Kilala si Karie (Karla Marie) sa pagiging tamad. Dahil wala ang professor sa isang subject nila, nagsi-ayaan ang mga barkada nila na kumain muna bago ang next class nila. Katamaran ang pinairal ng dalaga kaya nag-desisyon na lamang siyang mag-stay sa kanilang classroom.
She used her new earphone, binili niya sa SM nung 3-Days Sale. Marami rin silang natira sa classroom habang naghihintay ng sunod na klase. Hindi nag-tagal nagsi-datingan din ang ibang irregular students na kaklase nila.
Lucky me. Nakita kasi ni Karie ang kanyang crush papasok sa kanilang classroom. Kung kanina ay nababato na siya at nagsisisi na nag-paiwan sa mga kaibigan niya, ngayon ay hindi na. Dahil kumpleto na ang araw niya. Himala at maaga itong pumasok. Madalas kasi itong late at napapagalitan. Okay lang. Gwapo naman. Laging pag-depensa nito kay Luis, her crush. She doesn’t care of everyone who called Luis as the lazy-ass. Pareho naman kami e. Dahil hindi lamang ito gwapo, matalino ito. Kahit parating late sa mga klase mataas parin ang marka nito. Kaya kahit inis ang mga professor kay Luis ay hindi magawang maibagsak ang binata.
Gustong mapatalon ni Karie mula sa kanyang upuan ng mapansin na umupo sa tabi niya si Luis. Napansin ni Karie na parang may gusto itong sabihin, bubuka ang ibibig nito pero isasara muli. Kaya pinatay niya ang sounds pero hindi niya tinaggal ang pagkasabit nito sa kanyang tenga. Nagtatakang nilingon niya ito pero nginitian lamang siya nito saka lumingon muli sa harap. Nagkibit balikat na lamang siya at tinuon ang pansin sa mga kaklaseng naghaharutan sa unahan. Hindi na muli niya binalik ang tunog, gusto niya kasing pakinggan magsalita ito muli o kahit paghinga na lamang nito. Ayyy! Landi mo Karie.
Hindi naman nabigo ang dalaga, ilang minuto ang lumipas nagsalita muli ang binata. “Hmmm… Karie. Ano kasi---kasi…” hindi nito matuloy ang sinasabi kaya nilingon niya ito. Hindi ito nakatingin sa kanya bagkus nasa unahan parin ang mga mata nito. Nagtataka tuloy siya kung siya ba ang kinakausap nito. Pero sabi Karie e… Ako lang naman Karie rito. Tatanungin na sana niya ito pero muling nagsalita ito. “Paano ko ba sisimulan? He-he. Tinext kasi ako nila Hershey...” Si Hershey, isa sa mga pasaway niyang kaibigan. “She told me, nag-iisa ka rito. Kaya ito, naisipan kong pumasok ng maaga” Hindi makapaniwala si Karie, sinabi kaya ng mga kaibigan niya rito na crush niya ito? Oh no!
“Alam mo ba kung bakit ako parating late pumasok?” Siya parin ba kausap nito? Napakunot noo naman siya. Ano naman kinalaman niya doon? Pero mukang naririnig nito ang isip niya at sumagot na ito. “Gusto ko kasi mapansin mo ko. Mukang tanga nuh? Yun lang kasi naisip kong paraan para kahit unti makuha ko atensyon mo. Pero hindi lang atensyon mo nakuha ko, pati ng guidance councilor” saka ito mahinang tumawa. Pero siya ata ay namumula na. Ang haba ng hair ko! Nagpapansin sa akin si Luis!! Gusto sana niya sabihin na kahit hindi na ito magpapansin ay napapansin niya ito pero ayaw niya putulin ang kilig momentum niya. Hinayaan lamang niya magsalita ito.
