Prologue - The Blog...

35 1 0
                                    

It all started with this....

Music is my life...

Anime makes me dream...

Basketball makes me hope...

Books makes me believe...

Love makes me wonder...

TEKA!!! Teka!!! Teka!!! Tama ba yung nasulat ko?! Love makes me wonder. Ano raw? Baket kasali yun dun? Tsongke ata yung nasecond-hand smoke ko kanina eh kasi kung anu-ano naiisip kong isulat para sa bago kong blog...arghhh... Naman naman naman! Pag ganito ng ganito  walang mararating ang bente pesos kong internet/computer rental. Kasi naman! LOVE MAKES ME WONDER?! eeewwwww... ano raw? Resulta ba ito ng 20 years na SSB (single since birth- di na uso ang NBSB)? Grabii lang naman kasi, baket ba pumasok sa napakataba kong utak ang phrase (or sentence nga ba) na yun.

Okay!! fine! I'll admit it! Love truly makes me wonder. Eto naman kasing si kuyang katabi ko, walang humpay sa pag a-aylabyu sa jowa nyang amerikana sa skype! (oo, tsismosa ang peg ko) Di naman sa mapanglait ako, pero yun na nga, sige na, nilalait ko siya.. Eh sa ang ganda-ganda nung amerikana yung mala-Taylor Swift ang kagandahan. (oo nasilip ko rin yung girlaloo). Tapos si kuya, parang yung tipong "mukhang kriminal" (yun lang pwede kong maidescribe sa kanya, sorry!) Shemay ang sama ko nowadays, pero yun talaga eh. Heto pa, sa tinambayan ko este binilhan kong tindahan sa kanto kanina ay may nakasabay akong dalawang highschool student na mag-jowa at sila ay nagsasagawa ng isang "Landi now-study later moves". (oha oha). Buti nalang nakaheadset ako at nakafocus sa pagubos ng softdrinks na binili ko at di ko narinig mga damoves nilang dalawa... hahahahaha

Yeah! Yeah! Yeah! (di ako kumakanta XD) Bitter na kung bitter! Ikaw ba naman ang twenty years ng walang jowa, di ka kaya maging ampalaya, kape at kung anu-ano pang bitter-tasting na pagkain? hahaha... I know, I have my reasons. Masyado kasi akong idealist, I do not believe in love at first sight, at sa powtek na LOVE IS BLIND! (autograph ba ito?!) Bulag ang pag-ibig?! Ngek! Eh baket walang jowa ang lahat ng single na katulad ko? Dahil ba ito sa statistics na mas maraming babae kaysa sa lalake sa mundo? pwede! Pero wag nyong sabihin na dahil sa choosy sila or naghihintay sila ng kanilang "DESTINY" ... ahahaha eh di not applicable na nga ang LOVE IS BLIND! Waaahhhh ayoko na nito... di dapat ito ang blog post ko eh....basta papatunayan ko ito one of these days! Sayang naman tuloy ang bente ko dahil dito. Baket ba kasi nawalan ng net sa bahay. Hayyy buhay! Basta sige na, ito lang talaga ang sa akin... LOVE REALLY MAKES ME WONDER! ?_?

                                                                                                    >-yash->

Pusong ampalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon