Prologue
Tahimik ang kapaligiran.
Masayang naghaharutan ang mga ibon sa himpapawid.
Isang nilalang ang makikitang nakatayo sa ibabaw ng matayog na bundok.
Tinatangay ng malamig na hangin ang kanyang hanggang bewang na buhok.
Pinagmamasdan nya ang unti unting paglabas ng haring araw upang gawin ang trabaho nito sa mundo, ang magsabog ng liwanag at pag asa sa bawat nilalang na nasa ibaba.
..
Kapayapaan at Pagmamahal.
Bilang pinakamataas, alipin sya ng dalawang salitang huling iniwan ng tagapagligtas para sa sangkatauhan.
Mga salitang mula ng sya ay nilalang, hindi pa nya lubusang maunawaan.
..
Napahinga ng malalim ang nilalang.
Dahil sa paglabas ng haring araw, unti unting kumalat ang liwanag sa kanyang harapan.
Tumambad sa kanya ang naging resulta ng nakaraang gabi.
Kung saan libu libong tulad nya ang nawala.
Hindi nya maramdaman ang tagumpay.
Mahal nya ang lahat ng nawala.
At ito ang hindi nya mauwanaan.
Kailan ito matatapos ?
..
Napatiim ang bagang ng nilalang ng maramdaman nya ang presensya sa kanyang likod.
Marahan itong lumapit at tumabi sa kanya.
Tulad nya, duguan din ito at maraming sugat sa katawan.
At tulad nya, mahal din nito ang mga nangawala.
"Batid mong nandito lamang tayo para sumunod. " sabi ni Cefas.
Taga bantay ito ng tarangkahan kung saan nangyari ang karumal dumal na digmaan.
Marahas na lumingon ang nilalang.
Pero hindi nya maisaboses ang kanyang nais sabihin ng hindi magkakasala sa lumikha.
BINABASA MO ANG
TOTOY
FantasyBata pa lamang nakararanas na ng mga kakatwang pangyayari si Totoy. Bagama't hindi sya ginugulo o nasasaktan, nananatiling katanungan sa kanyang murang edad kung bakit nya ito nararanasan samantalang ang ibang mga kalaro ay hindi. - - Lumipas ang ma...