Chapter I
Maingat kong inangat ang mabigat niyang kamay na naka-yakap sa akin. Rinig ko ang mahina niyang pag-hilik at ang mabagal niyang paghinga, tanda na napagod siya sa ginawa. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga at agad na hinanap ang aking cellphone.
It's 3:00 am, the clock read. Everyone feels the same way around this time, and I am not any different than everyone else.
Muli kong tinignan ang lalakeng nakahiga sa tabi ko. For a few seconds, I struggled to remember his name and it didn't seem to matter to me whether I remember it. I probably won't see him again, I thought. Hinagilap ko ang aking mga saplot sa sahig, they were still a bit wet from the heavy rain na sumalubong sa amin kanina. Maingat kong isinuot ang aking damit, pati na rin ang aking sapatos. I took one quick glance at the mirror beside his bed, I can barely see my own reflection in this dimly lit room.
I noticed him shift, akala ko nagising siya, but he snored even louder. Sinaway ko ang sarili nang napansin kong napangiti ako sa nangyari.
As I slowly made my way to the door, I took one deep breath before opening it, as if to memorize the smell of his perfume that fills the entire room. Nilingon kong muli ang lalakeng mahimbing na natutulog sa kama bago ko tuluyang iniwan ang mga ala-ala sa nakaraang gabi kasama siya.
*** *** *** *** *** *** *** ***
It was on a rainy day in February when I decided to accept a job offer na ilang beses ko na ring tinanggihan. I was cleaning my cabinet and boxing my stuff as my roommate Vicky watched me silently. I needed to move to my sister's place kasi mas malapit iyon sa bago kong opisina.
"Sigurado ka na ba dyan sa desisyon mo friend?" malungkot niyang tanong.
I stopped and looked at her. There was total silence before I started to speak.
"Oo naman. Sayang din kasi 'yung offer. Hindi ko kikitain sa kumpanya natin 'yung susweldohin ko doon" sagot ko sabay balik sa pagliligpit ng gamit
"What if hindi mag work yung company? Hindi ba't kasisimula pa lang ng center na 'yan?" wika niya
"Eh 'di maghahanap ulit ako ng bagong trabaho. Maraming ibang center diyan" sagot ko
"Puwede ka namang bumalik siguro" si Vicky
"I doubt that" sagot ko sabay kuha ng packaging tape at gunting. "Hindi nila tinanggap 'yung resignation ko, and I can't render the required days kaya ayon, AWOL" dugtong ko.
"Mamimiss kita friend" malungkot niyang wika
"Baliw, hindi naman ako mangingibabg bansa!" Ako
"Kahit na, Iba parin yung andito ka. Wala na akong taga-gising at taga-luto" si Vicky
"Punyeta ka! Akala ko pa naman mamimiss mo talaga ako." Sabay bato ng unan pabalik sa kanya
"Ibahay ko na kaya si Arthur?" si Vicky
"Sinong Arthur?" Napatigil ako sa kanyang sinabi
"Yung kinuwento ko sayong bagets na nakilala ko sa bar" Sagot niya sabay tumayo at nanalamin
"Yung college student?" paglilinaw ko
"Yup! Di'ba ang cute 'non? At 'daks' yun friend! Nako, yumanig ang mundo ko 'don" si Vicky na halatang kinikilig
"Pokpok na to! Naku ikaw ah, Ayos-ayusin mo yang buhay mo! Alalahanin mo..."
BINABASA MO ANG
A Tale of Two Dayflies
RomanceLife is all about making decisions, and dealing with the consequences right after. ***** Xyric thought he knew the game and what he was getting into. But when his emotions started to complicate things, he soon found himself at a crossroad. Will he b...