Chapter 1

28 0 0
                                    

After 5years...

Sam P.O.V.

"After 5 years makakauwi na rin kayo dito sa Pilipinas anak. Sobra na kitang miss pati ang gwapo kong apo na si Zack,"excited na sabi ni mommy sa telepono.

Alam kong sabik na sabik na si mommy na makita ang kanyang apo. Matagal din kaming naglagi dito sa Amerika.

"Ano na ngayon ang plano mo anak?"tanong ni mommy.
Alam ko naman kong ano ang ibig sabihin nun ni mommy.

"Hindi ko pa alam sa ngayon ma pero wala akong planong ipakilala sya sa kanyang ama. Tama na sigurong hinayaan ko siya na maging masaya sa piling ni Cassandra. Ayoko ng buksan pang muli ang naghilom na sugat."sagot ko.

"If that's your decision,i'll support you Sam."sabi ni mommy.

"Thanks ma."tipid kong sagot.

Habang na sa eroplano,hindi ko maiwasang hindi isipin kung ano kaya ang magiging reaction ni Terrence sa oras na makita niya ang anak naming c Zack. Gustuhin ko mang ipakilala sa kanya ang bata,hindi talaga pwede. Ayoko na ng gulo. Hanggang ngayon masakit pa rin ang ginawa nila ni sa akin. Lumipas na ang mga taon pero hanggang ngayon sariwa pa rin ang lahat na parang kahapon lang nangyari. Hindi ko namalayan na inaahas sa pala ako ng sarili kong bestfriend. Sa sobrang tiwala nawala sa akin ang lahat,ang lalaking pinakamamahal ko at ang bestfriend ko.


Flashback....



"Hi bes. Kanina ka pa ba nandito?."bati ko sa bestfriend kong si Cassandra.

"Kararating ko lang din bes. Upo na tayo."sagot niya.

Naghanap na kami ng mauupuan. Kasalukuyan kaming nasa 4th year na sa kursong accountancy. Consistent dean's lister ako and running for summa cum laude. Hindi accountancy ang gusto kong kurso pero ito ang gusto ni dad kaya napilitan akong talikuran ang aking hilig sa photography at nag concentrate na lang sa aking kurso. Ako din naman ang magbebenefit sa kurso ko dahil ako lg ang nag-iisang anak ng mga Elizalde na syang tagapagmana ng Autumn's. Ang Autumn's ang pangalan ng restaurant namin na merong maraming branch sa iba't ibang parte ng bansa.

Habang naghihintay sa aming professor,agaw pansin ang lalakeng naglalakad papasok sa aming room. Sobrang gwapo nya. Siguro nung panahong pinasabog ng Diyos ang kagwapuhan nasa unahan siya. Matangos ang kanyang ilong,mapula ang kanyang mga labi in short he looked like a greek god. Ang kanyang mga titig para kang nahihipnotismo na parang ewan. Natulala ako sa kakisigin na taglay niya. Namalayan ko na lang na nakapasok na pala siya sa loob at katabi ko.

"Hi."bati nya.

"H-hi."nauutal kong bati

"Im Terrence Chase Monte de Ramos,"pagpapakilala niya sabay lahad ng kanyang kamay.

"Samantha Louise Elizalde,"sagot ko habang nakikipag kamay sa kanya.

"Nice to meet you Sam,"sabi niya habang hawak pa rin ang kamay ko.

Hindi ko maintindihan ang aking sarili. Para akong naiihi na nanlalamig na parang ewan. Yung feeling na habang tumititig ka sa kanya,parang ayaw mo nang bumalik sa realidad,parang lahat ng enerhiya mo sa katawan ay hinihigop niya. Iyon ang epekto niya sa akin.

"Siya nga pala ang bestfriend ko si Cassandra,"sabay bawi ng kamay ko habang pinapakilala ko si bestfriend sa kanya.

Nahinto ang aming pag-uusap dahil dumating na ang aming professor.

Habang lumilipas ang mga araw,unti unti na akong nakakadama ng kakaiba kay Terrence. Aaminin ko gusto ko na siya. Matalino siya,mabait at gwapo. Hindi mahirap magustuhan. Sabay kaming kumakain ng lunch. Minsan pagkatapos ng klase niyayaya niya akong mag dinner sabay hatid sa bahay. Nakilala na niya ang mga magulang ko nung panahong hinatid niya ako sa bahay.

"Salamat sa dinner at sa paghatid Terrence,"sabi ko habang nasa loob ng kotse niya.

"You don't need to say thank you Sam. Masaya ako kapag kasama kita. Mas ako nga dapat ang magpasalamat dahil naglalaan ka ng time para sa akin,"sabi niya habang inaabot ang mga kamay ko.

"You don't know how your smile affects me Sam. How your mere presence shakes my world."pagpapatuloy niya habang nilalaro ang aking mga kamay.

Wala akong masabi. Feeling ko ang haba haba na ng buhok ko dahil sa sobrang kilig.
Ang lapit lapit na niya sa akin. Ilang gahibla na lang ang layo niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko o kung may dapat ba akong sabihin. Ilang beses na kaming nag dedate pero hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung nasa anong lebel na kami. Natatakot akong magtanong dahil natatakot ako sa sasabihin niya. Ang alam ko lang ay masaya ako kasama siya. Hindi buo ang araw ko kung hindi ko siya makita.

"You know i like you Sam and i'm serious about you. If you'd only give me a chance to show you,you would make me the happiest man now," bigla niyang sabi.

"Um..um.."yun lang ang mga salitang lumalabas sa bibig ko.

"You don't have to say anything as of now. I don't want to pressure you."seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga labi ko.

"Okay."bigla kong sagot.

Gulat na gulat si Terrence sa sagot ko. Mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Ibig sabihin nun pwede na kitang ligawan?."tanong niya.

Napatango na lang ako bilang sagot.

Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit. It feels good to be in his arms. Ang bango bango niya para akong nalalasing. Ito ang isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko.



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Woman He BrokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon