"There's always be that first true love. The one that never really worked out, but you kept your hopes up too much. The one who got away, the one who taught you all you need about love. And the one that until now, is till the one you look back whenever you try to love again." from strawberrytelle
Tanong ko?
Nung nabasa mo yung quotes sa taas?
Sino ba yung pumaspk sa isip mo?
SINO BA SIYA?
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
SINO SIYA?
Sino siya? Siya lang naman yung lalakeng unang nagpatibok ng puso ko. Ang kauna-unahang lalakeng nagpalambot ng matigas kong puso. Siya yung lalakeng hindi ko aakalaing maiinlove ako. Siya yung lalakeng, akala ko nasa libro lang, sa fairytales, sa wattpad. Hindi ko akalaing totoo pala ito.
SINO SIYA?
Siya yung lalakeng, unang napansin mo sa klase dahil sa sobrang ingay. Siya yung kaklase mong sobrang papansin sa teacher pero may hindi mo alam na kahit ganun siya eh honor student pala. Siya yung lalakeng naka-upo malapit sa water dispenser, at hinaharangan ka tuwing kukuha ka ng tubig. Siya yung lalakeng kinaiinisan mo sa buong klase. At dahil bagong lipat ka sa 1st Section, lagi ka niyang pinagtitripan. Wala ka pa masyadong group of friends aside sa pinsan mong lalake, pero hindi ka rin nakakasabay sa kanya dahil magkaibigan sila nung lalakeng kinaiinisan mo.
SINO SIYA?
Siya yung lalakeng tinatago yung sapatos mo tuwing PE, at nung isinauli na sa iyo bigla mo siyang hinampas ng malakas. Siya yung unang taong pinagmura mo, sinabihan ng masasakit na salita. Pero, kahit na ganoon na ang nangyari, patuloy ka pa rin niyang iniinis.
Siya yung lalakeng pinapalakpakan ka tuwing magrereport ka sa gitna ng klase, yung tumutulong na maglinis sayo ng classroom kahit hindi naman siya ang nakaassign na cleaners sa araw na iyon. Siya yung lalakeng, nagpahiram sayo ng pulang sintas ng sapatos nung PE ninyo, at siya yung nag-abang sa finish line para makita kang tumakbo.
SINO SIYA?
Siya yung lalakeng naging malapit sayo. Siya yung lalakeng tumutulong sa pagawa ng homework mo, at dahil sa kanya nasali ka sa barkada nila. Naging malapit ka sa mga babaeng kabarkada niya, at hindi nagtagal lumalim ang samahan ninyong magkaibigan.
SINO SIYA?
Siya yung lalakeng hinanap mo sa class list nung 2nd year, at tinitingnan kung magkaklase pa rin kayo. Siya yung lalakeng, tinawag ka at niyakap sa sobrang tuwa dahil magkaklase pa rin kayo. Siya yung lalakeng nililibre ka ng hotcake tuwing recess at tumatambay sa swing set sa harap ng room. Siya yung lalakeng kinakantahan ka tuwing hindi ka masaya, at siya yung lalakeng sumagip sayo nung muntik ka ng tamaan ng bola.
![](https://img.wattpad.com/cover/8967419-288-k739317.jpg)
BINABASA MO ANG
Sino siya? (one-shot)
RomanceThere's always be that first true love. The one that never really worked out, but you kept your hopes up too much. The one who got away, the one who taught you all you need about love. And the one that until now, is till the one you look back when...