“Atleast, when I entered the room late nakatingin ka sa akin. Matagal ko na kasing gusto makuha ang atensyon mo, unang beses pa lamang kitang nakita, nakuha mo na atensyon ko, pero paano ba ko magpapansin sa iyo? Lagi kayong magkakapulupot ng mga barkada mo, pero doon ko naman nakilala ni Hershey, ang napakadaldal mong kaibigan na nag-interview sa akin para sa school’s newspaper” dahil iyon sa pagkapanalo ng binata sa isang Quiz Bee. O diba! Sabi ko sa inyo matalino ang fafa ko e “Alam mo bang nakipag-bargain pa ko kay Hershey, malaman ko lang pangalan mo para pumayag akong magpa-interview sa kanya. Haha. Nakakainis! Bakit pagdating sa iyo ang torpe ko?”
Letse! Ako din naiinis. Bakit ang torpe mo? Crush mo din pala ako. Sagot niya sa kanyang isip.
“Alam mo bang hindi kita crush?” Parang gumuho ang mundo ni Karie sa sinabi nito. Kakasabi lamang nito na nagpapansin ito sa kanya tapos ngayon hindi na siya crush? Ano iyon? Hindi makatarungan iyan!
“Hindi rin kita type. Hindi rin kita gusto.” Natatawa pang sambit nito. Nang gigil na si Karie, nagpagdiskitahan na nitong pang gigilan ang wire ng kanyang earphone. Ang ulupong! Andaming sinabing nagpapakilig sa kanya, tapos biglang sasabihin hindi siya crush, hindi siya type o gusto man lamang.
“Pero mahal kita” Natigil ang pagngingit-ngit ni Karie sa sinabi nito sabay ng paglingon nito sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa, kanina pa pala siya nakatitig sa binata. Napansin kaya niya ito? Baka isipan. Baliw na baliw ako sa kanya.
Kaso, yun naman ang totoo. Kinikilig kana nga e. Sabat naman ng kanyang konsensya.
Unti unting ngumiti ang binata, siya naman ay nakatulala parin rito. “Pwede ba kitang maging girlfriend?” Tumalon na ata ang puso niya. Kinikilig siya. Ang bilis ng tibok ng puso niya, hindi niya alam baka naririnig na rin ito ng binata.
Pero kasabay ng malakas na tibok ng puso niya ang malakas na tugtog na lumalabas mula sa kanyang earphone. Sa sobrang kilig pala niya, ay ang button na nakasabit sa earphone ang kanyang napagdiskitahan. On button pala ito para sa music.
“Awww” malakas na angil niya ng tanggalin ang earphone sa kanyang tenga.
“Karie?” tawag sa kanya ni Luis, sobrang ganda tuloy sa kanyang pandinig ng pangalan niya.
“Ha?” balik tanong niya, mula sa kawalan. Nangagarap parin kasi siya e, maganda kasi sa kanyang pandinig ang pagtawag nito sa kanyang pangalan. Pang diyosa ata ang mabantot kong nickname…
Nangangarap pa siya nang kunin bigla ng binata ang isa sa mga earphone at sinuksok sa tenga nito. Nakakunot noong binalik nito sa kanya ang earphone habang umiiling. Disappointment plasters to his face. What?
“Ah… Luis--” tatanungin na sana niya ito kung seryoso ito sa mga sinabi kanina ng pigilan siya nito mag-salita.
“It’s fine, Karie. Alam kong hindi mo naitindihan. Sorry sa istorbo” saka ito tumayo at lumabas ng classroom. Sinundan lamang ito ng tingin ni Karie hanggang makalabas ng classroom. What the heck? Akala nito ay hindi niya narinig ang mga sinabi nito?
Bigla naman nagsidatingan ang mga kaibigan niya at lumapit sa kanya.
“Ano gurl? Bakit ka nakatulala?” nagtatakang tanong ni Pearl sa kanya. Bigla namang dumikit si Hershey sa kanya. Ngiting ngiti ito.
“Umamin na ba si Luis? Kayo na?” kinikilig na tanong nito. Tumingin siya kay Hershey at eksaheradang sinimangutan ito. Tinaasan siya ng kilay nito.
“BWISIT NA EARPHONE YAN! PANIRA NG LOVELIFE!”
BINABASA MO ANG
Earphone ♥ (One Shot)
KurzgeschichtenEarphone - Ang buhay pag-ibig ni Karie sa Earphone.