Hayy! Ang aga aga may nabubulabog na naman sa pintuan ko. Sigurado ako na tong panget na naman na katulong namin to. Nakakaasar! Inaantok pa ako e. Kahit naasar ako binuksan ko parin ang pinto.
"Ano ?" pasigaw na tanong ko. Kaya hindi agad nakaimik.
"Ah-- e ma'am bumaba na daw po kayo sabi ng mommy nyo" nauutal na sagot niya.
Pagkasabi niya nun agad na akong pumunta sa banyo at hindi ko na siya sinagot. Pagkatapos ko nag ayos sa banyo agad na akong bumba.
"Good morning baby" bati ni mommy sakin.
"Good morning din Mom" walang gana kong sagot.
"Ah baby---" hindi natuloy ni mommy yung sasabihin niya kasi biglang sumabat si Kuya.
"Mom, hindi na bata yang si Sandra kaya wag niyo na siyang tawaging baby" sabi ni kuya kaya inirapan ni mommy. Tama naman si kuya e, pero okay lang sanay naman na ako sa tawag sa kin ni mommy e.
"E bakit ka sumasabat diyan e bunso ko naman siya alangan ikaw ang tawagin kong baby e panganay ka" natawa nalang ako sa sinabi ni mommy si kuya naman hindi nalang umimik.
"Baby ito pala o invitation, pumunta daw kayo, debut yan ng pinsan niyong si Rhea" sabi ni mom sabay abot nung invitation. Si Ate rhea pinsan namin yun sa mother-side.
"Okay mom" sagot ko.
"Okay then. Let's eat" sabi ni mommy.
Ayun kumain na kami. Pagkatapos agad na akong umakyat sa kwarto ko para maligo na kasi may pasok na kami ngayon.
Fast forward....
Eto nandito na ako sa harap ng gate nakikita ko na naman yung mga unggoy na estudyante. Syempre inaabangan na naman nila ang kagaya kong dyosa. Hays! Ito ang hirap sa isang dyosa e.
Habang naglalakad ako na parang model na nakabreast out at nakachin up, rinig na rinig ko na naman ang sigawan nila.
"Ayan na siya. Shet nakakainlove ang ganda niya" sabi nung lalakeng tsokoy.
"I love you Alex! Ang ganda mo" sabi nung unggoy.
"Sexy love Alex"
"Ang perfect niya"
"Dyosa talaga" yan yung mga naririnig kong sigaw nila. Pero may isa na nakapukaw ng atensyon ko.
"Ang ganda niya, nakakainggit" sabi nung mukang lumot.
"Maganda nga, masama naman ang ugali" sabi nung kasama ni lumot. Aba't talagang kinakalaban ako ng babaeng to a. Pwes! Magsisi kang mongoloid ka! Kaya linapitan ko sila at narinig ko pang nagsalita si lumot.
"Lagot ka! Narinig niya ata yung sinabi mo" akmang tatalikod na sana siya pero nahawakan ko agad yung braso niya.
"Hoy panget na mukhang paa! Piliin mo ang kinakalaban mo ha! " sabi ko at diniro duro ko pa yung ulo niya.
"S-s-sorry po Mi-miss Alex" nauutal at nanginginig niya sagot. Wala pala to e.
Kaya tinalikuran ko na siya.Naglalakad na ako ulit nang bumangga na naman sakin. Tangina! Muntik ng matumba tong sexy kong katawan buti nalang nabalance ko. Kaya tinignan ko tong hinayupak ng matalim.
"Sorry Miss Ganda" sabi niya ng nakangiti. Aba nang aasar ba tong panget na unggoy na to. Hindi ko na pinansin yung sorry niya, akmang malapit na sanang maglanding tong maganda kong kamay sa mukha pero naunahan niya ako nahawakan niya ang kamay ko. Tsaka nakangiti niya pang binaba yung kamay ko. Sabay sabing...
"Chill ka lang miss, wag mo namang sirain tong GWAPO kung mukha" sabi niya at diniinan nya pa yung salitang gwapo a. Aba't feeling to a!
"Hoy panget na mukhang unggoy at amoy imbornal ang hininga wag kang feeling gago!" mataray kong sabi.
"Alam mo Miss ang ganda mo" sabi niya na nakangiti.
"Matagal ko ng alam yan gago" sabi ko.
"Hahaha! Naniwala ka naman naman. Joke lang yun uy. Joke lang!" natatawa niyang sabi.
Aba't inaasar ba ako ng empaktong unggoy na to. Makikita niya ang hinahanap niya. Hayyys!
Tumingin ako sa kanya at tinaasan ng isang kilay. Tss nilapitan ko siya at akmang sasampalin ko na sana pero naunahan na naman niya ako nahawakan niya ang kamay ko at nakangiting tumingin sa akin at bigla nalang niyang hinalikan ang kamay ko pagkatapos binitawan na niya. At tumalikod na paalis.
"Yuck! Ewww kadiri ka" sigaw ko pero nakalayo na siya.
Kaya agad akong dumiretso sa cr at naghugas ng kamay. Duh! Mas bale ng sigurado baka may virus yung panget na yun mamatay pa ako.Pagkatapos kinuha yung pabango sa bag ko at pinabangoan yung kamay ko.
Badtrip akong pumasok sa room ko. At sabay pa kaming pumasok ni Ma'am.
First day namin ngayon kaya orientation muna ang ginawa namin. Nagpakilala kami at sinabi naman ni ma'am yung rules at regulation at kung ano pang kaek ekan ang sinabi.