Ayesha's POVHello there! Im Ayesha Grands, only daughter ako. Maganda ako yan tandaan nyo. Just kidding.
"Aye! Nakita mo ba laptop ko? Mag-you-youtube ako." tanong nya sakin. Aba't sakin pa hinanap.
"Hoy babaysot! FYI lang po wala sakin yung hinahanap mo noh." pang-aaway ko sa kanya. Di naman talagang away, parang biruan lang yun.
"Ay josko nget! Manunuod ako ng new song ni idol kooo!! Nasan na kaseeee..." nagpuppy eyes sya. Walang talab sakin yan at tsaka isa pa wala naman talaga sakin hinahanap nya.
"Bakit ba ako na lang lagi? Lagi na lang ako ang nakikita nyo?" sabi ko.
"Ay??? Di naman laging ikaw ah.. OA lang hah?" pang-iinis nya sakin.
"Hay nako nget wala nga kasi sakin! Pag ako nag-wild dito patay ka." pang-wawarning ko sa kanya.
"Eto na nga nget. Titigil na! Pero.... baka nasayo?" tapos tumakbo sya sa kwarto nya kaya hinabol ko sya.
Sya nga pala si Trixy Valducci. Ang bestfriend kong sutil, mapambara at BURARA. Mabait din yan. Pag tulog. Pero mabait talaga yan. Thats all.
Pagdating namin sa kwarto nya. Ay jusko!
"Humaygad Trixy!!! Anong--"
"Grabe ka naman! Napaka-OA mo na talaga. Konti lang yan. Hinalwat ko kasi nga gawa sa laptop ko diba?" pagputol nya sa sasabihin ko.
Ahh? Konti lang pala? Kaya pala may nakakalat na bote ng pabango, may nakakalat na damit, nakakalat na sapatos nya tapos yung ibang accessories nya nasa kama, nasa sahig kung saan saan pa.
"OA na kung ganon! Eh totoo naman kasing ang kalat ng kwarto mo." pang-iinsulto ko sa kanya.
"Basta tumigil ka na nga dyan! Tulungan mo akong maghanap. Daliii!" hinila-hila nya ako pero bago pa ako makapalag may bigla nalang sumigaw sa may pinto ng kwarto ni Trixy.
"What the? What happened here? Para namang binayo ni Yolanda toh ah!" ay patay nandito na sya.
"At tsaka pwede please? Can you low down your voice mga panget? Im reading..." *turo kay libro*
Oo kita naman naming may dala sya.. -_- Itataas nya pa? Sa twing pupunta naman kami sa bahay nila Trixy libro agad hinahanap nyan. Kaya di na kami magtataka pa.
"ALAM NAMIN YONN!!" sabay naming sinagot ni Trixy si Madame Strikta.
Si Madame Strikta is Jewel Hao. Bookworm, intelligent, tawag ko nga strikta so strikta sya, seryoso at active.
"Oh? Alam nyo naman na pala eh. Bakit--"
"Kasi nga hinahanap namin yung laptop ko! Ene be?! Try mo kayang tumulong nget?" ayan yari na. Ayaw pa namang pinuputol ng kung sino pa man ang sasabihin ni Jewel.
BINABASA MO ANG
Cresent University: Teen Clash [Boys Vs. Girls] |in or out|
Teen FictionPaano kung sa isang school puno ng mga war freaks? Classmates, schoolmates, lahat sila war freaks. Kebago-bago, inaapi, pinapahirapan at kadalasan pinapahiya sa madla. What will you do? Magtitimpi ka na lang ba sa isang tabi o reresbak ka dahil sa...