Chapter 10: The Way I Feel

64 19 14
                                    

Chapter 10

"The Way I Feel"

[Justine's POV]

"po?"

"yes dad!"

"single pa po sya at walang boyfriend"

"di po kami close"

"oo! sinunod ko yung utos mo na gisingin sha every morning"

"wala nga sabi! bestfriend lang meron sya"

"oo dad, babantayan ko sya ano man ang mangyari! Bye po." and I hang the phone already.

Napapadalas na ang pagtawag ni Dad sa akin. At palaging si Jade lang ang kinakamusta niya. Hindi ko alam kung bakit pero baka pinakumusta lang siguro ni Tito si Jade sa pamamagitan ni Daddy.

Pumunta na ako sa school, nakita ko kaagad si Jade. I know naman na nasa school na sya sa ganitong oras sapagkat early bird talaga sya.

"A-aq---" hindi ko nalang tinuloy sa pagtawag ng pangalan niya. Alam ko naman talaga na hindi Aquisha pangalan niya pero sa tuwing tinatawag ko sya don, feel ko AKIN LANG SIYA kaso... marami na kaming tumatawag don kaya Jade nalang siguro itatawag ko sa kanya.

Bigla nalang akong nagulat ng biglang may pumalo sakin sa likuran.

"Justine, mag tipon-tipon tayo sa cafeteria mamaya... may sasabihin akong mahalaga sa inyo and make sure, di sasama si Jade. Okay lang yung bestfriend niya basta wala si Jade" pagkatapos non, pumasok nasya sa loob. Alam kong kukulitin na naman niya si Jade na nagpapasikip ng aking damdamin. Ay! corny ko naman. Papasok nanga lang din ako.

----------------------

Pagkatapos ng class pumunta na kami sa cafeteria. Gustong sumama ni Jade kaso pinaewan sya ng kanyang beatfriend at sinabihang bibilhan lang ng pagkain. Sumasakay na kami ngayon ng walkalator at hindi ko parin alam kung ano ang pinaplano nitong si Daryl. Pero malakas ang kutob ko na tungkol to kay Jade.

"So, kompleto na tayo!" pambungad na sabi no Daryl sa CH4 pati kay Vince.

"Ano ba yung importante na sinasabi mo Daryl at biglaan talaga?" tanong naman ni Mark.

" Okay guys! Dahil magkakaibigan tayo, dapat walang tinatagong sekreto kaya sasabihin ko na ito sa inyo and I hope tutulungan niyo ako!" seryoso akong nakikinig ni Daryl habang umiinom ng Buko Juice.

"Mahal ko si Jade at kailangan ko ang tulong niyo!" natapon ko mismo sa uniform ni  Vince yung Buko Juice na nasa bibig ko at pati si Vince nabilaukan sa kinakain na Donut. Lahat kami nagulat sa sinabi ni Daryl. Halos malaglag panga mi Kevin pati kay Mark, nakanganga lang ang reaksyon. Di talaga namin akalain na yun ang sasabihin ni Daryl.

"Sure ka pare?" tanang ni Mark na parang tulala parin.

"Na surprisa ko ba kayo?" ahy! hindi-hindi Daryl? Kita mo naman reaksyon namin diba?

"Sige pare, as bestfriend ni Jade. Ipagkakatiwala ko sya sayo! Make sure di sya masasaktan or else, sa sementeryo ka nalang matatagpuan! magbibihis muna ako at bibili ng pagkain para kay Jade"

"W-what?!" react ko naman. Hindi ko inaasahang a-agree si Vince sa panliligaw ni Daryl kay Jade

.

"Bakit Justine? Kita naman nating nag change na si Daryl nong dumating si Jade. Di nanga sya babaero at wala kanang makikitang nakasakay na babae sa kotse niya!" pag sang ayon ni Kevin.

"napansin ko nga yun Kevin. Wag kang mag-alala Daryl, tutulungan ka namin!" sabi ni Mark, feel ko ako lang ang mag-isa na oppose sa plano nila, kaya sumang ayon narin ako kahit masikip sa kaluoban ko.

"Oh sya! Kailan tayo magsisimula"

"hayy! salamat naman at kompleto na ang support ko! Plano ko sana ngayong darating na JS Prom. Ok ba?" tanong ni Daryl, gusto ko sya sapakin buti nalang at nag ring na ang bell.

Bumalik na kami sa classroom namin at dinalhan na ni Vince si Jade ng makakain.

Ngayon, nakatulala lang ako sa upuan. Hindi na ako masyadong nakikinig sa guro. Parang wala na talaga ako sa isipan. Hindi ko maintindihan at kung bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko. May feelings naba ako sa kanya?

Or nag aalala lang talaga ako na baka saktan sya ni Daryl? Ewan ko ba! Paki explain niyo nga!

Napatalon naman ako ng biglang may nanggulat sa akin sa likuran, akala ko kung sino ngunit nung pagtalikod ko na...

"J-jade?!"

"Oh! Bat ganyan reaksyon mo? Teka lang... Bat ang lalim ng iniisip mo? Nag away kayo ng girlfriend mo noh?" at ngayon kinukulit na niya ako. Kinikiliti niya leeg ko, di ko namang maiwasang tumawa .

" Girlfriend kajan! wala kaya" at tumalikod ako.

"Ayehh, LQ sila ng Gf niya, kaya ganyan sya." Patuloy niya parin ako kinikiliti. 

"Di nga sabi eh!"

"Eh, bat ka nakatulala, sino ba yang tumatambay sa isip mo at ang seryos mo yata!" tinatanong niya ako ngayon hanggang sa hindi ko na talaga matiis.

" Alam mo jade, huwag mong gawing tambayan ang isip ko! Kapag ako naasar... ikukulong kita sa puso ko!" pasigaw kong sinabi sa kanya, hanggang sa napagtanto ko yung mga salitang lumabas sa bibig ko. Lahat nagsitinginan, buti nalang at nag C.R si Daryl kundi, wasak pagkakaibigan namin. Nagulat ako, mas lalo na si Jade.

"J-justine?" napakasarap talagang pakinggan yung tinatawag niya yung pangalan ko.

"A-ahh... wala! Joke nga lang yun para tigilan mo na ako, ang kulit mo kasi!" at tumawa ako ng isang napakafake.

"HAHAHA!" salamat naman at bumalik na sya sa kanyang upuan at halatang namumula sya, at alam ko rin mas mapula pa ako keysa sa kanya! 

Buti naman at bumalik din sa normal yung mga classmates ko. Haist! muntikan na yun ah >_<

[A/N: Sorry at super short lang po nito, at tsaka POV lang po talaga to ni Justine. Sana nagustuhan niyo po! Sorry sa napakatagal na update. Hingi lang po ako ng super duper tawad! Salamat po uli. Mahal ko po kayo ^_^ paki comment nalang po kung ano yung mga feedbacks niyo and don't forget to vote :) ]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 08, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Upside Down [On-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon