Ang Unang Text

13 3 0
                                    


Nagising ako isang umaga dahil sa isang text. "Hello, kamusta ka na?", yun yung mensahe.  Hindi ko kilala yung number kaya hindi ko na pinansin. Tapos nagtext na naman. Nagtext pa ulit at nagtext pa nang marami pa ulit.

 " Hello, kamusta ka na?". 

"Hello, kamusta ka na? Mamansin ka naman."

"Pst! Sungit naman."

"Suplada."

"Sino ito?", may pagkamagalang pa reply ko sa'yo.

"Ah, oo nga pala di ko nasabi. Si Aries to. Yung kumuha ng number mo sa computer shop."

"Ikaw pala yan."

"Oo, ako nga.  Pwede ba humingi ng pabor?"

"Anu yun?"

"Magkita naman tayo ulit. Gusto lang kita makausap kahit saglit."

"Para saan?"

"Wala lang. Makikipagkaibigan lang. Noong nagkita kasi tayo sa computer shop, hindi ako nakapagpakilala nang maayos. Gusto ko sanang mas magkakilanlan pa tayo."

Hindi ko alam kung anung pumasok sa isip ko at pumayag akong makipagkita sa'yo. Ewan ko ba kung anung meron sa text mo at nahikayat ako. Hindi naman masyadong mahaba yung pagtetext natin. Siguro nga may pagkautu-uto ako noong panahon na iyon.  Basta, ang natandaan ko na lang, kahit bawal ako umalis nang bahay, umalis pa rin ako. 


Wala Kang KatuladTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon