumayo na ko at ginawa ang aking morning routines.
Hi, ako si Shin Perez. Grade 8 na ko this year. Ang bilis ng panahon, pasukan na naman.
****
"Bye mama. Bye, baby bro! Muah!" Kiniss ko si mama sa cheeks then si Baby Sean namin na busy sa paglalaro ng broom broom niya hehe.
"Ingat ka anak!" Nginitian ko si mama at lumabas na ng bahay para sumakay ng tricycle papasok sa school.
Whooo this is it.
****
"Good Morning Class. Im Lina Hernandez, your adviser and your math teacher."
Nakaupo ako sa likod. Pangalawa sa likod.
"So ayon class. Since nagpakilala na ako, you need to introduce yourselves also. Para makakila kilala kayo ha." Tinuro niya ang isang classmate ko na nasa harapan. "Let's start with you."
Tumayo ang classmate ko na nasa harapan at nagpakilala na siya. Sunod sunod na din ang nagpapakilala.
"Im Ynna Mae Gomez..."
Ung babaeng nasa harap ko na ang nagpapakilala so malapit lapit na din ako.
*Snore*
Nakarinig ako ng paghilik sa bandang kanan ko kaya tinignan ko ito.
Napakunot ang noo ko.
Nakasubsub ang mukha niya sa desk tapos nakapatong ang notebook niya sa ulo niya.
Bakit di siya sinisita ni mam?!
"Uyy ikaw na!" Kalabit sakin nung katabi ko. Tumango ako sa kanya at tumayo.
"Im Shin Perez, 13 years old." Then umupo na.
Tinignan ko naman ung nasa kanan ko dahil rinig na rinig ko pa din ang paghilik nito.
Nakakunot na naman ang noo ko.
Siya ang next sakin so supposedly siya na dapat ang magpapakilala but like what the heck?! Lumagpas sa kanya.
"Hmm... Hi Shin? Anong tinitignan mo?" Tanong sakin ng katabi ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Ahh.. Wala. Hehe. Ano pala ulit pangalan mo? Nakalimutan ko kasi e. Hehe" Kahit sa totoo lang di ko naman narinig kasi di ako nakinig kanina haha.
"Kyra. Hehe."
"Ahh... Ganda ng name mo. Hehe." Totoo un.
And for the last time. I took a glance to that sleeping boy.
Nagulat ako nung pag katingin ko sa kanya ay gising na siya and... Nakangiti pa sakin.
Napaiwas agad akong tingin.
Nahihiya ako e. I cant deny that he's handsome. At tsaka... Sa tingin ko nerd din siya kasi nakasalamin siya e. Ung makapal na salamin na pang nerd.
Pero.... Ang putla niya. Bakit kaya? Maybe, laging tulog? Pero... Argh... Di ko nalang pinansin un.
"Shin, namumula ka ata." Bulong sakin ni kyra.
Hala! Namumula daw ako?!
****