Untitled

21 1 0
                                    


ENTRY #11
# LFSBalikEskwelaSWC
"Untitled"
by trintrins

I am having a hard time filling up the
three pages registration form with my bag
as my table.

"What a school! Wala man lang lamesa
para magamit ng mga nag eenroll."

Pasalamat nalang ako at hindi pa ganun
kahaba ang pila kaya natapos din ako ng
maaga aga.

Marked in mind: Do not enroll on the first
day of class!

Napabuntong hininga nalang ako ng
maalala ang puno't dulo ng pag alis ko sa
dating eskwela. Jared. My boyfriend. O
boyfriend pa nga ba kung ikakasal na sya
sa iba?

5years ang sinayang nya, ang
sinayang ko sa piling nya. Gago sya!

"Orientation palang pala! Sana di nalang
ako pumasok."

Nagtataka akong napasunod sa mga
kaklase kong papalabas . Hindi man lang
ako hinayaang makapasok ng room!

Mula sa kung saan may pumukaw ng
atensyon ko. Pumaling ako't sumunod sa
kanya.

Naglakad sya upang tanawin ang mga
nagliliitang estudyante sa baba. Tuktok ng
limang palapag na gusali. Nakakalula ang
kinalalagmakan ng mga paa namin. Wala
ni isang bakal na nakaharang.

"Hindi ko na matatakasan ang pakasalan
sya. Laro lang ang pumatay sa kanilang
pamilya. Hindi ko ginustong mapukaw ko
ang atensyon nya. Ikaw ang mahal ko
Ella."

Tuloy tuloy lang ang pagbagsak ng luha
ko. Pinupuno ko ng hangin ang dibdib
kong naninikip sa sakit.

Mahigpit na yakap ang sumakop sakin.
Yakap na hindi ko yata gugustuhing
angkinin ng iba.

"Hindi kita isusuko..."

Paulit-ulit kong bigkas sa kabila ng mga
hikbi.

"Papatayin ka nila. Tayo."

"Mas gugustuhin kong mamatay..."

Tinanaw ko ang mga tao sa baba.

"...ngayon... kasama ka. "

Lumamlam ang mga mata nya sabay ng
marahang tango.

Isang matamis na halik ang pinagsaluhan
namin bago hinayaang bumagsak ang mga
katawan sa aming katapusan.

Unang araw sa eskwelahan, ngunit huling
araw sa mundong ito... kasama ng
minamahal ko.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Untitled [300-word Short Story Contest Entry (6th Place)] 🎉
Untitled [300-word Short Story Contest Entry (6th Place)]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon