Chapter 1: Undefine

3 0 0
                                    

Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao na hindi pwedeng maging kayo?
Kung "oo" well, parehas pala tayo.
Ako kase nagustuhan ko siya. Gustong gusto ko. Kaso hindi pwedeng maging kami kase hindi niya ako gusto.

Nung una okey na sana ang lahat. Kaso nagbago nung nagkagusto na ako sa kanya.
Nagbago nung nalaman niya yung totoo kong nadarama.

..

Ako si Kurtney Tan. College student, 18 years old. my course is Bachelor of Science in Information Technology (BSIT). Actually, masaya naman ako eh. Maayos ang buhay ko. Masaya ako sa boyfriend ko. Im deeply inlove with him. Pero bakit nga ba naging magulo? Ah! Dahil sa isang babae. Yup, SHE is Jaylyn Tagle. Tropa kami. Nakakainis lang kase sa sobrang close namin nafall ako sa kanya.

Yes. Im a bisexual. Oh, sandali hindi ibigsabihin nun ee tomboy ako. Magkaiba ang tomboy sa bisexual. Search niyo nalang kung bakit.

Sa ngayon sobrang gulo. Alam mo yung puntong pinipigilan mong mahulog sa kanya kase may boyfriend ka pero hindi mo magawa kase hindi mo maintindihan kung paano lumalalim yung nararamdaman mo para sa kanya.

Gusto kong umamin. Gusto kong sabihin yung totoo. Kaso natatakot ako.. Natatakot akong baka pagnalaman niya layuan niya ako. Pagnalaman niya magalit siya sakin. Natatakot ako baka kalimutan niya na kahit minsan naging magkaibigan kami. At kahit minsan naging totoo ako sa kanya.

Kaya bago ko gawin yung balak ko. Nagtanong-tanong muna ako sa iba kung ano ba ang dapat kong gawin. At isa na doon si Ligaya.

"Ligaya.."
"Hmm.. bakit?"
"May itatanong sana ako.."
"Ano yun?"
"Hindi ko na kase maintindihan yung nararamdaman ko.. Paano ako aamin sa kanya? Lalo kase lumalamin eh"
"Alam mo ganyan talaga yan si Jaylyn, clingy talaga yan"
"Oo nga nandun na tayo pero respeto naman sa feels ko di ba?"
"Aminin mo na sa kanya para wala nang problema"

Tama siya.. Ang mahalaga alam niya. Aamin na ako pero tsempo muna ako para sabihin sa kanya. Pero paano kaya..

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

COMPLICATEDWhere stories live. Discover now