Pa-kiss nga! [Oneshot]

924 30 11
                                    

Pa-kiss nga! Muwaah!

A one-shot story written by MyMemoGirL

No part of this story may be reproduced or transmitted by any means. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events are completely coincidental.

Copyright © 2013 by MyMemoGirL Stories

  ALL RIGHTS RESERVED.

-----

"Bliss....I love you...." sabi niya sakin at unti-unti na nilalapit ang mukha niya. Hahalikan na niya ko. Matagal ko na pinapangarap to. Sa wakas, nagkakatotoo na!

"I love you too Ryan..." sinabi ko sa kanya at hinalikan na niya ko.

~Kriiiiiing kriiiiing~

Napatayo ako ng hindi oras sa upuan. Dismissal na pala. Ano ba yan. Nagpapantasya lang pala ako kanina?

Kabadtrep men.

Tumayo na ko at kinuha na ang mga gamit ko. Next time talaga aalamin ko na kung totoo o hindi para di na ko magmukhang tanga.

Cafeteria...

"Cheese sandwich nga po at Lasagna pati na rin po regular iced tea."  sabi ko pagkatapos ay binitbit na ang tray na pinaglalagyan ng mga inorder ko.

Umupo na ko dun sa may kalapit na table. Nakita ko si Ryan at nakita rin niya ko. Kinawayan niya lang ako at tinuloy na ang pagkukwentuhan nila ng mga kasama niya.

Akala niyo siguro stalker niya ko? Na hindi alam ng taong gusto ko ang existence ko? Well, you're wrong. Close friend ko si Ryan at ganun din ako sa kanya. Pero di niya alam na may gusto ako sa kanya. Ayoko umamin no! Pagkakaibigan na nga lang meron kami tapos mawawala pa? No way!

"Hi Bliss! Tabi ako sayo ah!" .......

"Hello? Bliss calling to Earth! Hello hello!" inisnap niya ang fingers niya sa harap ko kaya naman tinabing ko yon. Alam kong nandyan siya, ayaw ko lang pansinin.

"Mag-hello ka sakin! Nag-hello na ko sayo!" sabi niya.

"At bakit naman? Ayoko nga umalis ka sa paningin ko!" sagot ko naman.

"Eto naman ang sungit! Tinititigan mo nanaman siya no?"

"Ano ba pakielam mo? Selos ka?" sabi ko sa kanya.

Siya si Eejay, ang taong may makulit na lahi na di ko alam kung ilang beses pinanganak. Sinasabi niya na may gusto siya sakin pero ayaw ko maniwala. Bakit naman siya nagkagusto? Di ko nga siya kilala? Not literally na hindi ko kilala. Alam ko pangalan niya, gender niya, section niya, at existence niya. Pero di ko siya close. Yun lang.

"Oo selos ako!" tumayo naman siya at nag-walk-out. Ang drama nun.

Pa-kiss nga! [Oneshot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon