CHAP 3

11 1 0
                                    

III

Chief Inspector Ricardo Chavez

"Anong pangalan mo hija?" tanong ko sa batang babaeng isa sa mga nahuli ko kanina sa operasyon. May kulay brown itong buhok. Yung lalaki naman ay nasa kabilang silid.

"Hija anong pangalan mo?" Ulit ko dahil hindi ito sumasagot at nanatiling nakatingin lang sa akin.

"Di ba ikukulong nyo ako? Di ba? Just do it para makalayo na ako sa kanya," sagot nito sa malamig na tinig. Nanatiling diretso ang tingin nito sakin.

Medyo natigilan ako sa sagot nito. Mukhang may lead na kung sino ang leader ng drug group na nahuli namin kanina. Kailangan ko lang ng tulong ng batang to.

Tinanong ko ulit ang pangalan nya.

"Tss!" rinig ko dito.

"Kailangan namin ang pangalan mo hija para makilala ka namin. Maaari ka naming tulungan. Wala ka bang pangalan?"

"Ace," sagot nito ng hindi nakatingin sakin.

"Ace?"

"Ace Arquiza, 15."

Tiningnan ko ulit ito. Masyado pa syang bata para masangkot sa ganitong gawain. Payat na katawan at maitim ang palibot ng mata na parang walang oras matulog. Sa itsura nya ang mukhang nahihirapan na sya pero walang ipinapakita ang mata nya. Wala ni isang emosyong nilalabas.

"Sinong mga magulang mo hija? Bakit napasok ka sa ganitong gawain?" mahinahong tanong ko dito.Napansin ang hindi komportableng pagayos nito sa pagkakaupo nya.

"W-wala. Hindi ko sila kilala," sagot nito ng nakayuko. Napansin ko rin ang pagkuyom ng payat at maputla nitong kamay.

"At paano ka napasok dito? Sinong nagpapasok sayo?" Ulit ko sa huling tanong ko sa kanya kanina dahil hindi nya ito sinagot.

"Si Tanda," napansin kong mas kumuyom ang mga palad nito. Nagulat ako ng tumayo at nilapitan ako nito.

"SI TANDA! HUHULIHIN NYO SYA DIBA? HULIHIN NYO SI TANDA!" halos nahirapan akong itayo ito sa pagkakaluhod nito sa harapan ko habang sinisigaw iyon. Ngayon may idea na ako kung sino ang pinuno ng sindikatong ito. Matagal tagal na rin naming iniimbistigahan ang kaso pero nahirapan kami dahil matinik ang mga ito.

Ibinalik ko sa pagkakaupo ang batang babae at pinilit na huminahon.

"Hija huhulihin namin sya at para mahuli sya, kailangan namin ng tulong mo. Sasabihin mo lang kung saan sya nakatira at kung sino sya okay? Calm down first. Mr. Dalisay paabot ng tubig."

Ng kumalma na sya ay nakausap na namin sya ng maayos.

"Nasaan si Glenn?" Tanong nito na ang sa tingin kong tinutukoy ay ang kasamahan nyang batang lalaki.

"Nasa kabila lang sya. Pwede mo syang makita pa maayos ka na."

Pagkatapos ay pinagpahinga muna namin ito at naghanda na kami para sa gagawing operasyon.

Nung gabing iyon ay nahuli rin namin ang sinasabi nyang 'Tanda' na muntikan ng makatakas dahil ng maabutan namin ito ay papasakay na sa chopper. Nakakulong na ito maging ang iba nitong mga tauhan. Ang batang si Ace naman ay nanatili sa hospital dahil sa mahinang pangangatawan nito. Pagkalabas nito ay dineretso na namin ito sa pagpapacounseling. Hanga na ako dito dahil sa murang edad ay nakaya nya ang ganoong klase ng pamumuhay na ano mang oras ay maaari nyang ikamatay.

Paalis ako ngayon sa opisina dahil may bagay lang akong kailangan asikasuhin. Wala ng pamilya si Ace at masyado pa syang bata para ikulong. Wala rin naman syang kasalan dahil nalaman namin na tinakot lang sya at dahil na rin siguro na ito na lang ang natitira nyang kaanak.

Gusto ko syang tulungan. Wala pa rin naman akong anak kaya balak ko syang kunin. Balak ko syang ampunin.

(After 2 years)

Ace

"WESTSCOTT UNIVERSITY?"

Napasigaw ako dahil hindi ako makapaniwala na doon ko kailangan magtago. Nakaupo kami ngayon sa opisina ni Tito Joel kaharap ang ina at ama nito na sila Lola Veina at Lolo Gerry. Naguusap tungkol sa kaligtasan namin. Tungkol sa kaligtasan ko.

Isang taon na ang nakalipas nung nahuli ako at nakalaya sa kamay ni Tanda. Fifteen pa lang ako noon at ngayon ay nasa high-school na ako. Matagal na rin pala ako dito sa bahay nila Tito Joel kasama sila Lolo Veina at Lolo Gerry. Hindi ko akalaing makakakilala ulit ako ng bagong pamilya.

Matapos malutas ang kaso noon at mahuli sila Tanda ay inampon ako nila Tito Joel at dito nya na ako pinatira sa kanila kasama sila Lola na nagalaga sa akin. Naging maayos muling ang pamumuhay ko at laking pasasalamat ko dahil muli akong pinagkalooban ng pamilya na pamilya talaga ang trato sa akin kahit hindi ko sila kadugo. Simple lang ang pamumuhay ng mga Chavez at wala pa palang anak si Tito Joel dahil hindi pa sila kasal ni Tita Maris, ang girlfriend nya. Pero masasabi kong may kaya sila. May business na hinahawakan ang matandang magasawa at police naman si Tito Joel. Napagpatuloy ko rin ang pagaaral ko pero mukhang mahihinto ulit. Mukhang magugulo ulit.

"P-paano po sya nakatakas?" tanong ko kay Tito Joel.

"Nalaman namin na hindi nahuli lahat ng myembro ng sindikato at sa tingin ko ang mga ito ang tumulong kay Mr. Lao na makatakas."

Kapatid ni Daddy sa labas si Mr. Lao. anak sya ni Lola sa iba kay iba ang lastname nya sa amin na ipinagtaka ko dito. Nito ko lang din nalaman ang impormasyon na yon.

At dahil nga nakatakas ito ay delikado rin ang buhay ko. Sinabi ni Tito Joel na may posibilidad na balikan ako nito. Galit na galit daw ito at ako ang sinisisi sa pagkakakulong nya. Hindi naman to problema sakin dahil kaya kong protektahan ang sarili ko laban sa kanila. Sila Lolo at Lola ang pinagaalala ko. Hindi sila pwedeng madamay rito kaya gagawin ko lahat para sa kaligtasan nila dahil sila na ang bago kong pamilya.

"Pero bakit sa all boys school pa tito?" Tanong ko dito pero may ideya na ako kung bakit ito ang napili nya. Gusto ko lang marinig ang sa kanya.

At tulad nga ng nasa isip ko, iyon din ang kay tito. Kapag sa ganoong klase ng eskwelahan ako pumasok siguradong hindi nila iisiping nandoon ako. Panlalaki lang ito at babae ako. Makakapagtago na ako sa kanila, makakapagaral pa ako. Ang mahirap lang na parte ay kailangan kong magpanggap na lalaki. Kaya ko ba? Tss. Bahala na nga.

Tumingin ako sa aparador na malaki sa kwarto na may salamin at hinawakan ang buhok kong mahaba. Mukhang kailangan ko ng magpaalam sayo a.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

No OrdinaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon