Chapter 4

0 0 0
                                    

Lucas POV

Andito kami ngayon ni Jacob sa loob ng Casvy! Grabe ang sarap ng Blueberry cheesecake nila .

' dude grabe! ansarap talaga ng pagkain dito! Isang cheesecake pa nga tapos samahan mo na din ng choco frappe ' tuloy tuloy na sabi ni Jacob habang punong puno pa ng pagkain ung bibig niya! Antakaw talaga ng lalaking to!

' Patay gutom ka talaga!! Bat di nalang ikaw ung ----- ' Di ko natapos ung sasabihin ko kasi bigla akong napatingin sa entrance kasi sabay sabay bumati ung mga staff kaya nacurious ako.

' Goodmorning Maam '
' Goodmorning din :) ahm carla! ' shit ang ganda niya! Parang tumigil bigla yung oras ko nung ngumiti siya! Lord, Siya na ba yung matagal ko ng hinihingi sa inyo ?

' yes maam ? May gusto po ba kayo ? ' Sabi nung babaeng tinawag niya

' Hoy dude bat nanahimik ka bigLa ? Ayos Ka Lang ba tulala ka ee ' Natauhan ako bigla nung naramdaman kong may tumapik sa akin! Si Jacob pala

' Ha ? dude ano yun may sinasabi ka ? ' Sagot ko sa kanya ng hindi pa din inaalis ung tingin ko sa anghel na dumating! Grabe kasi ang ganda ganda niya! Yung puso ko parang nagkaroon ng karera sa loob at parang may mga nag aawitan sa paligid ko! Ang corny pakinggan pero totoo!

' * pak * ayos ka Lang ba? Para kang timang na nakangiti at nakahawak diyan sa dibdib mo! Sino ba tinitignan mo ha ?! ' Sabi niya at tinignan kung ano ung tinitignan ko

' aray naman! Makabatok ka wagas ' Sabi ko habang hinihimas ung parte ng ulo kong binatukan niya ng hindi inaalis ung tingin ko sa babaeng pumasok .

' Give me two slice of blueberry cheesecake and one capuccino. Pakidiretso nalang sa office ko . okay ? Salamat ' sabi niya habang dirediretsong pumasok sa isang pinto . Yun ata yung office niya! Anubayan di man Lang niya ko nilingon.

'Ay! kaya naman pala. Mukhang tinamaan ka kay Ms. Morales aa. Aruy inlove na si besfren! ' nakakalokong sabi ni Jacob habang tinutusok tusok ung tagiliran ko
' *pak* gago! Manahimik ka nga diyan! Nakakahiya ka mamaya may makarinig sayo! Tsaka di ako inlove noh! di ba pwedeng nagandahan Lang ?!' Pagsusungit ko naman sa kanya pagtapos kung batukan. Inlove nga ba talaga ako ? Ano yun agad agad ? Pero shit yung puso ko di pa din kumakalma .

' aray naman! Nabatukan na ko namura pa ko! tsk. Bala ka nga diyan tutuLungan pa sana kita sa kanya! ' Sagot niya habang nakapout! Teka ano sabi niya ?
Tutulungan pa sana kita sa kanya.
Tutulungan pa sana kita sa kanya. Teka ? Totoo ba yung narinig ko ? Nang magsink in sakin yung sinabi niya napatingin ako sa kanya
' Kilala mo siya ? Anong pangalan niya ? Close kayo ? San siya nakatira ? May boyfriend na ba siya ? ' sunod sunod nA tanung ko sa kanya!

' WAHAHAHAHAHAHA! Di ka pala inlove ha. Grabe ka magtanung. Sunod sunod talaga! HAHAHAHA ' Tawa ng tawang sabi niya . Gago to aa! tama bang pagtawanan ako. ' Will you please stop laughing! Just answer my questions will you ?! ' Naiirita kong sabi sa kanya! Napahiya na ko ee di lulubusin ko na! Ramdam ko talagang siya na yung babaeng matagal ko ng hinihintay ee.

' Pftt. Onah! KJ neto. Pero dude epic talaga itsura mo ee PRICELESS . HAHAHAHAH ' Sa sobrang pikon ko sa kanya tinignan ko siya ng masama dahilan para matigil siya sa pagtawa niya. Manung sagutin na Lang niya mga tanung ko di yung mang aasar pa siya!

' HAHA sorry na! eto na titigil na . Pero aminin mo munang inlove ka sa kanya ' Natatawa pa ding sabi niya sakin.

' Di nga sabi ee! ' Kaila ko sa kanya

It all started with a SIGN ?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon