Chapter One

17.2K 146 43
                                    

Chapter 1

Inihatid na kami ni tita Isabela sa kwarto kung saan ako magsta-stay ng ilang buwan. Kasalukuyan akong tinutulungan ng P.A. ko upang ayusin ang mga gamit ko. Halos dala ko na ata lahat ng damit ko, aabutin din kasi ng ilang buwan bago matapos ang aming shoot.

Nilalagay na nila ang ilang gamit ko sa cabinet ng ibaba ko ang phone call ko kay mommy. Ibinalita ko sa kanila ni daddy na nandito na ako sa Isla and just like normal parents nag-iwan lang sila ng ilang mahahalagang bilin na usually ay about sa pagtake care ko sa sarali.

Agad kong pinasadahan ng tingin ang kwarto. Mas malaki pa ito sa kwarto ko sa bahay naming sa manila. Sa sobrang laki nito ay may sarili itong sala, kitchen at veranda. Mayroon ding second floor ang kwartong ito. Actually, ngayon pa lang ay nahuhulaanan ko ng mabo-bored ako dito dahil mag-isa lang akong o-okupa dito. Sa ibang kwarto kasi magsta-stay si tita Isabela at ang P.A. ko. It's a must na ako lang dapat mag-isa lang ako sa kwartong gagamitin ko dahil maaring may ilang scenes na kunan ako rito.

Nang matapos na sila tita Isabela sa damit ko ay agad akong nagtungo sa cabinet upang mamili ng gagamitin ko para sa presscon mamaya. Napamangha ako ng napagtanto kong automatic ang cabinet. Dahil nang ma-sense nito ang body heat ko ay kusang nagbukas ang pintuan nito. Kung gaano ka old and classic ang labas ng hotel ay siya namang napaka-modern ng mga kwarto nito. Agad kong kinuha ang simpleng black sleeveless top na may nagga-gandahang burda at isang malobong plain black na skirt sa loob. Kumuha rin ako ng isang roba mula sa drawer at agad ko itong ipinatong sa kama sa aking likuran.

Napansin ko naman ang pagdampot ni tita Isabela ng isang maliit na remote sa gilid ng drawer ng aking ama. She pressed some button at pagkatapos ay kusang nagbukas ang itim na kurtina na siyang tumatakip sa salamin na dingding ng aking kwarto. Agad na pumasok ang mainit na sinag ng araw sa silid kasabay ng pagbungad sa akin ng napaka-gandang view ng Isla Laloma. Kitang-kita ko mula sa aking kinatatayuan ang dalawang naglalakihang bundok sa kalayuan na natatabunan ng ulap ang ibabaw. Sa ibaba ng budok ay ang isang malaking asul na asul at napakalinis na dagat. May mga yate sa gitna nito at ilang mga bangka. Kitang-kita rin ang ilang palayan at buildings sa paligid. It was so fascinating and satisfying to see. Tila-ipinagsama ang modern era sa nakaran. Ang sarap titigan.

I heave a sigh at naupo sa kama. Sana may ganito rin sa Quezon City.

"Tita Isabela, anong oras ang presscon mamaya?" out of the blue kong tanong kay tita. Napalingon ito sa akin kasabay ng paghigop niya sa tasa ng kape na hawak-hawak niya. Lumabas naman ang P.A. ko na mukhang tutungo na ata sa kanyang silid.

"Six ó clock," matipid at pagod niyang sagot sa akin. Agad kong tinignan ang aking wrist watch. Alas-kwatro pa lang ng hapon. May natitira pa akong dalawang oras upang magpahinga.

Agad kong dinampot ang roba sa kama at muling nilingon si tita. "Siya nga pala tita," muli itong napalingon sa akin.

"Kasama na ba mamaya sa presscon ang mga lalaki na makakasama ko sa show na ito?" interasado kong tanong sa kaniya. Bahagya siyang umiling bilang pag-sagot. Nadismaya naman ako, sobrang curious na kasi ako kung sino ba ang mga lalaki na makakasalamuha ko sa loob ng ilang bwan.

Muli akong napasinghap ng maalala ko ang plot ng show. Ako ang nagi-isang babae sa show. I'm the bachelorette. Ako rin ang gaganap na judge na siyang mamimili sa sampung magkakaibang lalaki kung sino ang tatagal sa kanila. They need to entertain me or else ay mapipilitan akong tanggalin sila during eviction nights. Habang tumatagal ang show ay paunti-unti ang bilang ng mga kalahok hanggang sa may matirang isa. And well syempre may mga twist din sang show, and about that hindi ko alam kung ano ito.

"Pero ang alam ko ay naguumpisa na rin silang mag-datingan dito sa isla," dagdag ni tita. Tumango na lamang ako at agad na nag-tungo sa comfort room.

A Tale of a BacheloretteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon