Si Crush...yun oh! Teaser

53 0 0
                                    

           Papasok, mag-iingay sa klase, maglilibot sa quadrangle at sisilayan si crush sa 4th floor kada vacant time. Pagdating ng alas 3 ng hapon mas excited pa sa teacher umuwi. Ganyan ang Routine ko araw-araw. Simpleng estudyante, teacher's pet. Magpapa-utos sa teacher para makatambay ng Filipino corner tapos wala na, boring na ulit.

 Walang interesting sa buhay ko maliban kay Heimdal. My ever handsome bebe. Napapa-O-M-H! As in Oh My Heimdal! ako at talagang di maiwasang magkorteng puso ng mga mata ko kapag nariyan na sya! Speaking of..

"Abbeng.. Abbeng..Heimdal mo oh!" May kalakasang boses ng baklang borta kong frenny na si Bodeck. Nagsi-tawanan naman ang tatlo ko pang kaklaseng sina Elsa, Maica at Judy. Alam na alam kasi nilang magkakandahaba na naman ang leeg ko sa kaka-hanap kung nasaa'ng lupalop ba si...


"Shet.."


Nasabi ko na lang bigla. Ilang hakbang lang pala ang layo ni 'Bebe ko' mula dito sa table na kinauupuan naming lima. Huling-huli nya sigurong hinahanap ko sya. 

Kita ko mula sa dahan-dahan nyang pagngisi.. Ang gwapo! Yun nga lang akala ko dahil sa kinikilig din sya sakin yun pala dahil sa marungis kong mukha.

'Jusko Mahabagin!' Nakita nyang may takas na mantsa ng ketsup sa gilid ng labi ko habang namumutok ang pisnge sa kinakaing hotdog sandwich!


Hindi rin nagtagal ang titigan namin dahil parang diring-diri din syang nagiwas ng tingin, ngunit may dinukot sa bulsa ng polo.

"Dalaga ka na miss pero ang baboy mo pa din kumain." Bulong nya pa sa akin sabay alis.


Ilang minutong nanahimik ang mga tao sa paligid namin na para bang may dumating na anghel. Unti-unti namang nag-sink in sa akin ang binulong ni Heimdal, at nang ma-realize ko iyon, kusa nalang namula ang pisnge ko at nag-init ang dalawang tenga sa kahihiyan.


Napa-mental face palm ako bigla. Yung feeling na nahuli ka ng crush mo na nakatitig ka sa kanya. Dahil dun nginitian ka nya sabay abot ng panyo. Ang bango-bango nya.. pero shemay! Major major kahihiyan na naman ito Abbie.


"Hakdog ka talaga baklita.. Spell Nakakahiya? A-B-B-I-E! Anak ng pitumpu't puting tupa.. ayoko na nga!" Nanggigigil kong sabi sabay karipas ko ng takbo paakyat sa room ko sa 2nd flr.


Halos habol hininga akong pumasok sa classroom dire-diretso sa upuan ko sa 4th row. Napatigil naman sa pakikipag-daldalan ang kaklase kong si Craig Pagka-upo ko sa katabing arm chair.

"Oh, napa'no ka at kinakatok mo yang sentido mo?" nagtatakang bungad nya sakin.


"Ah wala.. another embarrassing moment lang kanina." sabi ko with a fake smile on my face.


"Ohh.. I see. Embarrassing moment..." mahina nyang sabi na napapatango-tango pa wari'ng may napag isip-isip saglit..

"..with crush?" Dugtong nya habang nagngingising-aso.

Gustong-gustong umusok ng ilong ko sa narinig. Itong lalaking ito wala talagang alam sabihin kung hindi pambubwisit. If I know may balak na naman iyan na asarin ako.

Parang di naman ako nasanay, hambog ang isang ito eh!

Buti nalang at dumating yung English teacher namin, kung hindi? Naku, may kurot na sa tagiliran 'tong katabi ko.

"Hi Class! Before we start, Abbiegail Hernandez together with your seatmate, Craig Alonzo maari ba'ng pumunta kayong class 1-D? Paki bigay itong files kay Ms.Sarah, yung Math teacher. Dont worry, guys di pa yata sila nagsa-start. Hurry up!" Malambing na pakiusap sa'min ni Ma'am Mitch.

Agad nagning-ning ang mga mata kong kanina pa nagdidilim kay Craig. Ang bait talaga ni Ma'am, alam niya yung makaka buo ng araw ko.. Charot lang! Hindi naman alam ni Ma'am na nasa section na yun ang crush ko pero kahit na! Atleast hindi na halatang may gusto akong silayan dun dahil may pinag-utos naman sa amin si Ma'am Mitch.


Yun nga lang ang hassle ng may kasama lalo na at itong kutong lupa pa na ito ang magbubuhat ng madaming papeles na pinag-utos sa amin. Ang bagal bagal pa naman maglakad ni Craig. May pangiti-ngiti at kaway pa sa mga babae na parang hari. Sarap tirisin ng timawa!


Maigi pa ang Heimdal ko. Mukhang loyal kahit napaka suplado. Hindi ako magsasawang mag-day dream sayo.  'Heimdal Jimenez.. I will be your future misis!' Chareng. Iniisip ko pa lang, nakaka-kilig na! Gwapo ng pangalan diba? tapos kakaiba pa. Bagay naman dahil sobrang gwapo ng may-ari. Siguro nakuha nya yun sa movie ni Thor? Ang alam ko kasi yun ang pangalan ng may amber eyes na doorkeeper sa palabas. Ang dami kong alam. Pero sana ganun din sya sa'kin di ba para kwits? Oo nga pala, si crush.. san bang lupalop nagsusuot yun?

The moment na makapunta kami sa class 1-D, hinanap agad ng mga mata ko kung nasaan sya. Sadly, wala sya sa upuan nya. Di rin naman pala nagtagal dahil may kumalabit sa likod ko.

"Hi, ikaw yung sa canteen diba, ako ba sadya mo dito?" Tanong nya sakin.

'Ay, iba naman pala itong istorbo na ito. Akala ko kung sinong mahangin!' Agad naman akong lumingon ngunit sa gulat ko, napakapit ako sa braso ng kasama ko. Dahilan para titigan nya ako ng mapang-asar.

Bubuga palang sya ng mapang-asar nyang linya, inunahan ko nang apakan ang paa ni Craig. Walangya ka!

"Acck!" Namilipit pero agad naman nyang naicompose ang sarili. Aba magaling umacting?

 Natigil kami ng ngingisi-ngising dumaan sa gitna namin papasok ng pintuan si Heimdal. Teka.. S-si.. Si Heimdal?!

"H..h.." Nauutal na akong babati sa kanya pero umurong yata talaga ang dila ko. May halo pang pagkataranta dahil sa sobrang kaba ngayong nasa tabi na namin si Heimdal. Walang nakapag-salita agad kaya dumiretso lang sya ng lakad, pero bago tuluyang makaalpas nangingiti pa syang bumulong sa'min.
"Wow.. Did I just witness you guys having L.Q? Honestly speaking, you two look good together." And with that, he just passed by us na parang wala nangyari dahilan para mapansin na kami ni Ma'am Sarah.

"Hi there! Anong sadya nyo dito kids?" Nakangiting bungad ni Ma'am. Naumid na ang dila ko kaya hindi na ako nakapag-explain. Mabuti na lang at sadyang makapal ang mukha ni Craig at sya na ang nagsabi. Mabilis syang nagpaliwanag. Dala na din siguro ng kahihiyan, ibinigay na namin yung pinaaabot kay ma'am at agad-agad na kaming umalis.

    Sa hallway pabalik sa room namin, dun na talaga humalakhak si Craig. Sobrang tawa nya na halos hingalin na sya sa ginagawa.

"Wahahahahaha--grabe akala nya girlfriend na talaga kita. Shet na malagkit! Pinagpawisan ako sa kakatawa ah? At ikaw naman kung makikita mo lang yang mukha mo sa salamin ngayon grabe. What's with that tomato face of yours? Siguro kinikilig ka no? Bakit ba naman kase pinanganak syang torpe, hayan tuloy at puro hinala. Nagagawa nga naman ng di nagtatanong. At ikaw, magiging girlfriend ko? tss. Anlabo!" Napapailing pa rin nyang sagot habang hawak-hawak yung tyan nya.

Sus! Mautot ka sana kaka-tawa..
  

Hindi ko na lang sana sya papatulan sa mga walang kwenta nyang pinagsasabi kung hindi lang sa huli nyang binanggit. Ano? Si Heimdal, natutorpe? Kanino naman? Sa akin? Pero best friend nya si Heimdal.. Dapat ba akong maniwala?

'Hindi nga!?'


Dahil sa confusion napatigil ako sa paglalakad at tumitig sa kanya. Ilang segundo bago nya nakuha ang ibig nyang sabihin. Narealize nya din sigurong may nasabi syang hindi dapat. 

Nadulas ka na sa sarili mong dila mokong! "A-ahh.. Naku! Yung sinabi ko kanina, j-joke lang yun.. Di ka naman siguro madaling makagets diba? Alam ko namang slow ka eh. Isha prank~" Mahaba nyang sabi sa huling dalawang salita. Nagpeace sign muna habang nakangiting parang natatae at nagtatakbo na papasok sa classroom.

Nangingiti na lang ako sa kawalan.


Talaga ba Bebe kong Heimdal? Aasa na naman ako nito. Anak ng tokwa naman talaga..

♥♥♥♥♥

Hello there! It's been ages since I wrote this short story of mine. Sa katunayan, hindi ko na sana ito irerevise pero masakit sa mata ang pagkaka narrate ng linyahan ni Abbie rito. Salamat sa mga nakabasa na nito dati. ♥

I will be adding few more scenes para sa ikagaganda ng akdang ito.

-XOXO Mingming

Si Crush!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon