KABANATA 1

16 0 0
                                    

Isang araw na naman para sa mala-impyernong buhay na ito. Isang magandang umaga ang sasalubong sana sa akin kung walang bumuhos na tubig mula sa aking itaas.

"Putangina Aurelia gumising ka na!" Sabi nito at sinapak ako.

Tumayo agad ako at pumunta sa banyo upang maligo dahil basang basa na ako at may pasok pa ako. Pagkatapos noon ay nagbihis na ako at sumilip sa aking bintana. Nakita ko roon ang isang lalaking nakatayo sa isang maliit na bahay na naka uniporme ngunit gusot at medyo may kadilawan na ang suot.

Medyo may kaputian ito at matangkad. Maganda ang mata at maganda rin ang ayos ng buhok. Gwapo ito at di ito makakaila. Pero di ito sapat para sa ibang tao dahil sa suot nito. Kung titingnan mo ay alam mong mahirap lang ito. Nakikita ko lagi ito na humihiram lagi ng isang libro. Siguro ay isang milyong beses niya na ito binabasa.

Sumigaw na ang ate ko kaya bumaba na ako at di na nag almusal pa dahil wala naman itong hinanda para sa akin. Ang lahat ay para sa kaniya.

May kaya lang kami. Di kami mayaman kaya't gumagawa ako ng paraan para matustusan ang aking pag aaral dahil di ko maaasahan ang aking ate sa ganoong bagay.

Namatay ang mga magulang namin sa isang aksidente at ako ang sinisi ng ate ko dahil ako lang ang nabuhay sa aming tatlo. Simula noon ay nag iba ang turing niya sa akin at minaltrato na ako simula noon.

Hindi ko namalayan na nandito na pala ako sa tapat ng paaralan. Pumunta na ako sa Library dahil may trabaho ako roon. Dun ko nakukuha ang aking baon at minsan ay pang-kain na din sa buong araw.

Nakita ko ang lalaking iyon. Yung lalaking nakita ko sa tapat ng bahay namin. Nagbabasa ito at halatang pagod. Di ko na lamang ito pinansin at nagsimulang mag-encode ng mga kung anu-ano. Pagkatapos noon ay inayos ko ang mga libro kung saan ito naka-pwesto dati. Yun lamang ang mga trabaho ko. Sa isang shelf doon ko muli siya nakita. Naghahanap ng libro.

Di na ako sana titingin pa at gagawin ko muli yung pinapagawa sa akin ngunit.

"Miss asan dito yung libro na hinihiram ko lagi. Yung A walk to remember?" tanong nito

"Ahh e-eto o" sabi ko at binigay iyon sa kaniya na naging dahilan para mahulog ang mga librong hawak ko.

"Sorry tulungan na kita" sabi nitp ar tinulungan ako ayusin ang mga libro.

Tinulungan naman niya ako at ng maayos ay ngumiti siya at nagpaalam.

"Sandali lang" Sabi ko

Huminto naman siya at tumingin sa akin.

"Bakit mo binabasa yan lagi? Kahit di naman masaya yung ending?" Tanong ko.

"Di ko alam. Pero dito ko gusto makuha ang daloy ng storya ng pagmamahal ko. Kahit na magkaibang magkaiba ang sarili ko sa mga tauhan dito haha" sabi nito at ngumiti.

"Gusto mo may mawala sa huli?" Tanong ko muli.

"Di naman maiiwasan ang pagkawala ng isang tao. Pero ang ibig kong sabihin. Kahit pinaglalayo na sila ng mga tao pinaglalaban parin nila ang pag ibig nila." Sabi nito

Napangiti na lamang ako sa mga sagot niya.

"Kung Q&A to sa pageant sigurado ako panalo ka!" Sabi ko

Tumawa naman ito.

"Ako nga pala si Aurelia Zchell Gomez. Ikaw ano pangalan mo?"
Tanong ko.

"Kyle Regyll Delos Reyes" sabi nito at ngumiti.

"Kyle! Libre kita kasi pinasaya mo ako" Sabi ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ETERNALLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon