THE FALSE ALARM

21 2 1
                                    





Once upon a time nakilala ko ang isang babaeng ubod nang ganda, isang diyosa at talagang napakaraming nanliligaw sa kanya kaya sobrang saya ko nung ako yung sinagot niya at pinili niya, hanggang sa narinig ko si mommy na sumsigaw na 'SANDER GISING NA TANGHALI NA MAY PASOK KA PA!! Tapos nagising ako, panaginip lang pla..

Unang araw ng pasukan bagong paaralan lumipat kasi kami ng aking pamilya sa aming Probinsya para naman daw ma experience namin ung lugar na malayo sa polusyon at syempre katahimikan na din, garde 9 ako noon at habang nililibut ko ang aking magiging bagong paaral nang may bigla nalang may babaeng muntik nang nadulas sa harapan ko buti nalang nasalo ko siya,ewan ko ba kung paano ko nagawa yun siguro reflex lang yun. at noong makita ko siya nang eye to eye bigla nalang bumilis ang tibok ng aking puso,hindi ko alam kung bakit basta ang alam ko ay baka nagulat lang din ako sa pangyayari, ngumiti siya sa akin at nagsabi ng ''thank you'' tapos bilang tumakbo at nakihalobilo sa napakaraming nagkukumpulang mga estudyante,Sayang hindi ko manlang nalaman kung anong pangalan niya, pagkatapos nun nakita ako ng pinsan kong si Mike, buti nalang at nakita niya ako lalo na at di ko alam kung saan ung magiging classroom naming ''room number 23 gold''.

Unang klase syempre natural na siguro ang magkaroon ng INTRODUCE YOUR SELF'' na isa sa pinakatatakutan ng iba. Isa-isa nang tinawag ang mga nasa harapan at hanggang sa tinawag ang isang babaeng pamilyar saakin, ah oo nga pla siya yung muntik nang nadulas kanina at woow ha magka section pla kami.habang nagsasalita siya sa harap parang biglang naging slow mo ang aking mundo at parang kaming dalawa lang ang nasa classroom,''Hellow my name is Joy Bautista'' ang sabi ng napakamahinhin nyang boses,ang iniisip ko ay tinadhana kaya talagang magkita kami,tapos biglang sumigaw ung teacher '' Mr.Morales marami pang magiintruduce ng kanilang sarili at hindi tayo matatapos hanggat hindi ka tumtayo sa iyong silya at ipakilala ang iyong sarili'' nagtawanan sila habang nahihiya akong sinabing"".hellow my name is Alexander Morales from Pasay city 14 years old. At umupo ako habang napapangiting tumitingin kay Joy. Siguro Joy talaga ang pinangalan sa kanya dahil siya ang nagbibigay saaki ng kasiyahan

So pagkatapos ng klase uwian na kayat sabay kaming umuwi ng pinsan kong si Mike at na kwenento ko sa kanya ang pagkakaroon ko ng pagtingin kay Joy at ang sinabi lang niya sa akin ay"kung gusto mo siya edi ligawan mo'' at kinabukasan ay pumasok ulit kami at syempre gusto ko namang magpaempress sa kanya kaya't recited ako ng recite sa klase dahil dyan hindi lang siya ang nabilib sa akin kundi ang buong klase na, great achivement yun para sa transferre katulad ko. Haggang sa ako na yung ginawang leader sa group at nasupressa ako na ka group ko pla siya, tuwang tuwa talaga ako diba parang distine talaga kami

Tapos binigyan kami ng teacher ng instruction na dapat i share naming lahat ng problema namin,if may problema kami sa financial,family,vices etc.... Kasi makakatulong daw yun sa pagkakaroon namin ng unity, mabuild ang teamwork at mahasa ang leadership. Syempre ako yung leader so, ako yung nauna haggang sa pasa pasa at naishare nanamin ang lahat ng mga problema namin maliban sa isa, si Joy so tinanong ko siya kung bakit siya tahimik,at habang pinagmamasdan ko siya napansin ko sa kanyang mga mata ang kanyang lungkot, inumpisahan niyang ikwenento ang kanyang buhay habang naluluha sinabi nyang siya palay iniwan na ng kanyang mga magulang,namatay ang kanyang ama at ang kanyang ina ay may iba ng pamilya,at habang pinag mamasdan ko ang kanyang luha na tutmutulo sa makinis nyang pisngi ay nakaramdam din kami ng lungkot at sa panahong iyon ay ibinigay ko sa kanya ang aking panyo at sinabing''wag kang mag alala nandito kami para sayo tapos nag group hug kami at noong araw din na iyon ay naging close na kami.

Araw-araw kaming nagtutulungan sa group,kapag may math problems at may mga hindi ko alam na equations ay tinuturuan niya ako, ang alam ko ay siya na nga ang magbibigay solusyon, hindi lang sa mathematics kundi pati narin sa aking puso,siya ang subtraction sa aking mga lungkot,siya ang addition sa aking saya at siya ang multiplication ng aking pagpupursigeng matapos sa pag-aaral dahil siya ang aking inspirasyon.hanggang sa naging mag bestfriend na kami. Pagkataos ng klase sabay kaming umuuwi kamakain ng fishball sa daan at gumagawa ng assignments, ang tingin nya sa akin ay bestfriend ngunit higit pa doon ang pagtingin ko sa kanya, para sa akin siya yung ang GIRL OF MY DREAMS siya yung babaeng akala ko sa panagiip ko lang matatagpuan''yung feeling na gusto mo araw-araw may pasok, hindi dahil sa baon na bigay ni mommy kundi para makita mo siya parati,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE FALSE ALARMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon