Chapter 1

77 4 0
                                    

Chapter 1

Kaitlynn's POV

" kyahhhhhhhhhhh , miss na kita Kaitlynn , huhu  "  yan ang bestfriend kong si Samantha.

Kararating ko lang sa skwelahan , pero yang babaeng yan ang unang bumungad sa'kin , parang kapatid ko lang kung sumigaw , oyy pero wag kayo labbs ko yan.haha . Siya ang Bestfriend ko since elementary . Mag Bestfriend kasi ang Papa nya at papa ko , kaya close din kami  . Ang tawag niya sa’kin ay bessy , at ang tawag ko naman sa kanya ay best.  Mabait  yan, isip bata din pa minsan-minsan , pilosopo naman minsan , pero sweet , at minsan naman amazona  , bipolar ata to eh.

*PAKKKK*    binatukan ko siya .

“ Aray ! Masakit yun hah ! kawawa naman ang brain cells ko huhu , Atsaka ba’t  ka ba nangbabatok  ? May muscles kana ba hah ? Kaya mo na ba ako ? “    ayan na naman siya sa ugaling amazona niya.

Mukha’ng tigre talaga to.

"  bakit ? may brain ka ba ? hindi ko nalang sinagot yung muscle thingy kasi alam kong talo ako , payat kasi ako eh.haha

“ Meron , ikaw lang naman ang walang utak eh ! ewan ko ba bakit sa dami-dami na pwede kong maging  bestfriend eh yong wala pang utak na kagaya mo . “  sabay pamewang.

o__o

Amazona talaga tong babeng to . Masakyan nga , hihi .

“ WOW  naman best , hiyang hiya naman ako sa balat mo . “

“ Dapat ka talaga’ng mahiya “  with matching roll eyes pa.

“ Ou nga best ehh , hiyang hiya ako ,  top 8 lang naman ako sa ranking dito sa school , samantalang ikaw , ano ka nga ulit best ? 2-  “ pinutol niya ang sasabihin ko.

“ hep hep !”

“ Hoorayy!  “

*PAKKKKK*

“ OUCH ! “    Anobeyen ,wala pa nga’ng limang minuto kami nag-uusap , naka ganti agad?

“ Ayy ang arte ! sa’kin aray , ta’s sayo ouch ? sosyalan lang ? “

Hahahahaha  , masarap talaga’ng pagtripan to hehe . 22 kasi siya sa ranking sa 4th year  , ako ? hindi naman maipag-mamalaki , rank 8 lang naman ako . Matalino naman si best , tamad din pareho kami .haha

 “ Para kang aso !” sabi ko , aba ! mukha naman talaga ehh nag puppy eyes kasi na parang may hinihingi .

Maganda naman talaga si best eh , siya yung  ideal girl ng mga boys .

" Ehhh sa na miss ko ang mabait kong bestfriend ehhh " may pa akap-akap pa sa’kin.

Hayy nako, pag ganyan yan may gusto na naman yang hilingin , pramis.!

"Ano na naman yan Samantha Jane Padilla?"

" hehe , bessy naman ehh , ehh gusto ko lang naman magpa sama sa comfort room eh” nag pout pa ang loka. May sayad talaga to , kanina lang mukhang tigre , ngayon naman mukhang aso .

" Ohh cgeh na nga, bilisan nalang natin,malapit nang magsimula ang klase natin ."  pumayag na ako , baka maging tigre na naman ito.

" thank you bessy , ang bait bait talaga ng bessy ko , hindi talaga ako nagkakamali na ikaw ang bestfriend ko " at hinila niya agad ako.

Teenage CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon