CHAPTER 1
Nagising si Charie sa ingay ng cellphone niya. Without looking who it was, may idea na siya kung sino ang caller niya.
She doesn't want to answer the phone because she's too lazy to get up. But then the caller is persistent.
Pupungas pungas na lumapit siya sa kinaroroonan ng cellphone niya. And lazily pick-up that darn phone.
"What now? Bakit ngayon mo lang sinagot yung phone? I've been calling you for like forever" sigaw ng nasa kabilang linya, who happen to be Luke her ever makulit na guy bestfriend.
"O.a mo Lucas ah. Dalawang missed calls lang" nakalabing pagrereklamo niya dito. Hindi niya alam kung anong nagawa niyang kasalanan sa Maykapal at biniyayaan siya ng ganito ka kakulit, kareklamador at kaalaskador na bestfriend. Pero syempre joke lang.
No matter how annoying Luke was she loves him dearly.
"See gising ka na kanina pa, pero hinintay mo pa yung pangatlo bago mo sagutin? How lazy can you get sometimes Charito"
"Tulog kaya ako, gising lang yung diwa ko. Masyado ka lang maingay kaya napilitan akong sagutin. But just incase you haven't notice, ayaw kitang kausap at istorbo ka sa pagtulog ko. Now can I put down my phone so I can go back to my peaceful sleep kamahalan? Goodbye and thankyou!" Bababa na sana niya ang phone ng marinig niya ang boses ni kamahalan este ni Lukas Montevista III a.k.a Luke the bwisit.
"Subukan mong ibaba isusumpa ko na hindi ka na papansin ni Ashton ever again at mamatay ka nalang na virgin at single. Hahaha!" Pang aasar pa ng kolokoy sa kabilang linya. Marinig lang niya ang pangalan ni Ashton her loves parang nagliliwanag na ang madilim na mundo. Echos! But seriously, nakakalaglag matris ang kagwapuhan ni Ashton. At dahil nakakatakot naman na mamatay ng virgin eh binalikan ko na si kolokoy na Luke sa phone.
"Hoy magdilang demonyo ka naman bwisit ka! Pag namatay nga akong virgin idadamay ko yang kaligayan mo." Bakit ba ganito ka nakaka irita tong kolokoy na to? Malapit na kong matuyuan ng dugo.
"Kaligayahan ko? Eh paano mo pa ko matitikman niyan? Ako na nga lang ang sagot sa pagka virgin mo gaganyanin mo pa ko?" Kung hindi mo kilala si Luke iisipin mong seryoso na siya, dahil sa timbre ng boses niya. But, she knew better. Alam niya kung kelan seryoso, at kung kelan inaagiw ang utak ng kolokoy.
"Di bale nalang kung hindi lang din si Ashton, mamamatay na kong virgin! Period no erase." Tuluyan nag nawala ang antok niya. Salamat sa bestfriend niyang ubod ng alaskador.
"Pipili ka nalang nang pag aalayan mo ng pichi-pichi yung mukang bangus pa? Di ko alam na animal lover ka pala Charito? Patuloy na pang aalaska ng unggoy.
"Excuse me, hindi siya mukang bangus mestiso yun kasi may lahing kano. Palibhasa kasi ikaw negro" Nagkakandatulis pa na pang aasaradin niya kay Luke.
"Hoy tall, dark, and handsome to. Ang kulay ng tunay na lalaki."
"Ha, di bale nalang uy I'd rather go with someone like Ash"
"Syempre animal lover ka eh. Bwahahaha!"
"Unggoy" medyo napipikon na sya ng konti kay kolokoy konti nalang."
"See? Hahaha."
Ewan ko kung anong meron sa tawa nito but it seems to brighten up my day.
Yaaaak! Brighten pa ano ba tong pinag sasasabi ko argh!
"Sige na Charito kitakits nalang sa school. Iloveyou sweet!" Nag smack pa ang loko sa phone. Bago pa sya makahirit binaba na ni Luke ang phone.
I can't believe it. Tumawag sya just to say na magkita kami sa school. Ayun na yon? what the.
"Ahhhhhhhhhhhhhh" naiiritang sigaw nya.
Napapasok tuloy sa kwarto nya ang kuya Chad nya.
"Anong nangyayari sayo Charito?" gulat na tanong nito.
"Wala kuya nevermind"
"Luka Luka!"
"I know thank you so much"
"Baliw. Lika na magbreakfast para makapasok"
Well, that's what he loves most about her kuya. Napaka caring nito. Palibhasa silang dalawa nalang ang magkasama sa buhay.
Maaga silang naulila sa magulang. Sabay na namatay sa plane crash ang parents nila when she was just 15.
BINABASA MO ANG
ang BESTFRIEND kong BOYFRIEND (on hold)
RomanceHinold ko muna. Para matapos ko na yung isang story.