One Shot

439 21 29
                                    

A/N: Click the external link for the parallel story! :)

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"Lapitan mo na kasi!" sabi ko sa kanya habang tinutulak-tulak siya.

"Ayoko nga kasi Nikka! Baka mamaya di naman niya ako gusto." sabi niya sakin.

"Terrence naman eh! Pano mo malalaman kung hindi mo susubukan?" sabi ko na may kasamang acting na nagtatampo kunwari. Alam ko namang hindi ako matatanggihan nito eh.

"Sige na nga!" sabi na eh! Di talaga ako matitiis nito..

Ay! Di pa nga pala ako nagpapakilala.. I'm Louise Anikka Sy.  2nd year student. 14 years old. My friend often call me Anikka pero si Terrence lang yung namumukod tanging tumatawag sakin ng Nikka. Si Terrence,siya yung kausap ko kanina. Terrence Paul Reyes. Best friend ko yun since birth. De joke! Since prep lang naman. Tinutulungan ko siyang umamin dun sa babaeng mahal niya para maging masaya siya kahit na kasiyahan ko pa yung kapalit. Mahal ko kasi yung best friend ko eh. Di lang bilang kaibigan. Sobra pa. Let me rephrase that, SOBRA-SOBRA PA! Ewan ko ba! Basta bigla ko nalang naramdaman eh.. 

"Nikka! Nikka!" sigaw ni Terrence habang tumatakbo papalapit sakin.

"Oh? Anyare?" 

"Friends na kami!" masayang sabi niya.

"That's good!" sabi ko while flashing a smile. A fake one.

"Ano? Uwi na tayo?" tanong ko sa kanya.

"Ahh.. Hatid muna natin si Chelsea." 

"Ahh.. Di na lang ako sasabay! Alam na!" 

"Bakit?"

"Kasi po.. Baka makasira ako sa moment! Una na lang ako.."

"Sigurado ka?"

"OO naman! Oh pano? Kita na lang tayo bukas! Yung kwento ko ah!"

"Hahaha!! Sige sige! Ingat ka ah!" 

"Opo!" 

At yun! Umuwi ako ng mag-isa kahit labag sa loob ko..

3 months ding paulit-ulit na ganon yung nangyayari. Lagi akong umuuwi mag-isa. Di niya na ako nasasabayan pauwi kasi hatid-sundo niya na si Chelsea. Sa pagkakaalam ko, nanliligaw na siya kay Chelsea. Nung una nga nagtatataka pa ako kung bakit ganon kabilis eh. Kaya lang, matinik yang best friend ko. Wala na tayong magagawa dun. Madalang na rin kami mag-usap ngayon, kahit sa text di na kami nakakapag-usap samntalang dati, di lumilipas ang isang araw na di ko siya katext.. Marami na talagang nagbago..

"Nikka!" agad naman akong napalingon nang marinig ko yung boses niya.

"Terrence..." hindi ko maintindihan yung mararamdaman ko.. Kung matutuwa ba ako kasi pinansin niya ako o magagalit kasi antagal niya akong  binalewala..

"Kamusta ka na? I mean.. Yung panliligaw mo kay Chelsea."

"Ayos lang.. Sorry pala kung di na kita masyadong nabibigyang pansin ah.. Naging busy lang kasi ako these past few days.."

"Busy sa panliligaw kay Chelsea.."

"May sinasabi ka?"

"Wala wala.."

"Nga pala Nikka.. Gusto ko sana magpatulong sayo eh.. Pwede ba?" Kaya ka pala namansin kasi may kailangan ka.. Lagi naman eh.. Napapansin mo lang ako pag may kailangan ka..

Mahal kita... Pero di mo alam(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon