4 Days na kami kami ngayon ni jirus.
Kakayanin ko ba??
2 days left
Babalik ba kami sa dati??
Kung pwede lang lang sana ihinto ang oras ay ginawa ko na.
Kaso,Sadyang malupit lang talaga ang tadhana.
Pagkatapos nito ay hinding-hindi na ako ako aasa ulit.Hindi ko na pagpipilitan ang sarili ko.
Tama na nga ang emote na ito.
Magkikita pa man kami eh.
Kaso hindi na bilang GF-BF kundi bilang magkaibigan na.
BTW. nandito nga pala kami ni Jirus sa park nakahiga sa damuhan.Nagsta-stargazing.
At trip lang namin magpagabi.Wala lang ang sarap kasi ng simoy ng hangin dito sa park.
"Ang ganda ng langit no?"Basag nya sa katahimikan.
"Oo nga eh,Ang daming mga bituin oh.Ikaw Jirus kunwari star ka tapos bibigyan ka ng chance na may makasama pang isang star.Sino yun?"Sabay turo sa langit
"Hmmm...Secret"
"Psh.Sige na sino nga?"
"Ayaw ko."
Ang daya naman ...
Sino kaya yun?? Yung bang sinasabi nyan taong mahal nya??
Siguro nga sya yun.T___T.
"PSh. daya"
***5 minutes na katahimikan***
"Alam mo Ysa ikaw ang unang taong nakasama ko magstargazing ..."basag nya.
"Huh?Talaga?Wow! swerte ko pala"
"Yup!When I was a child I told myself that the first person na makasama ko magstargazing is the person na pahahalagahan at iingatan ko."
O___O
Teka diba ako yung Person na yun??
So.....
"Eh? ...ibig sabihin..."
"Oo tama ka,Ikaw nga Grabe no? di ko akalaing ikaw pala yung taong yun."
Hihihi ang swerte ko talaga.
I'm so glad na ako yung nakasama nya ngayon.
"So dapat pala pahalagahan at iingatan mo ako"
kapal ko ba?
yaan nyo na..minsanan lang to.^___^V
"kahit di mo sabihin,iingatan talaga kita."
"Anong sabi mo?"
May sinabi kasi sya eh...Kaso parang binulong lang nya.
Di masyadong Klaro.
"Ah..eh..wala! sabi ko,Eto oh jacket baka lamigin ka "
Sabay bigay sakin ng jacket.
How sweet *O*..
Sana ganito na lang sya palagi .
sinuot ko na yung jacket.
Ang lamig nga.
"Ah thanks"
Nakahawak sya sa kamay ko habang nakahiga kami sa damuhan.At nakatingin sa langit .
Ganun lang yung position namin.
Ng.
.
.
.
May Biglang nag FLASH??
Ng Camera??
pero imposible naman yun.kami lang dalawa ni Jirus dito.
Siguro kidlat lang yun.
Tumayo na si Jirus.
"(inalayan akong tumayo)Umuwi na tayo baka biglang Umulan"
Siguro nga kidlat lang yun.
May bagyo siguro.
"Sige"
paalis na kami ng
.
.
.
BOGSH! O__O
may lalaki galing sa likod ng mga halaman.
Natumba siguro pero bakit sya nandun?
"Sino ka?"tanong ni Jirus sa lalaki.
"Ah..eh...ah.."
Ba't parang kinakabahan sya? inaano ba sya ni Jirus?
tsk WEIRD.
May tinatago sya sa likod nya..
Ano kaya yun?
Habang nakatingin sya kay Jirus ay pasimple kong tinignan ang hawak nya sa likod.
At
Camera?
Baka sya yung..
Pero para san naman?
Baka nagkataon lang na may dala sya camera.
"Teka,Para san yang hawak mo?"
tanong ko naman sa kanya.
Kaya mas lalo pa syang kinabahan.
"Ah eh..."
"HOY!"
Bigla na lang syang tumakbo.
Hmmm Creepy..
Ba't sya natakot?
Nevermind.
"Jirus sino kaya yun?"
"Ewan ko.pero masama ang kutob ko.Ah wag mo na yun isipin..Halika na ,hatid na kita."
"Sige.Gabi nadin kasi"
******
Haay..
Maraming nangyari ngayong gabi.
Pero ito pa rin ako kinikilig eh pano ba naman ako yung taong iingatan ni Jirus.
Kahit ganun lang ang papel ko sa buhay nya eh.
Kontento na ako dun
.
sana matapos ang mga natirang araw namin na masaya.
sana walang sagabal saming natitirang araw bilang Bf-Gf.