4

80K 785 151
                                    

I know you dont want my explanation thingy.. haha

Dahil UD na agad ang hinahanap niyo..

So here it goes..

ENJOY READERS!

I miss you all..

Votes and COMMENTS are highly appreciated AGAIN! 

"Magpakasal na tayo" titig na titig na sabi niya sakin..

"Edward hindi bat parang nabibigla ka nanaman"

'Nabibigla? anong ibig mong sabihin?"

"baka kaya ka lang nagkakaganya dahil sa nakita mo kanina?" sabi ko.. bumitaw ako sa kanya at umupo sa kama..

"Vienne.. bakit ba parang ayaw mong magpakasal sakin.. May problema ba?"

umiling ako.. pero sa totoo lang naiyak na ako..

... "mabibigla pa ba ako samantalang may pitong taong anak na tayo.. sa loob ng mga taong yun.. hindi ko nagawang tumingin sa ibang babae." lumapit sa sakin at lumuhod sa harap ko

..."alam mo kung anong klaseng buhay meron ako bago ka pa dumating.. sa loob ng 20 taon ng buhay ko.. pautang ,alak, barkada at babae ang nagpapaikot sa araw-araw ko" pinunasan niya na ang mga luhang unti-unting pumapatak na sa mga mata ko..

..."pero sa maiksing panahon na nagkasama tayo hindi naging mahirap para sa isang gagong katulad ko ang magbago at talikuran lahat ng mga bagay na naksanayan ko na.." tinaas niya ang mukha ko sa pagkakayuko..

..."dahil hindi ko hahayaang dalhin ka sa ganung klaseng mundo.. lalo na ng bigyan mo ako ng anak.. hindi ko pinagsisisihan na naging ganun ang buhay ko.. dahil hindi kita makikilala kung hindi naging ganun ang sitwasyon ko.. pero Vienne alam mo na mahal na mahal kita.." hindi ako pwedeng magkamali pero umiiyak rin siya.. umiiyak si Edward ko kaya mas lalo akong naiyak..

..."Vienne bakit ba umiiyak ka?" tanong niya.. natawa ako ng konti..

"eh kasi umiiyak ka ee"

"eh kasi parang ayaw mo akong pakasalan.."

"eh kasi naiinis ako sayo"

"anong ginawa ko?"

"kasi ang tagal bago mo ulit akong niyayang magpakasal.. kung hindi mo ako nakita kanina kasama ang officemate ko hindi mo pa ako tatanungin ulit.." yumuko ako dahil parang ang desperada ng tono ko habang sinsabi yun..

natawa siya..

"natakot lang ako na baka tanggihan mo nanaman ako.. durog na durog ang pride ko ng unang beses na tinaggihan mo ako.."

"alam ko.. kaya nga pinalayas mo ako diba.. at dun na muntik mawala satin si vennice.." sabi ko..

"at yun ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay ko. dahil kung sakaling may nangyaring masama sa iyong dalawa hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko.." pinatayo ko siya.. tumayo rin ako.. hinawakan ko ang mukha niya niya.. tumingkayad ako at hinalikan siya ng madiin..

"mahal na mahal din kita.. hindi ko naimagine na maiinlove ako sa mayabang sa masungit, suplado palasigaw, bossy at walang kasweet sweet sa katawan na kagaya mo.. pero mukhang ganun talaga.. nung unang beses na makita kitang may kahalikang ibang babae sobra sobra akong nasaktan.. na gusto kitang tusukin ng karayom sa lahat ng parte ng katawan mo.." natawa siya sa sinabi ko..

..."kaya narealized ko na siguro kaya ako ganito kasi ikaw ang nakauna sakin at natatakot akong magasawa kn sakin.. kaya hindi ko rin nasagot ng oo ang tanong mo nung unang niyaya mo akong magpakasal dahil natatakot akong magsawa ka agad sakin.."

"na kahit kailan hinding hindi nangyari.. hindi mo naman siguro naisip na nagsawa ako diba? malakas pa rin naman ang ungol mo sa tuwing inaangkin kita.. mas lumalakas pa nga ngayon.." nahampas ko siya sa braso..

"edward!" 

"oo na.. sorry.."natatawa siya na parag ewan..

..."marami na tayong sinasabi .. pero yung sagot na hinihintay ko sa tanong ko.. wala pa rin hanggang nayon.." sabi niya at bumalik na naanaman sa seryoso ang mukha niya..

tinitigan ko rin siya..

..."oo na ba?"

ngumiti ako..

"YES NA YES!" niyakap niya ako ng mahigpit..

"Mahala na mahal kita Vieene.."

"Ilove you too edward.."

____________________________________________________________________________

Pambayad UtangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon