Chapter 1

3 0 1
                                    

"Sa wakas natapos na din!" Sabi ko habang nakataas ang dalawang kamay ko sabay hikab.

Ang "Administrator Program" ito ang pinag gugulan namin ng 3 taon. Mas mapapadali at mapapabilis nito ang kakayahan ng mga Game Masters sa pag-aayos ng mga bugs at iba pa.

"Kailangan na lang ito ipasa kay Ma'am Gina"sabi ko kay Evans. Sabay nag high-five kami.

Ako kasi ang leader sa amin, apat kami. Ako, si Evans, si Jake, at si Mark. Kaming apat ay isa sa mga magagaling na programmer sa buong mundo

"Sa palagay mo tatanggapin kaya yan?" Nag-aalalang tanong ni Mark.

"Ahahaha!" Sabay-sabay namin tinawanan si Mark.

"Syempre naman Mark. Ito ang ating masterpiece. Kapag ipanasa natin to sa isa sa mga naglalakihang Game Company ay kikita tayo ng million-million Brad!" sabi ni Jake kay Mark.

"Akina nga yan! Da-dalahin ko na to kay Ma'am Gina." Kinuha ko kay Evans ang laptop. Sabay bigay kay Evans ng USB. Back-up namin yun mahirap na.

Inilagay ko na ang laptop sa bag ko at nagpaalam sa kanila " Mga Brad! Una na ako. Kita-kits na lang mamaya"

"ingat ka!"si Mark.

"Inom mamaya ha!"sabi naman ni Jake.

"Ge!"walang ganang ganti ni Evans.

~ ~

Habang naglalakad ako ay biglang kumulog ng malakas.'Mukhang uulan ah? Mag ta-taxi na lang ako.' At pumara na ako ng taxi. Na-isip ko rin na baka mabasa ang laptop mahirap na.

Habang nakasakay ako sa taxi ay bigla itong huminto." Boss pasensya na ho! Naubusan po tayo ng gas! Pasensya na po talaga." Sabi ni manong taxi Driver. Bumaba na ako. Hindi na din ako pinagbayad ni Manong.

Habang nag hihintay ako ng sasakyan ay biglang kumulog ng malakas. Napa-"Tsk!" Na lang ako.

Habang kinakapa ko ang aking bag para kuhanin ang payong ay nahawakan ko ang laptop ko. Kasabay noon ay ang pag kulog at pag kidlat.

Nakaramdam ako ng matinding init. Sobrang init parang naliligo ako sa Lava. At nanigas ang buong katawan ko. Kasabay no'n ay nag-dilim ang buong paligid. Pero gising pa din ang diwa ko. Hindi ko na din maramdaman ang buong katawan ko.

~ ~

Marami ang nakakita sa pangyayaring iyon.

"Yung lalaki! Tinamaan ng kidlat!! Dali! tumawag kayo ng Ambulansya!!" sigaw ng isang ale.

Nag layuan naman yung iba. Sa takot na baka sila naman ang susunod na matamaan ng kidlat.

~ ~

'Kidlat? Aah..tinamaan pala ako ng kidlat? Ang malas ko naman' at tuluyan na nawalan ng malay si Victor.

Loading......loading....confirming host....host....

"Host confirmed!"sabi ng isang boses na walang ka-emo-emosyon. Hindi din malaman kung lalaki o babae.

"Name Tobias Marshall....age 28....gender male....birthdate september 09 2044....."at inisa-isa nito ang informasyon tungkol kay Victor.

Pagkatapos nito ay wala ng narinig pa.

~

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Administrator ProgramTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon