Tandang-tanda ko pa ang unang pagkakataong nakita kita. Tinawag mo ko, pero di kita pinansin. Nagpumilit ka pa rin, hanggang sa tinulungan ka na ng kaibigan mong kapitbahay namin. Ipinakilala ka niya sa akin.
Nasa computer shop tayo noon. Sabi mo pa, "Hello, ako nga pala si Aries. Anung pangalan mo?", sabay abot ng kamay mo. Ayoko pang ibigay noon ang pangalan ko. Alam ko naman kasing kilala mo na ako. Sa dami ba naman ng mga kapitbahay naming binatilyo sa lugar na iyon, imposibleng hindi mo pa alam.
Hindi naman ako bastos. Ayaw kitang ipahiya, kaya kinamayan na rin kita saglit at nagpakilala. Okay na sana, kaso may hiningi ka pa. Hiningi mo pa ang number ko. Ayaw ko sanang ibigay kaso hinaharang mo ko. Ayoko na maabala pa, kaya binigay ko na. Wala kang papel noon. Ballpen lang. Saan mo isinulat? Hindi sa palad. Sa braso mo.
BINABASA MO ANG
Wala Kang Katulad
RomanceIsa sa mga patunay na hindi sa lahat ng pagkakataon nangingibabaw ang pag-iisip, kahit pa sabihing ang hypothalamus ay nasa utak at hindi nasa puso.