Language: Tagalog with slight English
Finished: June 19, 2016, 9:00 p.m.-------------------------------------------------------------
Nakaupo ako at kasalukuyang nakaharap sa computer, ini-encode ang mga nalalabing grades na hindi pa na-encode. Grades ito ng mga estudyanteng nabibilang sa Business, Management, and Accountancy (BMA) Department noong nakaraang first semester.
Lumapit sa akin si Ma'am Macky, ang Office Secretary ng BMA Department. Tinatap-tap pa niya ng sobrang hina ang likod ko.
"Ano po 'yon, Ma'am Mac? Sabihin niyo na po." Pabiro kong sabi. Siyempre, nirerespeto ko ng sobra si Ma'am Mac. Bukod kasi sa biniyayaan siya ng talino at ganda, sobrang bait niya, napakahumble at napakakalmadong tao pa.
Natawa siya sa sinabi ko. Tapos inabot niya sa akin ang trabahong pinakapaborito ko sa lahat-----ang magpa-photocopy. Walang halong biro. Paborito ko talaga ang gawaing 'to. Kasi...
"Okay." Kinuha ko ang inaabot niya at agad na nagtungo sa Finance Office (F.O.). Kahit mayroon din namang photocopier/scanner ang office ng BMA, para lang naman ito sa mga tinging photocopy. Doon na dapat pino-photocopy sa F.O. kapag medyo maraming copies na ang kailangan. Kinatok ko ang bintana ng F.O. at bumukas iyon. Bumungad sa akin ang isang gwapong nilalang na kapwa ko working student din. Iniabot ko sa kanya ang original copy ng ipapa-photocopy ko kasama ang listahan na kakailanganin kapag nag-audit na ng expenses. Hindi sinasadyang nahawakan niya ang kamay ko na naging rason para mapatingin kami sa isa't isa, nagkatitigan.
Ako nga pala si Julie Barrera. Obviously, isang working student or student assistant din kung tawagin ng iba. Bachelor of Science in Hotel and Restaurant Management (BSHRM) ang kurso ko at nasa Second year na ako. May ambisyon din kasi akong maging isang chef.
Itong nasa harap ko. Si Diego Pascua. Isang gwapong working student slash gwapong classmate ko sa P.E. noong nakalipas lang na summer classes. Summer kasi kinukuha ng mga working student ang ilan sa mga subject na dapat sanay kinukuha ng isang regular student sa isang regular semester. Ngayong second semester, kaklase ko siya sa Humanities, Filipino at MS. Bachelor of Science in Business Administration (BSBA) ang kurso niya at gaya ko, nasa second year na rin siya.
Kung hindi pa halata, gusto ko ang lalaking ito. Gusto ko si Diego. At siya ang rason kung bakit ko paborito ang trabahong magpa-photocopy.
Pinamulahan ako at binawi ko ng marahan ang kamay ko. Tumikhim pa siya bago humarap sa photocopying machine at nag-umpisa ng i-photocopy ang pinapa-photocopy ko.
Habang ginagawa niya iyon, nakayuko lang siya at tila minamasdan ang mga commands na lumalabas sa maliit na screen ng machine. Nakatingin ako sa kanya mula sa labas, through the clear window. Ito lang naman ang lean thick na naghihiwalay sa aming dalawa pero tila napakalayo niya. Ni hindi niya man lang ako binibigyan ng pansin kahit sulyap man lang, maliban na lang siyempre kapag magtatanong siya tungkol sa kailangan ko.
Malapit ng mag-two years kaming magkakilala. Ay hindi. Baka ako lang pala ang nakakakilala sa kanya at ako ay hindi niya kilala. Una ko siyang nakilala noong i-orient kaming lahat na mga working students about sa policies, rules, at duties and responsibilities ng isang working student. Simula pa lang noon, nakuha na niya ang pansin ko. Umaangat kasi talaga ang kagwapuhan niya sa gitna ng karamihan. Dumagdag din kasi sa pagiging attractive niya ang pagiging palangiti niya na nagiging dahilan para pumarada ang dalawang malalim at sexy niyang dimples. Bukod pa sa kagwapuhang taglay niya at nag-uumapaw na hotness, matalino din siya at sa katunayan ay siya ang top sa batch nila. Plus points pa pala ang pagiging gentleman niya. Nakakapagselos nga lang kasi...
BINABASA MO ANG
Photocopy
Short StoryPwede rin palang ma-photocopy ang pagmamahal? ------------------------- Genre: Short Story/One Shot/Teen Fiction/Romance Language: Tagalog with slight English