Mistaken Flower (short story)

65 3 10
                                    

All Rights Reserved!

Property of RyoAyane. ^_^

A/N: Sorry po if may mga typo o di kaya'y ungrammatical sentences. ^_^

I hope, you'll like this. :)

--------------------------------

Three years. Three years ko na siyang tinititigan, inaabangan at palagi kong binabanggit ang pangalan niya kahit about projects o kahit ano pa ang pinagu-usapan naming ng mga kaibigan ko. Rinding rindi na nga sila sa kasasabi ko sa pangalan niya eh. Pero anong magagawa nila, crush ko yung tao eh, syempre, babanggitin at babanggitin ko talaga ang pangalan niya. ^_^

"Oh, ano? Inaabangan na naman ang taong iyon?" pagpapabalik sa akin sa mundo ni Francis, ang baklush kong kaibigan. Nandidito na naman kasi ako sa may bintana namin at nakatingin sa baba, inaabangan ang pagdaan ni CRUSH.

"Medyo" ang tanging sagot ko lang sa kanya. Alam naman kasi nila yun eh lalo na ngayong araw.

"Medyo? Tsk. Ano ka ba naman kasi Francis, tinanong mo pa, eh ganyan naman yan lagi." tama, tama nga Janell. Mabuti ka pa, di nagpapakabobo. :D

"Eh, kasi naman sissy, nage-expect lang ako ng ibang sagot mula sa kaniya. Malay natin, natauhan na pala yang bruhang yan." sinasabi niya yan habang nakacross ang arms niyang parang nagtataray na nakatitig sa akin kahit si Janell naman ang kausap niya.

"Hayaan mo na. Ganyan ka naman pag may crush noh." pagtatanggol sa akin ni Janell.

"CRUSH?! Ghash, baklush, anong crush? Sa tingin mo, crush pa rin ang nararamdaman ng babaeng yan?" di makapaniwalang tanong ni Francis.

"Hoy, Francis ha, nakakarami ka na, kanina 'bruha' ngayon naman 'babae', may pangalan ako noh! At ano naman kung CRUSH nga, ano pa ba tawag dito ha?" kainis lang, tinatanong pa talaga niya. Bobo lang ba talaga 'tong friend ko?

"At hoy din, SHANE! Oh, masaya ka na?" mabuti't tinawag din ako sa pangalan ko.

"OO" diretsong sagot ko sa kanya.

"Anong crush ka diyan, LOVE, baklush! LOVE na 'yang nafefeel mo sa heart mo noh!" anong LOVE ang pinagsasabi nito, crush lang po noh.

"LOVE ka diyan, di noh. Ang layo kaya ng CRUSH sa LOVE kaya tumigil ka na nga diyan, France, kung ayaw mong stapleran ko yang bibig mo." sinimangutan ko siya at inirapan.

"Wow ha, talagang malayo. Duh, baklush, 3 years na noh! 3 years ka nang nagpapakatanga diyan sa Dark na yan. Di ka nga pinapansin eh." Ouch ha, pinamukha pa talaga niya. At paki mo kung 3 years na, ibig sabihin ba nun, magiging LOVE na kaagad. 'Wag na nga lang patulan 'to, ang ingay eh.

"O, di ka naka-imik. Kasi nga, alam mong di na yan CRUSH at LOVE na yan, right Janell?" oh, naghahanap pa talaga ng kakampi. Akala ata niya kakam-

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mistaken Flower (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon