FOUR

7 0 0
                                    

Tahimik na nakaupo si Sabrina habang nakatingin sa labas ng bintana. Habang ang iba niyang mga kaklase ay kung anu-ano ang ginagawa habang nagtuturo ang kanilang propesor sa harap.

Napahinto ang tingin niya ng may mataang lalaki na prenteng nakahiga sa punong nasa harap lang ng silid nila. Matangkad ito at nakapatong ang kamay sa mukha kaya di niya ito mamukhaan.

Unti-unting tinanggal ng lalaki ang kamay nito at napapakamot na napaupo sabay humikab. Napahinto ito nang mapansing nakatingin ito sa kanya, may maliit na ngiting sumilay sa labi ni Sabrina dahil di pa rin nito naisasarado ang bibig.

Napatikom na ng bibig ang lalaki at napapakamot ng ulong kumaway sa kanya. Tinitigan niya lang ito kaya napapahiyang ibinaba niya ang kamay at bumaba sa puno. Dahan-dahan itong naglakad paalis ngunit lumingon muna muli sa kanya saka nagpatuloy na.

"Rina, Rina! Wuy!"

Napatingin siya kay Lee na ngayon ay katabi na niya at nakangiting nakatingin sa kanya.

"Lunch naaa, sabay tayo kumain?"

"Mm"

Tumango siya saka tumayo na. Nauna namang lumabas si Lee at pasipol sipol pang hinintay siya sa labas.











"That's her all right"

"What? No way, mas maganda naman ako diyan eh"

"Bitch, I want to throw these can to her face"

"Pano niya naakit si Primo Theron? Ginayuma niya siguro"

Walang kibong kumain lang si Icelle habang pinag-uusapan siya ng mga ibang tao na nasa cafeteria. Gusto niyang tumutol sa nagsabing mas maganda daw siya sa kanya pero pinabayaan niya na lang. Everyone knows the whole truth.

What's ginayuma?

Sapagkuway isip niya. Gusto niya sanang tanungin si Lee na busyng kumakain pero wag na lang.

Whooosh!

Agad na napaubo si Lee ng may muntikan ng sumalpok sa mukha ni Sabrina. Isang can ng juice na hindi pa nabuksan ang ngayo'y hawak hawak ni niya. Ibinaba naman nito ang hawak at pinagpatuloy ang pagkain.

Nanlalaki lang ang mata ni Lee sa nangyari at muntik nang matawa nang buksan ni Sabrina ang can at uminom rito. Ghad, she's so cool.

Nagngingitngit naman sa galit at inis ang mga babaeng nasa may dulo ng cafeteria. Parang puputok na ang mga ito ng ininom pa ni Sabrina ang binato nila.


"Oh my heavens!, andito ang mga Primoo!"

"Oh gosh, Ellie, how do I look?"

"Primo Priaaaam!"

"Primo Theron, oh ghad!"

"Primo Lexus, so hot!"

"Primo Marcus!"

Kanya-kanyang tili ang mga kababaihan sa pagpasok ng apat na naggwagwapuhang lalaki. Nasa unahan sina Priam at Theron na seryoso ang mukha. Habang ang dalawang lalaking nakasunod sa kanila ay nakangiti naman.

Halos mabingi sina Sabrina sa tilian ng mga babae ngunit bigla itong nawala. Ipinagtaka niya ito kaya napatingin siya sa likuran kung saan may nagtitilian at napahinto ang tingin sa apat na lalaking nasa harapan nila.

"Can we sit here?"

Malamig at seryosong saad ni Theron ngunit malamlam na nakatingin kay Sabrina.

Di naman alam ni Lee ang gagawin at kinakabahang nakatingin kay Sabrina. Nakatutok lamang ang ngiti nito kay Theron at ganun rin ito sa kanya kaya mas lalong di niya alam kung anong gagawin sa nakabibinging katahimikan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Reaper's LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon