Stolen Kiss one shot [KathNiel]

441 16 2
                                    

"Kathryn at Chichay may knock knock ako sa inyo." Sabi ni Mikay sa aming dalawa ni Chichay.

"Osige ano yun?" tanong ko sa kaniya.

"knock knock." Sigaw ni Mikay with gestures pang nag naknock knock XD

"Whos der?" Kunwari binuksan namin ni Chichay yung imaginary door.

"Bakit po." Sagot ni Mikay.

"Bakit po who?" response namin ni Chichay.

"I Whip my hair Bakit po I whip ny hair Bakit po." Tas nag head bang siya sa gitna habang kumakanta XD tawa kami ng tawa ni Chichay natanggal kasi yung peke niyang bangs XD

"WUAhahahahahahahaha! Mikay bangs mo wala na!" Sigaw ko. Di niya kasi namalayan na Tumalsik na pala xD

"Hala asan na?" Tumigil na siya sa pag sasayaw niya. Hawak hawak niya yung noo niyang wala ng bangs XD

"Naka three points ka! Shoot na shoot sa kanal. Wuahahahaha" Sabi ni Chichay habang turo turo yung kanal sa gilid.

"Wag mo nang kunin kadiri. Mas bagay sayong walang bangs." Sabi ko sa kaniya.

habang nagtatawanan kami biglang sumingit sa gitna namin si Joaquin. Problema neto? Nagtatago siya sa likuran ni Chichay.

"Hoy ano bang ginagawa mo?! Ano ba! Dun ka nga!" Tinataboy taboy ni Chichay si Joaquin.

"shhhh. Wag kang maingay.." Patuloy padin sa pagtago si joaquin sa likuran ni chichay. si Chichay naman todo tulak kay joaquin.

Nanunuod nalang kaming dalawa ni mikay sa kanila.

"Booom joaquin!" Sigaw ni Gino kay joaquin. Naglalaro pala sila ng bam sak.

"Ano ba naman yan. Chichay kasi eh. Yan tuloy." Napakamot pa sa ulo niya sa Joaquin.

"Aba ako pa sinisi mo ah! Ang epal mo kasi may patago tago ka pa sa likuran ko!" Sigaw ni Chichay kay joaquin.

"Maski na! Wala kasing pakisama." Big deal na big deal kay joaquin yung pagkakaboom sa kaniya ni Gino kanina XD natatawa nalang kaming dalawa ni Mikay sa kanila.

"Anong meron?" Tanong ni Daniel. Kakadating niya lang sa eksena kasama sila enrique, sam, kit, khalil at marami pang boys.

"Eto kasing si Joaquin inaaway yung kaybigan namin sa pagkakaboom sa kaniya ni Gino." Paliwanag ni Mikay sa kanila.

"Yun lang pala eh. Ulitan nalang." Sigaw ni Enrique.

"Oo nga ulitan, Sali kayo?" tanong ni Sam sa aming tatlo nila Chichay at Mikay.

"Sige ba. Burutin natin tong si Joaquin." Pang aasar ni Chichay. Mukhang inis na inis siya kay joaquin. Si joaquin naman ansama makatingin kay chichay.

"Tara maiba taya!"

pinatong patong nila yung isa nilang kamay para mag kompyangan. Hindi ko pinatong yung kamay ko.

"Di ka sasali?" tanong sa akin ni Khalil.

"Ayuko kayo nalang." sagot ko. Ayuko sumali, lalo na kasali pa sa laro yung bwisit na Daniel na yan. Lagi akong binubully sa school. Palibhasa magkasection kasi kami.

"sumali ka na!" Sigaw nilang lahat sa akin. Except kay Daniel.

"Wag pilitin ang ayaw." sabat ni Daniel.

"Di pwede dapat kasali siya para masaya, madami tayo!" Hinatak ni Mikay yung kamay ko at pinatong niya sa mga kamay nila na magkakapatong din. Nag marami-alis kami.

"Maramiiiiiiii alis!"

tanggal si Chichay , Sam at khalil at iba pa. Natira nalang ako si Mikay Gino joaquin kit at daniel.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stolen Kiss one shot [KathNiel]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon