Hello Alec kamusta ka na ba? :')
Thankyou ah? Sa pang-iiwan sa'kin.
Na-appreciate ko.
Proud ako sa'yo kahit iniwan mo 'ko.
Kasi ginawa mo yun para sa'yo..
Para sa'kin...
Para sa'tin, sabi mo.
'Wag kang mag-alala, pagod na ako..
Iintayin ko nalang na sumuko na ako,
Yung puso ko..
At, oo nga pala. Yung bestfriend mo..
Si Nath
Nililigawan ako, sorry ah?
Siya kasi yung sumalo sa'kin nung iniwan mo'ko.
Pero kahit gan'un,
Mahal pa din kita Alec ...
Sobra.
Ewan ko ba, kung ke'lan 'to matatapos.
Etong pagpapakatanga ko sa'yo.
Sorry ah?
Sorry kung minahal kita.
Sorry kung nagtiwala ako sa'yo, dahilan para madurog ako ng ganito.
Sorry kung 'di ka lumaban.
Sorry kung umasa ako.
Sorry kung umaasa pa din ako.
Aasa ako, hangga't alam kong kaya ko.
'Saka yung sinasabi mong you had to built those wall not to block people but to look who's willing to climb onto that wall ..
Pero bakit? Bakit 'pag umaakyat ako pilit mong tinataasan yung aakyatan ko?
Bakit kaylangang ihulog mo ako pababa?
Ayaw mo na ba talaga?
Suko ka na talaga?
Sabi mo kung tayo talaga hanggang 5-10 years tayo talaga pero bakit?
Bakit mo ako pinapalayo sa'yo?
Siya na ba?
Siya na ba yung gusto mo?
Parang dati lang..
Ako pa yung kachat mo.
Ka-call mo
Ka-iloveyou-han mo
Pero bakit?
Bakif mo'ko iniwan?
Bakit mas ineentertain mo pa siya kesa sa'kin?
Siya na ba talaga ang best para sa'yo?
Siya na ba?
Si Princess na ba?
Bakit ka pa nangako sa'kin?
Bakit mo pa hiningi na pagkatiwalaan kita?
Para magtagal tayo, magtiwala ako sa'yo.. Sabi mo.
Pero bakit?
Bakit mas pinili mong iwan ako kesa tuparin yung mga pangako mo?