CHAPTER 1

4 0 0
                                    

NICOMAINE's POV:

"WHAAAAAAAAAAAAAT?! BREAK NA KAYO NI... NI JAKE?!" Nakakabinging sigaw ni Janeeva na umalingawngaw sa buong gym dahilan para mapatingin sa amin ang mga tao. Tumigil ako sa pagt-treadmill at hinarap siya.

"And so?" Nakapameywang kong tanong.

"Anong 'and so so' ka diyan? Sapak gusto mo?" Balik niyang tanong habang pinapakita sa akin ang kanyang kamao na may suot na Hand Wraps. Kakagaling niya lang kasi sa pagbo-boxing kaya ganon.

"Teka nga! Sino bang Jake ang tinutukoy niyo?" Singit naman ni Lyka sabay inom ng gatorade.

"Oo nga! Yung Jake Montecillo ba? O si Antonio Jake Caparas? Yun lang kasi ang kilala kong mga ex ni Meng na may 'Jake' sa pangalan eh." Hindi ring mapigilang tanong ni Ann. Seriously? Bakit inuulan nila ako ng tanong ngayon? At saka, may naging boyfriend pala ako na Antonio Jake Caparas ang pangalan? Hindi ko na natatandaan. Psh.

"None of the above, Ann." Napatingin kaming lahat kay Aizel ng siya na ang sumagot sa tanong ni Ann. "Nasaang lupalop ba kayo ng pluto at hindi niyo kilala ang BAGONG boyfriend, I mean, BAGONG ex-boyfriend nitong si Nicomaine? Ha?" Inirapan ko si Aizel ng tumingin siya sa akin habang madiing sinasabi yung salita 'Bago'. Ngumisi siya.

Tss. Natawa naman daw ako doon sa word niyang 'Bago'. Parang pinamumukha lang niya sa akin na oras-oras, minu-minuto, eh, bago ang boyfriend ko. Sira-ulo talaga.

"Oh, edi, sino nga?"

"Si Jake... Jake Ejercito."

"Ahh. Si Jake Ejercito lang pala eh--- WHAAAAAAAAT?! SI JAKE EJERCITO?!" Gulat at malakas na sigaw nila Ann at Lyka, kaya sa pangalawang pagkakataon ay napatingin na naman sa amin ang mga iritado ng tao. Napayuko ako. Pero hindi dahil sa guilt na nakipag-break ako, ha? Kundi dahil sa hiya. Urgh! Kung alam ko lang na mage-eskandalo sila dito sa gym, edi sana, doon ko sila dinala sa lugar na puro rally. Tsk! Nakakahiya talaga silang kasama.


"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"


Napatingala ako at saka isa-isa silang tinignang apat na ngayon ay humahagalpak na sa tawa. O-kay? What the hell's funny? Meron bang nakakatawa? Ay! Oo nga pala! Takas nga pala sila sa Mental 😑

"Hey! Anong nakakatawa?" Nakakunot-noo kong tanong sa kanila.

"IKAW! WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" Sabay-sabay nilang sagot at saka tumawa muli ng pagkalakas-lakas. Napapailing kong inilibot ang aking mga mata sa kabuoan ng gym at napagtantong pinagtitinginan na NAMAN kami. Awkward akong ngumiti sa mga nakatingin sa amin at lumayo na sa apat na yun. Dumiretso ako sa Locker Room ng mga Girls at kinuha ang aking towel. Sunod kong tinungo ang shower area at pumasok sa isang bakanteng cubicle doon para magsimula ng maligo.

Habang nagsha-shampoo ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto na sinundan ng malalakas na tawanan ng aking mga kaibigan. Jusme! Ano bang tinatawa-tawa nila? Tsk!

"Menggay! Wer na u? Ditey na us! It's meh, Rose Ann! Break it down, yow!"

"Bibi Girl, nasaan ka na? Nandito na si Mommy Aizel! Lumabas ka na! Wag kang pabebe!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 24, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He is Her NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon