Chapter 2

96 14 6
                                    


Pasensiya na ho sa pagong na paguupdate ni Author! Hehehehe! Peace!

Enjoy reading!

-------------

Azaria Point of View

Two years ago......

"Babe, kalian ulit tayo pupunta sa Tagaytay?" magiliw na tanong ko rito. Nginitian niya muna ako bago sinagot ang aking tanong. "Babe, di na tayo pupunta doon. Sa ibang mas magandang lugar pa tayo pupunta. Yung hindi mo, natin na pupuntahan."

Bigla naman akong nakaramdam ng excitement sa sinabi niya. "Talaga? Yung maraming puno tapos mayroong puting buhangin at kulay asul na dagat?" excited kong tanong sa kanya at nakangiting tumango naman siya. Sa sobrang saya ko ay hindi ko na napigilang mapayakap sa kanya.

"Sa ngayon matulog ka muna at sa mga susunod na araw ay pagplaplanuhan natin iyan, okay ba yon?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako at sinabi sa kanya, "Wag kang aalis sa tabi ko ah?" parang batang pakiusap ko pa sa kanya at tumango naman ito.

Humalik muna ako sa kanya sa labi bago pwumesto para matulog. Nang ako'y nahiga ay hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

------------

"Kuya. Kasalanan ko to eh. Hindi naman magiging ganyan si ate kung hindi dahil sa kagagawan ko eh." isang tinig ng babae ang narinig ko na nagpagising sa diwa ko. Ngunit hindi ko pa minumulat ang aking mga mata.

"Sinabi ko na sayo, hindi mo kasalanan yon diba? Tinig ng isang lalaki. Base sa paguusap nila parang mayroong silang pinagtatalunan.

"Hindi naman mangyayari to kung sana...." Naputol ang tinig ng babae at nakarinig na ako ng mahihinang hikbi.

"Wag ka ng umiyak. Magigising mo pa siya." Nag-aalo ngunit naguutos ang pagkakasabi ng lalaki. Naging tahimik ang paligid kaya dahan-dahan kong minulat ang aking mata.

"Good morning!" maligayang bati sa akin ni Kuya. Nginitian ko naman siya at binati na rin ng magandang umaga. Napatingin naman ako sa bunso naming kapatid na babae at nginitian siya. Nabakasan ko ang pagkagulat niya sa bigla kong pagngiti sa kanya ngunit pilit niya itong hindi ipakita sa akin at nginitian rin ako.

"Nakahanda na ang breakfast. Bumababa ka na." naguutos na sabi sa akin ni Kuya kaya tumango na lamang ako bilang tugon sa kanya. Umalis na rin sila pagkatapos niyang sabihin iyon. Kaya nagsimula na akong kumilos dahil ayaw sa lahat ni Kuya ang pinagaantay ang pagkain na nakahanda sa hapagkainan. Sinimulan ko na ang mga morning routines ko

Third Person Point of View

Naguusap-usap ang magkakapatid ng bumaba si Azaria mula sa kanyang kuwarto. Lingid sa kaalaman ng magkakapatid na naririnig na ng isa pa nilang kapatid ang pinaguusapan nila.

"Kuya, paano natin sasabihin yon?" tanong ng nakakabata

"Alam natin na mahirap sabihin yon dahil baka mas lalong lumala ang mga nangyayari sa kanya." Aniya ng pangalawa sa magkakapatid.

"Humanap nalang tayo ng tyempo para sabihin sa kanya. Wag natin siyang biglain dahil makakasama yon." Sabi ng pinamatanda sa magkakapatid at tumahimik silang lahat ng marinig nila ang maligayang boses ng kanilang kapatid.

"Good morning!!!" masigla at maligayang bati sa kanila nito. Nginitian nila ito. Pilit nilang hindi pinapahalata ang awa at sakit dahil sa nararanasan nito na lingid sa kaalaman niya. Napansin nito ang pagiging tahimik nila habang kumakain na minsan lamang mangyari. Napansin niya ang pananahimik ng mga ito at pagiging seryoso na pinagtataka niya.

Nang mahalata ng nakakatandang kapatid ang pagtataka sa mga mata ng kapatid ay nagisip ito ng mapaguusapan para mawala ang pagtataka nito. Naintidihan naman nila ang gusting iparating ng kanilang Kuya kaagad-agad silang umayos at nakisabay sa piniling pinaguusapan. Matapos nilang kumain ay tulong-tulong nilang inayos ang mga ginamit sa pagkain. Kahit sila'y mayaman, pinili nilang sila ang magliligpit ng mga pinagkainan at ang mga katulong nila nalamang ang naglilinis ng bahay at taga pagsilbi sa tuwing mayroong bumibisita sa kanilang bahay nilang tawagin lamang ngunit mala-mansyon ang datingan.

Naunang umakyat ang magandang dilag habang sila ay tumambay muna sa garden nila para pag-isipan kung paano nila ito sasabihin. Tahimik lamang silang lahat sa hardin halatang malalim ang pinagiisipan. Ilang minuto pa ang lumipas ng magsalita na ang pinamatanda sa magkakapatid. Inutusan ni Van kay Kaithlyn na siya ang magsabi sa kanyang Ate ang totoong nangyari.

"Of all the people bro, Why me!?" gulat na sabi nito habang nakaturo pa sa kanyang sarili.

"So, ako ang dapat gumawa? Ganoon ba yon Kaithlyn?" seryosong pagbabalik tanong sa kanya ng kanyang Kuya habang nakataas pa ang kilay. Napabuntong hininga ang bunso sa sinabi ng kanyang Kuya.

"Kuya! Pwede naman si Kuya Deus! Pero bat ako? Bro, alam mo kung ano meron sa amin ni Ate Krish!"

"Sinabi ko na sayong hindi mo nga kasalanan ang mga nangyayari ngayon! Wala kang kinalaman dito! Katulad ni Krish biktima ka lang!"

"Still Kuya! Paano ko sasabihin sa kanya yon!? Paano ko ieexplain sa kanya yung sitwasyon!? Sige nga Kuya paano!"

"Pwede ba kumalma kayong dalawa!? Masyado niyong pinapairal yang init ng ulo ninyo!" sabat naman ng pangalawa sa magkakapatid na si Deus.

"Eto ang suggestion ko! Si bunso ang magsasabi pero tayo ang mag-ieexplain sa kanya kung ano ang nangyayari, okay?" aniya ni Deus na sinangayunan naman ng dalawa.

Pumunta silang lahat sa kuwarto ni Azaria ng makita nila itong may kausap at halatang tuwang-tuwa sa kausap niya. Nakaramdam sila ng galit. Galit dahil sa taong may totoong kasalanan kung bakit lahat ito ay nangyayari sa kanilang pamilya. Unti-unti silang pumasok sa kuwarto nito. Nang mapansin ni Azaria ang pagpasok ng kanyang mga kapatid ay nginitian naman niya kaagad ito.

"Anong ginagawa mo Krish? Mukhang ang saya natin ah!" tanong ni Deus sa kanyang kapatid na babae.

"Ah. Kasi kuya nag-plaplano kami ni Babe kung saan kami pupunta ngayong nalalapit na anniversary namin. Okay lang naman sa inyo diba?" masayang pagtatanong ni Krish sa kanila. Naiilang ang pagngiti at pagtango ng dalawang nakakatanda habang ang bunso ay nakatungo at hindi malaman ang gagawin.

"Talaga!? Ano ang plano niyong puntahan? Tinawagan ka ba niya tungkol sa mga plano para sa anniversary niyo?" Pinipilit pinapasaya ang tono ng boses ni Van ngunit sa loob-loob ng kanyang kalooban naawa na ito sa kapatid niya na walang kamalay-malay sa mga nangyayari.

"Nandito siya! Sinamahan niya rin akong matulog kagabi! Napagusapan naming sa Norway kami pupunta. May nakita kasi kami through internet na magaganda yung tourist spots doon although maganda rin dito sa Pilipinas gusto pa rin naming itry sa ibang bansa." Masayang sabi ulit nito na parang mapupunit na ang labi sa sobrang pagngiti.

"Ate..." tawag pansin sa kanya ni Kaitlhyn sa kanyang Ate. Tiningnan naman kaagad siya ni Krish na may ngiti sa kanyang labi. Napuno ng awa, galit at sakit ang kalooban niya. Awa para sa kanyang Ate. Galit para sa totoong may sala. At sakit para sa kanilang pamilya. "May gusto sana kaming sabihin sayo nila Kuya..." pagpapatuloy nito , ngunit pilit na pinapalakas ang loob dahil pakiramdam nito na kaunti na lamang ay papatak na ang mga nagbabadyang luha.

"Ano yon Kaith? May problema ba? Kuya?" nagtataka ngunit nakangiti pa ring pagtatanong nito. Napuno ng katahimikan ang kuwarto nito dahil sa katahimikan ng mga kapatid. Unti-unting napawi ang ngiti sa kanyang labi ng walang sumagot sa kanyang tanong.

"Krish..." panimula ni Van. Tumingin naman sa kanya si Krish na mayroong pagtataka sa kanyang mga mata ngunit blangko ang kanyang mukha. "Krish you're just....."

"No! No Kuya! Hindi totoo yang mga pinagsasabi ninyo!"





Between You and I (On-Going)Where stories live. Discover now