"Esmeralda"
ang huling aswang
ika-apat na kabanata
Nagulantang si Aling Gina ng maabutan niyang tangan ng matandang babae ang kanyang apo..
Biglang nagkaho ang kanyang ina at iniwang nakalapagang sanggol.
Dali daling kinuha ni Aling Gina ang kanyang apo na si Esmeralda..
DIYOS ko po, salamat at walang nangyari kay Esmeralda..
Nagkagulo ang mga taong baryo at nagpulong pulong ito upang pag-usapan ang gagawing hakbang para sugpuin ang naglalabasang kampom ng kadiliman.
Dapat ay Patayin natin ang mga lahi ng aswang.
(sigaw ng isang lalaki)
Sunugin natin ang mag-iina! Patayin natin ang salot sa ating baryo.
(sigaw na isang lalaki)
Galit na nagsisigawan ang mga taong baryo.
Sugurin na natin, hangga't maaga pa!
(sigaw ng mga mamamayan)
Biglang sumulpot ang isang lalaking naka puting abito.
Teka muna, mga kapatid, huminahon kayo.
Huwag ninyong gawin yan.
May mga ibang paraan upang sugpuin ang mga aswang.
(saad ng lalaking nakaputing abito)
Sino ka?
(sigaw ng isang babae)
Hindi ka taga-rito ha!
Estranghero ka sa lugar namin.
Wala kang alam sa mga nangyayari sa aming baryo..
(saad ng isang babae)
Ako nga pala si Father Delfin, ako ang bagong pari sa baryong ito.
Nasaksihan ko lahat ng pangyayaring naganap kanina.
Kahit ako'y nangilabot din sa mga pangyayari.
Ngunit sadyang di tayo pinabayaan ng ating Amang nasa Langit.
Tinaboy niya ang mga kampon ng kadiliman.
Pero Father, huwag na nating patagalin pa ang lahat. Kilala na natin kung sino ang pinagmumulan ng lahat ng ito.
Kaya dapat ay sugpuin na natin ito, hanggat maaga.
Mga kasama sangayon ba kayo sa aking mga plano?
(sigaw ng lalaki)
Nagsigawan ang mga tao at itinaas nila ang kanilang mga sulo, tabak at sibat.
Oo, sangayon kami!
Patayin ang mga aswang sa ating lugar.
Patayin!
(sigaw ng mga mamamayan)
Mga kapatid,huwag ninyong gawin yan.
(sigaw ni Father Delfin)
Hindi pinansin ng mga taga baryo ang pag-awat ni Father Delfin.
Sumugod ito sa bahay nila Aling Gina..
Aling Gina...!
Aling Gina...!tumakas na kayo, papatayin kayo ng mga taong baryo.
(sigaw ng isang kapitbahay)
Napalingon si Aling Gina sa kanyang narinig.
Ha! Bakit?
Anong kasalanan namin?
Aling Gina, papatayin kayo ng mga kabaryo natin.
Kayo daw ang salot sa lugar na ito. Kaya't umalis na kayo. Dalian ninyo.
(saad ng kabit bahay)
Nagmadaling tumakbo si aling Gina, habang tangan ang sanggol na si Emeralda..
Roda' anak, dalian mo,
Umalis na kayo dito.
Dalhin mo ang iyong anak..
Tumakas na kayo
nanginginig na saad ni Aling Gina.
Inay' bakit ba?
anong nangyayari?
Napapaluhang tanong ni Roda.
Papatayin kayo ng taong baryo..
Inabot ni Aling Gina ang Sanggol na si Esmelda sa kanyang ina..
At dinukot ni aling Gina ang isang kulay pulang supot at inilabas ang puting bato.
Anak, tandaan mo ito.
Lagi mong ilalagay kay Esmelda ang pulang supot na ito.
Huwag na huwag mong hahayaang mawalay sa kanya ang batong ito.
Ito ang magiging panangga niya sa sumpa ng ating lahi.
Nabigla si Roda sa kanyang narininig.
Inay' hindi kita maintindihan.
(saad ni Roda)
Umalis na kayo!
Dalian ninyo. Ako na ang bahala sa burol ng asawa mo.
Dali daling umalis si Roda, dala ang sanggol na si Esmelda..
Gulong gulo ang isip at di malaman ang gagawin...
Ayun!
(sigaw ng mga taga baryo)
Ayun ang nga kampon ng aswang. Patayin natin.
Nagtakbuhang palapit kay aling Gina ang mga taga baryo bitbit ang sibat at itak..
Patayin ang mga Aswang..
Patayin..!
Napaluhod si Aling Gina at nagdasal ito..
Diyos ko po, patawarin mo ang aking ina sa mga kasalanang nagawa niya.
Iligtas mo po ang aking anak at apo sa kapahamakan..
Isang sibat ang umigkas at tumusok sa katawan ni aling Gina..
Napahiga ito sa tinamong tama.
Patayin ang aswang!
Sigaw ng mga taga baryo.
Lumapit ang mga taong baryo sa nakahigang katawan ni aling Gina.
Sa sobrang galit ay Binuhusan ito ng Gas at sinilaban...
Unti unting tinutupok ng apoy ang katawan ni aling Gina..
Patay na, ang isang lahi ng asawang! Hanapin pa natin ang mga kalahi nila.
(sigaw na isang lalaki)
Sa di kalayuan sa taas ng isang puno.
Nakamasid ang ina ni aling Gina.
(ang matandang babaeng Aswang)
Galit na galit itong pinagmamasdan ang nasusunog na katawan ng kanyang anak.
Napasigaw ito sa sobrang galit at umalingaw-ngaw ang isang nakakakilbot na unggol....
Nadinig ito ng mga taga Baryo at nangilabot ito ng husto...
Itutuloy....
Abangan....
Saan mapapadpad ang mag-inang Roda at Emeralda..
Matatagpuan kaya sila ng galit na mga taga baryo.
![](https://img.wattpad.com/cover/8739976-288-k787080.jpg)
BINABASA MO ANG
" ESMERALDA " Ang huling Aswang
HorrorAng huling Asawang na magbibigay sa inyo ng nakakalilabot na pangyayari.