Baliw na Pag-Ibig (BoyxBoy)

30K 412 17
                                    

N/N:


LOL, I know na ito nanaman ako magsisimula nanaman ng kagagahan but this time I think kaya ko na siyang tapusin 'cause Sembreak na.. Maikli lang 'to sana lang talaga HAHAHAH :)


Prologue:


Impossible naman talaga, hindi pwedeng maging kami. Oo inaamin ko naman na pareho kaming lalaki eh. I mean dapat bang maging isang limitasyon 'yun para mahalin ko siya.. Alam ko rin naman na kahit nasa katinuan siya ay walang-wala akong pag-asa..


"Alam mo ba, ang saya ko nung sinagot niya ko.. Ako na ang pinakamasayang lalaki sa mundo.. Pero bakit ganun?" ang sabi niya sabay hagulgol.


Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko. Para akong nasasaktan sa tuwing nagkwekwento siya tungkol sa nakaraan.


"Naalala mo pa ba nung una kitang nakilala, ayaw ko talaga sa'yo nun eh.." sabi niya at lumabas ang mumunting ngiti sa mga labi niya.


"Uhm, Inom kana ng gamot." Sabi ko sa kanya at kinuha ang tablet ng dapat niyan inumin.


Nakangiti pa rin siya at wari'y hindi ako narinig. Hindi ko naman siya dapat pilitin. Bilin kasi sa'min na pag-ayaw ng pasyente eh wag pipilitin dahil baka lalo itong makasama sa kanila.


Ito ang dahilan kung bakit ayaw ko siyang iwan at mangibang bansa. Gusto ko siyang makilala kahit na wala siya sa normal na pag-iisip. Kahit papano naman kasi ay iba-iba ang kwento niya araw-araw.. Pero lahat ng 'yun ay galing lamang sa iisang tao. Nuong una hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan sa tuwing nagkwekwento siya ng ganun. Hanggang sa nalaman ko na pala na mahal ko na siya.

"Masyadong baliw ang pag-ibig." Pipi kong sabi habang nakikita ko siyang humihikbi.


Pero hanggang kailan ba 'ko magiging ganito?


Iniwasan ko na ang lahat, pero hindi ko talaga kaya, sadyang mahal ko siya..


Ito ako ngayon, baliw na baliw sa'yo.


//COMMENTS//


Baliw na Pag-Ibig  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon