Past 1

12 2 3
                                    

Pasukan na... Sa wakas grade 7 na ako... Maliligo na ako at baka mahuli pa ako sa klase.

Mabilis lang ako maligo 10 minutes lang .... wala naman kase akong ginagawang kababalaghan para magtagal.

Nag damit na ako at nag ayos ng buhok. Syempre gwapong gwapo ako sa sarili ko kaya todo ayos ako. Marami kaseng chix sa school. Madami ring mapag titripan syempre gusto ko mas gwapo ako sa pagtitripan ko.

Nagpaalam na ako kay mama para umalis ng bahay dahil 10 minutes na lang mag uumpisa na ang klase. Alangan namang unang araw ng pasukan late agad ako.

Naiinis ako dahil traffic pa. "Pag minamalas nga naman oh!" Pa inis kong sinabi. 5 minutes na lang ang natitira kelangan umabot ako.

Nasa school na ako "para po" eto namang si Manong bingi nakailang para na ako di parin natigil kaya sumigaw na lang ako at narinig naman nya kaso masama ang tinigin sakin.

Pagbaba ko tumakbo agad ako papunta sa room namin. Syempre Section Diamond ako para sakin 1 yun.

Lahat ng madaanan ko binubunggo ko mapa lalaki mapa babae. Pero! may isang babae akong nabunggo. Maputi, maganda at mukang matalino syempre ako loko loko di ko tinulungan,at di rin ako nag sorry mataas kase ang pride ko.

Nakarating na ako sa aming paaralan. "Yes umabot pa ako" patawa kong sinabi.
Pero ang tagal ng teacher namin kaya syempre maghahanap muna ako ng mapag titripan.

Maya maya pumasok.... yung babaeng nabunggo ko sa room namin. Shete! Kaklase ko pala! At dahil wala nang bakanteng upuan kundi sa tabi ko.... no choise sya... uupo sya sa tabi ko.

Ang tahimik nya parang loner pero baka dahil wala syang kakilala. Syempre ako may masamang balak agad, Bully kase ako para sakin masarap pag may napag titripan ka. Pagtitripan ko na sana kaso...

Dumating na yung teacher namin. Si Sir. De Jesus. Oh shit mukang masungit to ah? Isip isip ko. Then nagpaliwanag sya na matatagalan pa sya dahil maraming syang inaasikaso. Syempre ako tuwang tuwa kase mantitrip pa ako.

Kaklase ko sina Raf at Daniel sila yung mga katropa ko na bully rin.

"Oy! Mga pre! Nakikita nyo ba yung Babaeng katabi ko? Tara pag tripan natin" masamang balak ko.

Ganito sasabihin ko sa inyo kung pano. Ini explain ko sa kanila kung pano ang magiging storya syempre expert na kami sa pam bu-bully. Kami paba? Eh mula pagkabata loko loko na kami.

Nilapitan nung dalawa si Puti ( si puti yung katabi ko na gusto kong pagtripan,sya rin yung nabunggo ko sa hallway) tapos kinuha nila yung bag sabay sabi ..... " Ano kaya ang laman nito? Mukang may pera ah? " Sabi nila Raf at Daniel. Sumagot si Puti "Syempre hindi! Mga gamit ko yan! Akin na nga yan!" Pagalit nyang sinabi

"Aba mukang papalag tong babae nato ah?" Sabi ni Raf. Then lumapit ako at kinuha ang bag. Kala naman ni puti ipagtatanggol ko sya kaya nagpasalamat sya.... pero nagulat sya nung tinaob ko ang bag nya at nalaglag ang lahat ng gamit nya.

"Ang sasama nyo!" Galit nyang sinabi at parang iiyak na. Kaya umalis na kami at sinabing "Di ka namin titigilan. We shall return"

Uwian na at inaabangan nanamin si puti di ko kase matanong ang pangalan masyadong masikreto. "Ayan na sya pre" tahimik na binulong ni Raf sakin.

Nung malapit na sya sa gate hinarangan ko sya at nakita ang pangalang Ruby Mae Flores. "Ah yun pala ang pangalan nya" isip isip ko. " Hi Ruby" sabay ngumiti ako sa kanya. Kasi sinampal nya ako at sinabing "Ano pag titripan mo nanaman ako?" Pagalit nyang sumbat.

Kinuha ko ang ballpen sa bulsa ko at nilagyan ko ng sulat ang uniform nya. Nilagyan ko ng pirma ko.

Dinamihan ko na para mas mainis pa sya sakin. Sinampal nanaman nya ako sa muka at mabilis syang naglakad papa layo samin.

"Raf? Daniel? Mapula ba?" Naiinis kong tanong. " Oo pare! Sobra! Ang lakas palang sumampal ng babaeng yun".

"Hayss sige na nga umuwi na tayo pagod na ako sige kita kits na lang bukas mga trops" pagpapaalam ko.

Sumakay na ako ng jeep. Dalawang sakay ako bago makauwi sa amin. Bali apat kapag balikan.

Nang maka uwi na ako ng bahay. Humiga ako at kinuha ang cellphone kong IPhone 7 syempre R.K. ata ako.

Binuksan ko ang fb ko at sinearch ang pangalang 'Ruby Mae Flores'. Hmmmm para sakin maganda naman sya pero wala akong paki dahil ang gusto ko lang naman ay ang pagtripan sya.

Pinangako ko sa sarili ko na hinding hindi mahuhulog ang loob ko sa kanya. Alam ko nmn sa sarili ko na hindi talaga dahil bukod sa pagiging bully.... bitter at pusong bato ako.

Wala akong pakielam sa nararamdaman ng ibang tao oo SELFISH ako may moto kase ako na LOVE YOURSELF kaya sarili ko lang ang mahal ko. Syempre pati mga magulang ko.

Speaking of magulang .... oo mayaman kami pero..... hindi masaya kase... wala akong tatay kaya siguro ganito ang ugali ko kase wala akong tatay.

Puno ng galit ang puso ko dahil iniwan nya kami ni mama. Si mama na lang ang nagpapa aral sakin ngayon... sya ang nagtaguyod ng lahat. Nagsumikap sya para maging mayaman kami at mabili ko ang lahat ng gusto ko.

Kaya na spoiled ako kay mama eh. Mabait kasi sya. Ayaw ko sa lahat yung nang iiwan katulad ni papa. Wala syang kwentang ama. Pero kahit ganon sana makasama ko parin ang papa ko, mahal ko parin naman sya kahit ganon eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Bully BoyfriendWhere stories live. Discover now