Hindi naman tayo ganun kaclose kasi napakatahimik mo. Hindi tulad ng iba pa nating mga kaklase na lalaki, daig pa ang mga babae sa kaingayan. O... siguro, laconic ka lang talaga, tulad ng tunay na lalaki.
Nagkitakita tayo noon sa mall.para manuod ng movie. Bagong labas eh atsaka bonding narin para mas maging close ang klase.
Tayo ang magkatabi sa sinehan. Kasi naman, matakaw ka pala sa popcorn. Pasalamat na lang large yung binili ko.
Dun tayo naging close. Kaya naman tandang tanda ko pa yon.
Ayoko mang aminin pero nung time kasi na yon, parang .... tayo.
Well, yun kasi yung gusto kong mangyari pag nagkabf ako. Hihihi. NBSB to noh. ;)
Share nun tayo sa popcorn. Si Perez kasi matakaw din sa popcorn kaya nakipagpalit siya sakin ng upuan. Inuubusan mo daw kasi siya.
Kaya yon, kain lang tayo ng kain. Tapos kwento kwento.
Hindi ka lang pala pogi, masarap ka ding kausap.
Bakit kaya super tahimik mo?
After nun, lagi na tayong magkausap. Ewan ko ba pero, kahit saan kasi tayo ilipat ng upuan, lagi na lang tayo magkatabi.
Siguro iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit nahulog ako sayo.
Masisisi mo ba ko kung napakabait mo?
Intrams na natin.
Eto ako, asa quarters. Nanonood ng mga naglalaro ng volleyball.
Bigla ka namang dumating kasama si Jerry at tumabi sakin.
"Grabe. Ang init init kaya, nakajacket kapa?"
Tanong ko. Lagi ka kasing nakajacket eh. Okay lang naman yun kaso super init kaya ngaun.
Hiniram ko kay Steph yung pamaypay niya.
Inabot mo kaso imbes na ibigay sakin, pinaypayan mo ang sarili mo.
"Daya neto! Ako ang humiram eh!"
Tumawa ka lang at pinagpatuloy ang pagpaypay mo.
Hindi na lang kita pinakelman, crush naman kita eh. Hihihi. :">
Maya-maya, hindi ko na nararamdaman ang init.
Yun pala, ang pagpaypay mo, abot sakin.
O///O
"Geh! Ipagpatuloy mo lang yan."
Yan na lang ang sinabi ko. Baka kasi mahalata mo.
Pinapaypayan mo ba talaga ako
Assuming lang talaga ako?