Sabi nila "love is everywhere" pero sa tingin ko...its a big effin NO!
Madami na kasi akong nakita na babae na umiyak dahil lang sa pag-ibig na yan. Kaya rin akong naging manhid at bitter kapag ang topic ay about "relationship/love goals".
So parang wala na akong pakialam kapag yung topic ay about love. Tska yung love na tinutukoy ko ay yung love na kapag may relationship kana, meaning di ka na single.
"Huy! Nakinig ka ba sa mga sinasabi ko?" Kasama ko ngayon si Carmella, lagi niya kasing binabanggit kung gaano sila ka sweet sa bf niya, ako naman, bitter as always.
"Oo naman nakinig ako, di naman kasi ako bingi Car" sabi ko with a sarcastic tone.
"Ok, nabanggit ko naba na nag-kiss kami ni Russel?? As in Bes!!! Ang galing niyang humalik bla bla bla" yan nalang narinig ko, so? Anong paki ko kapag nag kiss na kayo?
"Okie" yan lang talaga yung ni reply ko sa lahat na sinasabi niya.
Kinuha ko yung phone ko at tumingin sa time "bes, una muna ako may class pa kasi ako" tska tumayo at kinuha yung bag ko.
"Bye" yan lang yung sinabi niya, hindi man lang nag sabi nang 'Bye Bes!! cyaa!" -_-
Loner naman ako habang pumupunta sa room, may nakita akong mga tao na nag HHWW, nag sabi ng endearments, nag kiss at kung ano ano pa yung mga kasweetan na ginagawa ng mga couples.
PDA much lang kasi yung peg nila eh, nandun pa naman sa rule book na bawal mag PDA dito sa campus, pero ano yung nangyari?
WALA as in walang ginawa yung faculty or staff sa PDA na mga yan. Iba nga kinikilig pa eh, ako lang yung bitter dito.
Nung malapit na ako sa room may nabangga akong babae umiyak siya "sorry" tapos pumunta sa comfort room, pero dahil chismosa ako sinundan ko siya.
Pagdating ko sa CR sumusuka yung babae!! Hala, baka buntis na yun!! "Ate ok ka lang ba??" Tanong ko habang hinahaplos yung likod niya.
Nung natapos ba siyang sumuka, umiyak siya nang sandali tska tumango at umalis, kaya lumabas nalang din ako sa Comfort Room at pumunta sa room.
Parang buntis yung babae kasi sumusuka siya eh. Kawawa naman kung ganun, yan talaga yung isang pinaka ayaw ko sa pag-ibig.
Para sa lalaki kasi, ang babae para lang silang mga laruan na pwede nilang palitan kapag nagsawa na sila sa kanila.
Nung nakadating na ako sa room pumunta kaagad ako sa seat ko. Nung matapos yung klase dumeretso ako sa parking lot kung saan naghihintay yung driver namin. Yep you read that right "namin".
Ako, yung ate ko, at yung kuya ko. Silang dalawa ang tinatawag na "Dynamic Duo", twins kasi sila minsan nga they have the same thoughts. One year older silang dalawa sa akin, ako yung youngest sa family eh. Tska popular din sila sa school ako lang yung hindi.
Lagi ko ngang iniisip kung ba't yung pamilya ko mga maganda at gwapo ako lang yata yung hindi eh. Yung tatay ko nga siya yung cassanova noon, tska si nanay naman yung miss perfect. Pero dahil nag katagpo sila ni dad ayun, gumulo yung mundo nila at sila yung nagkatuluyan in the end.
Miss author gawin mo nalang ng story yung story nila dad medyo mataas kasi eh di ko carry, ako kaya yung sister ni dory, thats why I also have short term memory loss...JOKE LANG MISS AUTHOR HEHEHEHE.
(A/N: wag kang mag worry gagawa talaga ako from the beginning of their love story till the end of their relationship which is the part where your ate and kuya and you will be born :D)
Thanks in advance dahil sa tulong miss author :D, ok stop na tayo sa pag chit chat miss a? Okay? Madami pa kasi kang gawin baka busy ka tapos inenterrupt kita.
DU LIEST GERADE
Love Nga Naman (on hold)
Teen FictionSabi nila "Love is Everywhere" pero yung Love na tinutukoy nila ay yung love na kapag in a relationship kana di kana single. Pero ba't ganun? Ang daming babaenh umiyak, ang dami couples na be-break at iba naman nasira. Ganun ba talaga ang love? O mg...