Chapter 5
Tricia's POV
Pre occupied ako the whole time. Di ko alam kung ano ung dapat kung maramdaman.
Pag labas ko ng classroom Papalapit sakin si Kate..
" walang hiya ka .. bestfriend kita pero anong ginawa mo? pinagkatiwalaan kita.. "
Dinuro duro niya ako as if may ginawa ako sa kanyang masama..
" what are you saying?"
Nakataas ang kilay na baling ko sa kanya.
" Wag ka ng mag malinis.. Alam ko kung anong relasyon niyo ni Matt.. kala mo di ko malalaman? kaya ka pala lumayo dahil ako ang pinili ni Matt.. alam mo kung gano ko kamahal si Matt.."
Wtf at umiiyak pa siya ngaun.. ano to? Ako ba ang kontrabida dito?
*pak
Sinampal ko siya ng pagkalakas lakas.. halos matumba siya sa sampal ko..
I'm so furious right now.. i think i'm going to explode any moment from now.. ang kapal ng babaeng to..
"FYI may i remind you my dear EX bestfriend.. di ako ang nangagaw dito..
Ikaw..
6 years naming tinago ni Matt ang relasyon namin,di dahil may relasyon kayo, kung di dahil ayokong malaman sa school na ako ang gf niya..
Natakot ako na awayin ako ng mga fan girls nia..
Kahit masakit ginawa ko..
Di ako nanghingi ng tulong sayo na sabihin sa umaway sakin noon na ikaw ung gf ni Matt.. ikaw ang nagkusa.. dahil sa kaduwagan ko nun nawala siya sakin.. He fell inlove with you.. sa loob ng two weeks na pagpapanggap ninyo nagkainlovan kau ,. ambilis.. wala akong kaide ideya na ung pagpapanggap ninyo magiging totohanan na pala.. and now ang gusto mo palabasin ako ang nangagaw?
Ang kapal naman ng mukha mo.. umiwas ako sa inyo ni Matt dahil nasaktan ako.. 6 years kaming nagsama at tinapon niya un para sayo..
Ikaw na bestfriend ko? "
Tinalikuran ko siya.. masyadong masakit.
Naglakad na ko palayo sa kanya.. when someone grabbed my arms..
And hugged me..
Parang gumaan ang feeling ko sa yakap niyang yun..
And it all went black...