"S-Shawn." She whispered.
I closed my eyes tightly and stared blankly at her."What do you need this time, Evangeline?" I said through gritted teeth as I try to control my anger.
"I want you back."
And that's all. She already win me back.-------------
Five years ago."Anak, wala na tayong pera. Kailangan na natin magbayad kay Aling Nena ng renta kung hindi baka paalisin na tayo dito." Sabi ni Nanay at pumikit ako ng mariin.
"Opo, Nay. Maghahanap pa po ako ng ibang racket para kumita ng malaki-laking pera. Alis na po ako." Sabi ko at hinalikan ko muna ang kanyang noo bagong tuluyang umalis.
Habang naglalakad ako papaunta sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho, iniisip ko kung saan ako kukuha ng pera. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa. Tatawagan ko muna si Roy, baka may alam syang pwedeng racket.
"Roy, may alam ka bang pwede kong maging racket? Kapos kami ni Nanay, eh. Alam mo naman yung sweldo ko sa restaurant." Sabi ko.
"Ay oo nga pala, pre. Buti napatawag ka. Merong isang restaurant na kailangan nang waiter kaso pangmayaman yun eh. Pero alam ko kasi may event kaya kailangan nila ng extrang tauhan." Mahaba niyang sabi.
"Talaga? Osige, sige. Itext mo ako kung saan. Salamat pre." Sabi ko at pinatay ang tawag. Napangiti ako sana naman okay na pasweldo dun.
Halos sampung minuto din akong naglalakad patungo sa restaurant. Agad akong pumasok at nagattendance muna bago pumanta sa aking locker at kuhanin ang mga gamit ko sa paglilinis.
Tagalinis ako ng sahig dito. Kaya medyo mababa ang sahod ko.
Nagulat ako ng bigla akong lapitan ng manager namin."Shawn, pwede ba kitang makausap?" Sabi niya at tumango ako. Sinundan ko lang sya sa kanyang opisina.
"Bakit nyo po ako pinapunta dito?" Sabi ko at naupo sa upuan sa harap ng kanyang lamesa.
May inabot syang puting sobre sa akin. Tumungin ao sakanya na parang nalilito sa nangyayarin.
"Ano po ito?" Tanong ko at nakita ko siyang huminga ng malalim.
"Huling sweldo mo na yan,Shawn. Pasensya na kailangan ko magbawas ng tauhan. Alam mo naman na medyo nalulugi na ang restaurant ko." Sabi niya at nanlaki ang mata ko.
"Pero Sir. Alam nyo na-" Pinutol nya ang sasabihin ko.
"Pasenysa na talaga, Shawn. Makakaalis ka na ngayon." Tumango ako at nagpasalamat bago tuluyang lumabas ng opisina.
Dumretcho ako sa locker para kuhanin ang mga gamit ko at nagpaalam sa mga kasamahan ko sa trabaho. Tinignan ko ang alam ng puting sobre, tatlong libong piso. Pamabayad lang ito ng renta.Tumunog ang cellphone ko at tinignan ang mensahe galing kay Roy.
Roy:
EVQ HOTEL. Sa loob nun andun yung Quenery Classic Restaurant.
Sabi niya at nireplayan ko sya ng pasasalamat bago tuluyang umuwi.
---*
EVQ HOTEL (Evangeline Quenery Hotel)
BINABASA MO ANG
Craving For HER.
RandomNO PART OF THIS STORY OR ANY OF IT'S CONTENTS MAY BE REPRODUCED, COPIED, MODIFIED, WITHOUT THE PRIOR WRITTEN CONSENT OF THE WRITER. ALL OF THESE (title, characters,plot, settings) ARE JUST PART OF THE WRITER'S WILD IMAGINATION. THE STORY YOU'RE ABOU...