PROLOUGE
Bang! Bang!
"Putang ina! Lumabas ka! Wag kang magtago!"
Bang! Bang!
"P*ta eh duwag ka pala eh! Ano?! Magpakita ka!!"
"Tumahimik ka" isang malamig at nakakatakot na boses ang bumulong sa kanya. Nanindig ang balahibo niya at tumingin sa likuran kung nandoon ba ang kanyang hinahanap, pero wala. Walang tao maliban sa kanya.
"Nasaan ka?! Magpakita ka!!" Sigaw niyang muli.
"Handa ka na bang mamatay?" Nanigas siya. Nasa likuran niya ito. Unti- unti siyang pumihit palikod para makita ito. Isang babaeng nakamaskara ang buong mukha. Nanginginig ma'y itinutok niya ang baril dito.
"Papatayin kita!" sigaw niya rito. Pipindutin niya na ang gatilyo pero sa isang iglap lang ay nawala na ito sa harap niya. Naramdaman niyang nasa likuran niya na ulit ang babaeng nakamaskara.
"P-paanong--" tumalikod siya at babarilin na sana ang babaeng nakamaskara pero wala na sa kamay niya ang baril. Ibinaling niya ang tingin sa babaeng nakamaskara, ngunit huli na ang lahat.
Nakatutok sa kanya ang kanina'y hawak- hawak niyang baril.
"Ikamusta mo na lang ako kay satanas"
Bang!
________________________________________________________
(A/n: hi mga gwapo at magaganda kong readers! Vote! Comment and like po kung nagustuhan niyo ang story! Thankies! )
BINABASA MO ANG
The Reaper's Lady
ActionA Legendary Assassin. A fearless Reaper. What if their mission is to kill each other? Will the mission be completed? Who will stand alive? Or will LOVE conquer it all?