Ako si ric, I'm 17 years old, matibay, matatag, isang kabataan na aktibo sa gawain ng simbahan. Naniniwala ako sa kasabihang true love waits at mas maganda ng mag invest sa Itaas kaysa dito sa lupa. Ngayon sa awa ng Diyos ako'y nag-aaral sa culumbia University bilang Civil Engineering. Lahat ng ito ay dahil sa pinili kong landas. Masaya ako dahil nasa tamang landas ako at masaya ako dahil may kasiguraduhan na akong makakarating ako sa langit. Pero nalulungkot ako sa luob luob ko dahil, dahil nakikita ko ang mga kaibigan ko na naligaw na ng landas. Pinili nila ito kahit alam nilang mali.
Nagyoyosi
Nagdodroga
Umiinum
Pagiging rebelde sa kanilang mga magulang
Broken Hearted kaya naging chickboy
Nagnanakaw
Nakikipag basagan ng ulo
Umuuwi na ng umaga
Lahat ng ito nagagawa na nila dahil sa landas na kanilang tinahak. Alam ko sa lahat ng mga naging kaibigan ko nung nakaraan ako lang ang natira na lumalakad sa tamang landas. Pero naiinis ako sa sarili ko bakit hindi ko sila matulungan.
Siguro ngayon hindi pa time para makausap ko sila pero alam kong darating un time na iyon. Yung time na mag gagala ulit kami at magtatawanan, magkekwentuhan at magiging masaya TULAD NG DATI.
Naging matalino ako sa mga bagay bagay dahil sa mga na-experience ko sa buhay.
Namanage kong kontrolin ang pighati sa aking damdamin at palitan ito ng pagmamahal at pangingintindi sa mga bagay bagay at mas lalong maunawaan ang salitang PAIN, HATRED at Pride. Pero sa tatlong ito na pwedeng sumira at maka-apekto sa buhay ng isang tao may isa akong natutunan na talagang tumatak sa akin. Iyon ay PAGMAMAHAL. Walang labis na pagmamahal sa aking mga kaibigan ang siyang nanaig sa mga sakit, galit, inis, pagiging mag-isa lahat lahat na ng mga negative naramdaman ko. Oo one time nainis ako sinisi ko SIya, sinisi ko ang Diyos sa lahat ng mga pangyayaring ito. Pero kinalaunan narealize ko na para sa akin din pala lahat ng ito.
Para maging matibay ako
Para maging matatag ako kahit ilang bagyong dumating,
Kahit nasa isang madilim akong lugar at hampasin ng mga malalakas na alon,
Kahit harapin ko pa ang mga kinakatakutan ko,
ALAM KO nasa ibabaw ang Diyos sa lahat ng ito at wala na akong dapat pang ikabahala dahil alam kong MAHAL NIYA KO at PROTEKTADO AKO.
Ang isang kaibigan ang pagmamahal ng isang tunay na kaibigan sa kanya ko naranasan kaya mas nanaig sakin ang PAGMAMAHAL kaysa sa lahat ng mga pangit na idea na siyang nagpapahina sa puso ng tao,
Ilang beses kong sinibukan na balikan ang aking mga kaibigan at ayusin ang landas na kanilang tinatahak pero kada lapit ko sa kanila paglayo naman ang kanilang ginagawa,
One time sinabi ko sa kausap ko na "Alam mo kahit na tinahak na nila yang maling landas nayan alam ko matutulungan ko parin sila at babalik kami sa dati"
Ang sabi naman niya "Hindi na at kasalanan na nila iyon un ung landas na kanilang tinahak wala na tayong magagawa. At impossible yang sinasabi mo diba pag ini-invite mo pa nga sila sa church niyo niloloko ka pa"
Pero kung iyon ang kanilang tinahak diba kaya nga andito tayong mga kaibigan upang TULUNGAN sila na dumaan sa tamang landas. At diba lahat naman tayo ay NAGKAKAMALI at NAGKAKASALA kaya walang impossible! Ginawa ko ang makakaya ko isa isa ko silang kinausap muli nagkaroon ako ng paniniwala na maisasama ko pa sila sa landas na aking tinatahak. Hindi ako susuko!
Mga kaibigan ko,
Nung time na mag-isa ako at hinaharap ang sakit nandiyan kayo upang tulungan ako, maging matibay, tumayo sa pagkakadapa at maniwala na may Diyos na gumagabay sating lahat. Ngayon alam ko tago ang mga kabaitan niyo, alam ko nasaktan din kayo at tinakpan lahat ng sakit yang puso niyo kaya nagkaganyan kayo.
Pain feeds hatred, hatred feeds pride, pride gives pain.
Ganyan na sa mundo natin ngayon eh.
Pero what I've realize is Love I know Love will break this chain!
God loves me, those friends on the past and even now loves me, my family loves me. That's why this love.... Itong pagmamahal na to ang nagtayo sakin upang tulungan ko ang mga kaibigan ko.
Hantayin niyo ko :) Mga kaibigan ko kahit nag kaganyan kayo.
MAHAL NA MAHAL KO KAYO :)
Kung mayroon kang kaibigan ngayon na sa tingin mo kinakailangan ka ng sobra tulungan mo hindi rason ang pagiging BUSY para hindi siya matulungan. Kung ikaw ang nasa tamang landas ngayon at ang kaibigan mo ay naliligaw. Wag mong itanggi na pumasok sa isipan mong tulungan sila pero pinanghihinaan ka. Laksan mo ang luob mo at maniwala ka. Wag ka mag alala may Diyos naman para alalayan ka at yang gagawin mo tiyak SUPORTADO KA!
Kapag isa kang tunay na kaibigan tiyak ikaw dapat ay maasahan hindi tinawag ang salitang kaibigan para lang sa kasabihang "FRIENDS WITH BENEFITS" na alam naman nating lahat kung anong ibig sabihin. Ang isang tunay na kaibigan hindi rin masusukat sa pagtatawagan ng best, bff, girlfriend, boyfriend, tropapips, kosa, o kahit ano pang tawagan yan. Dahil ang tunay na kaibigan hindi masusukat sa mga salita at tawagan lamang kundi sa tatag at pagmamahalan niyo sa isa't isa.
Marami akong naging kaibigan pero hindi lahat doon naging totoo. Ang sabi nga sa isang palabas diba "HINDI MAHALAGA KUNG MARAMI KANG KAIBIGAN ANG MAHALAGA EH YUNG MAY MGA TUNAY KANG KAIBIGAN"
You should be blessed na may kaibigan ka ngayon. At yung mga kaibigan mo dati na alam mong nawala sa landas na tama at ikaw ay nandiyan.
NAGPAPAKASAYA
NAGPAPAKASARAP,
HALLELUJAH HALLELUJAH nagpepraise the LORD KAPA!
MAHIYA KA! Ang gusto nang Diyos tulungan mo ang mga kapwa kaibigan mo at hindi lang sila kundi ang mga marami pang tao! Don't be selfish! BE PRODUCTIVE!
Ang daming kabataang naliligaw at alam ko lahat ng iyon may binibitbit. Ang iba na impluwensiyahan ung iba nasaktan ung iba nag iisa. Pero ang pagmamahal ng isang tunay na kaibigan- ito ang magbabago sa landas na pinatutunguhan ng pusong natakpan ng kahinaan.
GOD BLESS :) BE STRONG, BE STILL, HAVE FAITH <3