sa kauna-unahang pagkakataon, ipapasilip sa atin ng mag-asawang Daniel at Kathryn Padilla ang kanilang Bahay, at pinaunlakan rin nila ang first ever exclusive interview bilang isang ganap na mag-asawa. abangan yan sa pagbabalik ng Vice & kris TV.
Marami ang nagulat sa pagpapakasal ni kathryn bernardo at daniel padilla ilang buwan matapos ang Hit Movie nilang kinunan pa sa Barcelona. 3 taon din silang nawala sa showbiz at mas pinili ang tahimik na buhaybilang mag-asawa kasama ang kanilang anak na si Daniel Skylar Ford. Madaming chismis ang nabuo dahil sa pagkawala nila, sinasabing kaya lamang pinakasalan ni Daniel si Kathryn ay dahil nabuntis niya ito at ito rin daw ang dahilan kung bakit biglang nawala sa mundo ng showbiz ang dalawa. Ngayon mga kapamilya sa mismong bahay nila kathrtyn at daniel sasagutin nila ang lahat ng batikos!
binuksan ni daniel ang pinto ng masion nila ng asawa niyang si kathryn at tumambad sa kanya ang kanyang Ninang kris na ninang nila ni kathryn sa kasal at si Vice na ninong? ng panganay niyang si sky sa binyag.
"hello deej!" bineso ni kris si daniel,
"pasok kayo ninang," gumilid si daniel para bigyang daan si kris upang makapasok sa loob ng mansion, nasa likod naman ni kris si vice na ginagawa ang palagi niyang ginagawa kay daniel.. ang asarin ito.
lumapit si vice kay daniel para kunwaring ibeso ito pero agad itong itinulak ni daniel palayo. "walang hiya ka talagang bata ka! may asawa't anak ka na ganyan pa rin ang trato mo sakin! walang regalo si skylar sakin ngayong pasko!"
humalakhak naman si daniel sa tinuran ni vice, "don't worry vice, hindi ko kaylangan ng regalo mo baka mabakla pa yung anak ko!" naghabulan na lamang si daniel at vice sa loob ng masion.
napatigil ang dalawa ng mapansin ni kris na nag-iisa lamang si daniel, hindi parin nagbabago si daniel kahit 3 taong nawala sa showbiz, nandon parin ang bad boy image kahit may asawa't-anak na. naka black fitted jeans ito habang nakasuot lamang ng white shirt at vans na kulay itim. teenager na teenager parin ang dating kahit na 24 years old na.
lumingon lingon si kris bago magsalita "dj, asan si kath at skylar?"
napatigil naman si daniel at vice sa pagsasakitan sa isa't isa. medyo hinihingal pa si daniel bago magsalita " ay ninang asa taas po, kakagising lang kasi ng sky kaylangan pang ikondisyon."
"ah. okay let's start nalang later. Let's wait for kath and skylar!" pumapalakpak pa si kris habang bumubungisngis dahil excited na siya para sa episode na gagawin ngayon.
sabay na Bumababa si kathryn at sky sa hagdan habang hawak ang anak sa kaliwang kamay, si sky ay naka Golden state na jersey at maong shorts at vans na black. si kathryn naman ay nakasimpleng sweater dress na kulay gray at naka black vans din.
"hi ninang!" kumakaway na bati ni kathryn habang bumababa sa hagdan at nakuha naman niya ang atensyon ng mga taong nakaupo patalikod sa hagdan, sabay sabay na lumingon si daniel, kris at vice sa mag-ina agad namang tumayo at lumapit si daniel sa mag-ina niya, binuhat niya si sky at hinawakan ang bewang ni kathryn habang papunta sila sa sala.
magkatabing umupo si daniel at kathryn sa isang sofa, si sky ay nakaupo sa hit ng tatay niya, habang nasa harapan nila si vice at kris na ready na para sa interview.
BINABASA MO ANG
Bernardo-Ford
FanfictionAno kaya ang buhay ng isang Kathryn Bernardo kasama ang kanyang asawang si Daniel Padilla matapos ang ilang taon sa showbiz?